Monday, September 3, 2007

theres no rainbow without the clouds and a storm

hahaha napilitang mag post ng english yan yung eulogy speech ko. .
bibigkasin ko bukas sa AVR. . .
bobo ko sa english pagtyagaan niyo na poh muna. .


Ferrer, Jan Karlo L. BSBA 2-1*ENGLISH 3 *SPEECH COMMUNICATION
INLOVING MEMORY OF ISABEL

it is an honor for me to address an eulogy to my beloved isabel. . . .
"theres no rainbow without a cloud and a storm". . . . . . to my heroine who passed away last 2003 i would like to dedicate every word,every moment of this day and forever.

i was on my second year of high school, I am. . . . . . . . a student witout hopes and dreams, a rebel,broken. . . alone for a while ive been searching through the dark. . . in the midst of nowhere i saw an unfamilliar face,she looks like an angel to me. . with just a simple smile she captured my lonely heart, we shared our thoughts,laughters and joy together.

i still remember how you whispered the words of sorrow, how you said "this should be the end" I closed my eyes for a minute or two, trying to escape from this truth yet shes dying and she was ready to go i replied with teary eyes"but i am not ready to let go" we met,we laugh,we held our love up to the last and then we said goodbye.

death leaves a heartache no one can heal,love leaves memory and no one can steal.though youre gone in my dearest memories, i still believe that you can call out my name a voice from the past,saving me from deep griefs ill miss the way she smiles as of this wourld without hypocrisy,her eyes that speak harmony,her lips that add up the layers of sweet words. .

our melodies of life changes their hues and sound for you. .. . . WE GATHER STREGHT FROM SADNESS AND PAIN EACH TIME WE DIE WE LEARN TO LIVE AGAIN. . isabel is my love,life and you will always be. . . .

Monday, July 30, 2007

life isn't fair?

minsan sa buhay ko tinawanan ko ang mga bagay na hindi nakakatawa iniyakan ang mga bagay na hindi nakakaiyak hinanap ang taong andiyan lang pala sa tabi ko pinagtaguan ang mga mata na alam ko namang nakikita ako. . .

alam naman natin sa buhay maraming hindi mo akalaing mangyayari maraming akala mo yun ang mangyayari pero hindi pala. . marami sa atin sinasabing napaglaruan sila ng tadhana halos buong buhay nila sila ang kawawa pero hindi ba natin naiisip na hindi lang tayo ang nakikipaglaban sa buhay? marami sa atin nakikita lang ang mga pasanin samantalang hindi nila alam kung paano natin napapasan ito. . .

ang buhay ay kabalintunaan ng maaring gusto mong mangyari o ayaw mong maganap isa lang ang sigurado maaaring pabor o di pabor ang mangyayari. . .

matagal akong nagtago sa dilim matagal nakipagsabwatan sa aking sarili mahabang panahon ang inilaan ko para sa mga maling pananaw sa buhay. . .

ngayon habang sinusulat ko toh hindi ko lubos maisip na nadaanan ko na din pala ang hangganan ko bilang tao o hindi ko masasabing hangganan step siguro sa pagiging tao. .

sa murang edad natutu ako ng ibat-ibang klaseng bisyo natutu ako ng ibat ibang klaseng kamalian isa lang ang pinagsisihan ko sa lahat ng nagawa ko yun ay ang panahon na nagsimula kong gawin ang alam ko na mali at sundin ko ang sarili ko. . .

ginawa kong panangga ang kaunting kamalian ng pamilya ko ginawa kong sandalan ang bulok na sistema na umiiral sa mundo sinisi ko ang kahirapan kung bakit ako andito. . .

pagkatapos ng lahat ng iyon ako pa din ang talo ako pa din ang kawawa ako pa din ang nangangapa ako pa din ang umiiyak ako pa din ang tinamaan ng sinasabi kong bala na makakapagligtas sakin. .

ang buhay hindi mo masasabing boring kung hindi ka marunong tumawa hindi mo masasabing masaya if di ka marunong malungkot hindi mo masasabing malungkot pag tawa ka ng tawa hindi mo pwedeng sabihing fair kung ang tingin na marami unfair at hindi mo malalaman ang kahulugan kung patuloy kang magbubulagbulagan sa buhay na hindi mo naman dapat pagsawaan. .

natry mo nabang magpakamatay ou mag suicide kung hindi pa ako natry ko na poh ang sikat na sikat sa ibang bansa na suicide. .

yun yung panahon na feeling ko wala akong kwenta wala akong halaga wala akong patutunguhan wala din naman pupuntahan kung mabubuhay ako. .

ayun trinay ko lang naman tumalon sa mababa ngunit nakakalulang roof top sa bahay ng barkada ko. . pareparehas kasing high kaya di na alam kung anong nangyayari..

pero ako alam ko kung bakit gusto kong magpakamatay kung bakit gusto kong tumalon sa ganun kataas na alam ko naman na kahiyahiya itsura ko pag ako natuluyan. .

patalon na ako ng may bumulong sa aking likuran sige bata talon! talon lang matagal na kitang hinihintay. . kinabahan ako sino kaya yung naunang tumalon dito at trip pa yata ako kasi hinihintay daw ako ee. .

pag lingon ko sa aking likuran nakita ko ang isang lalake na sobrang gwapo at hindi ko maipinta ang kanyang suot kasi super kinang na kulay ginto. .

ano pang hinihintay mo talon na kanina pa kita hinihintay wala akong nagawa kundi tumitig lang sa kanyang mga mata na nanlilisik na. . .

bigla ko nalang narinig sige iwan mo na kami sige kalimutan mo na ang samahan natin sige tumakas ka!!!! halos pasigaw na mga salita ang sunod sunod kung narinig sa mga boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. . .

nagising nalang ako nasa kulungan na ako nakahiga may raid pala kagabi nahuli kami sa pot session habang 3p kong tumalon may nakapagtimbre na pala sa mga pulis na may nagaganap na pot session ayun sa kulungan ang bagsak ko hindi sa bangketa. .

3 buwan din ako sa kulungan dahilan para di ko maipagpatuloy ang aking pag-aaral nakalabas din ako kasama ang barkada at pansamantalang nagwatak watak muna. ako tinuloy ko ang pag-aaral ko at ang iba ko namang barkada ay nagsipagtrabaho. .

ngayon habang sinusulat ko toh 2nd year college na ako at katatapos ko lang magresearch sa history kaya naisipan kong iupdate ang blog ko dahil na din sa kagustuhan ng puso ko na masabi sayo na hindi ka nag-iisa sa pasan mo parehas lang tayong nalalabuan sa mundo. .

ang buhay parang usok yan habang bago palang ang usok halos wala kang makita pero habang tumatagal diba naaaninag mo kung ano ang nasa kabila ng usok na yun? ou ang kabila nun ay ang punong mangga nila aling tekla na pinapausukan na hitik na hitik sa bunga. .

ganun din sa buhay wag kang magsawang lumuha wag kang mag-alinlangan na baka mabulag ka bagkus ay maghintay ka sa makikita mo sa likod ng mga pasakit na dinanas mo may matamis na manggang naghihintay sa likod nito yun ang dapat malaman mo. .

god will see the truth but wait

Tuesday, July 17, 2007

now that we here so far away

medyo napapaisip ako ano ba ang isusulat ko ngayon nagkataon lang kasing walang nanonood sa pagsulat ko ngayon hehehe- - kaya medyo sasamantalahin ko na muna ang pagkakataong ito- -

habang tinatype ko toh background song "so far away" staind tagal kong hinanap yan woooh natagpuan din- -

natatandaan ko kasi tong kanta na toh nung 2nd year high school ako ilang taon na din ang lumipas ilang kaibigan na din ang kumupas ilang kasintahan na din ang tumakas ilang bote na din ng alak ang nainom ilang teacher na din ang nagdaan ngayon 2nd year na ako sa kolehiyo wow sarap isipin ilang taon na din pala akong nakasurvive- -

4 years na ang lumipas hindi ko na maalala ang lahat ng nangyari mga piling kanta nalang ng mga paborito naming banda ang nagpapaalala sa mga alaala ng lumipas na panahon- -

woooh grabeh habang pilit kong inaalala ang masasayang tagpo na yun napipilitin ang aking mga mata na maglabas ng sobrang tubig sa aking mga mata- - huhuhuhu

wala talagang permanente dito sa mundo andiyan siya at mawawala dapat handa lang talaga tayo- - 2nd year yata yung sukdulan ng buhay ko dun ko natutunan lahat dun ako tumingin sa itaas at sumigaw "totoo ka ba?" tanong ko yan sa langit kong totoo ba ang diyos bakit ganito bakit ganyan- -

isa lang pala ang sagot dun hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam kung totoo siya- -

dun ako nakakita ng malaking manok lumilipad na pusa dun ko nakayang sungkitin ang buwan nakalaban ang mga dragon ballz tinira ng reagan ni yugin hinabol si lupin inabutan si road runner at naging syota si rapunzel- - - kapag "high"

dun ko nakilala si isabel nagpapaalala na hindi lahat may kasagutan minsan kailangan mo munang malaman ano ba ang dahilan mo bakit gusto mong malaman- -

namatayan ng girlfriend,nawalan ng barkada inaway ng kapitbahay ginulpi sa kanto nawalan ng pitaka nadapa sa edsa nakita ang crush kinilig sa kaklase nagpabunot ng ngipin nagkabukol sa mukha hanggang sa naopera narinig ang mga awit ni bamboo namatay ang lola nagkatigyawat natalo sa sugal na imcomplete sa p-e nag sayaw ng maglalatik nung 2nd sem at ngayon 2nd year kahit payatot naka 1.1 sa prelim namin aquatics hehehe- -

ito lang para sayo na nagbabasa nito maaring mas matanda ka sakin mas bata mas isip bata alam naman natin ang tama o mali diba?pero ako grade 2 pa lang alam ko na na bawal ang droga,bawal ang pre marital sex,bawal ang magsugal,bawal magcutting at alam kung lahat ng yan ay mali pero nagawa pa din diba?

hindi masamang mangarap na kayakap mo si rapunzel basta wag kang magdrodroga hindi rin nakakahiyang paminsan minsan tamaan ka ng reagan ni yugin kung si taguro nga lumampas na yung porsyento talo kay yugin eh- - ang sakin lang kung kaya mong paniwalaan ang sarili mong kakayahan im sure kayang kaya mo gawin mo wag kang magpatangay sa mga taong hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. . .

abutin natin ang mga pangarap natin, ako dati wala talaga akong pangarap masayaran lang ng redhorse yung lalamunan ko ok na kahit hindi pumasa basta kasama ang barkada- -

ikaw ano ba ang pangarap mo??? kung ano man yun tuparin mo pero kung ang pangarap mo tumama sa lotto magkakatotoo lang yan pag nag aral ka at nagkaroon ng magandang trabaho pag napromote ka at nagkaroon ng pamilya para ka na ring tumama sa lotto sa kasiyahan- -

ang kasiyahan hindi mo makakamtan yan sa mga materyal na bagay- seryoso dati gusto ko mag karoon ng cellphone kahit ano basta cellphone nung nagkaroon ako ang saya saya ko pero mga ilang buwan lang gusto ko na yung may camera tsk. . .

gusto kong tuparin ang mga pangarap na nabuo naming magbabarkada- - -

pangarap kong tuparin ang mga pangarap ko tanggapin ako sa iyong puso "god" akala mo si pitchay ano????? iboto naman yung kanya eh- - -

dream believe survive yan ang kailangan nating pananaw sa buhay hindi lang pang gwapo at maganda yan hindi naman tayo sasali sa starstruck eh- -

matagal na tayong nakikipaglaban sa buhay ngayon nakakabasa na tayo at nakakaintindi ng dapat nating intindihin- - -

go for goal not for gold
-dreamer

love is blind
-celio
whaaaat??!!!!!!!!!!!!
-retry
kahit panget basta mapgmahal
-ariel
bakit mabait ang laging kulelat?
-marvin

ang panget mo pero mahal kita
- (isabel)
i love you isabel
-karlo

Monday, July 2, 2007

sound effects and overdramatic

nice song yan yung sabi ng tenga ko nice lyrics yan yung sabi ng utak ko ang galing na banda sabi ng mata ko ang sakit sabi ng puso ko. . .

sa tuwing naririnig ko ang trip kong kanta katulad ng ides of march ng silverstein at devotion and desire ng bayside yan yung nararamdaman ko. . .

nagdadalawang isip ako na ipagpatuloy ang nasimulan ko pero nagkakaroon ako ng lakas ng loob para lumaban hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang gagawin ko. . .

ipagpapatuloy ba o susuko nalang ng hindi alam ang kahihinatnan masakit kasing isipin na matatalo ako ng hindi man lang lumaban masakit din naman isipin na masasaktan ako kasi ipinaglaban ko siya. . .

gagawin ko nalang kung ano yung dinidikta ng puso ko kahit mali kahit masasaktan lang ako kahit hindi alam kung may patutunguhan ba ito. . .

ito yung pinakapaborito kung line sa devotion and desire ng bayside

Trying to create something that's not there.
A spark I saw as a bomb is just a means to an end.
And I was just so happy to be out of my shell again,
don't think that I really cared for who or what.
So for now I'll just have to keep it shut.

If you're not ready, you're not ready.
Please stop acting like you are.

How could I know
that everything you say are lies about devotion and desire?
And I know the spark inside your eyes
was just the match I used to set myself on fire.



at ito naman yung sa ides of march ng silverstein

Tie me up with sheets, and hang me from your tree
I'll stay out here all night, it doesn't even matter
As long as I can see, into your room and feel
Like I'm inside your life, I'll follow you forever

Don't cut me down just yet, I'll make things right again
Don't close your blinds on me, on me...

Tuesday, May 29, 2007

sadness(alone and wonder)

SAD (Seasonal Affective Disorder)

Whether you thought it was called SAD syndrome, Seasonal Adjustment Disorder, Seasonal Affected Disorder or just plain SAD Disorder then you've come to the right place. The terms Winter Depression or Winter Blues are also sometimes used, especially when describing milder types of SAD.

What is SAD?

Animals react to the changing seasons with changes in mood, metabolism and behaviour and human beings are just the same. Most people find they eat and sleep slightly more in winter and dislike the dark mornings and short days. For some, however, symptoms are severe enough to disrupt their lives and to cause considerable distress. These people are suffering from SAD.

____>>>> malungkot ako pag umuulan- - tang ina nung tag-init andaming masaya kasi andiyan yung swimming,camping,beach volleyball at kung aniks aniks pa na walang habas na paggastos- - ako ayun nasa bahay lang at kung minsan nagaabang ng magyaya sakin ng inuman- -


____>>>>malamig na naman ang simoy ng hangin papasok na kasi ang tag-ulan - - pero ganun pa din naman walang pinagbago panahon lang ang nagbago- -


____>>>>medyo nagsisi ako pag dumarating ang tag-ulan kasi naiisip ko yung mga kagaguhan ko at katangahan noong tag-araw pa sa aking buhay ngayon kasabay ng ulan sa halik ng tubig sa lupa sa pagbaha sana sumama ang mga problemang dala ko noong tag-araw- - -

___>>>bumabalik yung nakaraan yung ang araw ay nakapanig sa silangan ng aking buhay- - ngayon dama ko na ang lambing ng panahon hindi ko na alintana ang kasakiman ng nagdaang mga araw gusto ko nang magbago ng daan wala naman kasing tamang daan at lalong walang dating daan- - ako nalang ang gagawa ng sarili kong daan- -

___>>>sa pagsabay ng ulan sa ating mga kalungkutan may ligayang daan para sa hinaharap na bukas- - kahit ikamatay ko man ang kalungkutang aking pagdadaanan ngayong tag-ulan alam ko na may tag-araw pa para sa ating lahat- -

____>>>hindi man natin nakita ang liwanag sa nagdaang tag-araw ngayong tag-ulan patuloy parin tayong umaasa na may pag-asa- - (ibaon sa limot ang nagdaang pait itago sa puso ang natitirang tamis) TODAY IS GONE BUT TOMMOROW WILL BE OKAY- -

Monday, May 28, 2007

behind the straight line(blue and white)

kagigising ko lang sakto walang gumagamit ng p.c ayos!!! ano nga ba isusulat ko ummmm sige na nga kahit ano nalang- - -

kahapon parang walang nangyari pumasok sa skul nag-exam at nag-uwian tapos ang isang myerkules nabawasan na naman ng isang araw ang ilang taon pang nalalabi bago makatapos- - -

bakit ba ganun hindi ko din maintindihan kung ano ba talaga ang reason why we here mag-aaral ka ng 14 yrs sa iba 20 years pagkatapos mong grumadweyt pagkatapos ng gabing inantay mo ng 4 o sampung taon pagkatapos ng iyakan pagkatapos mong maperahan ng mga prof. mo na mukang pera na mga tarantado pagkatapos mong madapa sa stage kahit 100 beses niyo na prinaktis pagkatapos kayong pag-bayarin ng graduation fee na pagkamahal mahal kasi ang katwiran gagradweyt na din naman . . . akala mo dun na yun tapos na yun hindi pa kasi bukas ng umaga pagkakain mo ng almusal punta ka ng makati,ortigas,alabang basta mga business area para mag-aplay ng trabaho- - - - toinkz

ano ba nag batayan sa pagpili ng trabaho kailangan ba na madami kang kakilala madaming pera madaming dalang chichiria syempre lahat yan kailangan--

madaming kakilala- - >bobo na tarantado na nag bayad sa halos lahat ng subject para pumasa ayun tanggap kagad sa trabaho kasi kakilala niya yung manager,yung supervisor yung janitor. .

madaming pera- - >negosyante ang dating ng mokong na toh syempre katulad din siya nung maraming kilala na nagbayad para makapasa ngayon pera na naman ang gagamitin niya para matanggap siya mamumuhunan muna sabi nga nila. . .

madaming chichiria- -> ito yung may sari-sari store samin ayun pinagkakalat sa lugar namin na ang sikreto daw sa pag-aaplay sa trabaho ay magdala ng maraming chichiria para may mangata sa sobrang habang pagpila- - ayun hanggang ngayon wala pa din siyang trabaho- -

dati at sa kasalukuyan pinagtatanggol ko talaga ang iskwelahan na aking napasukan pero habang tumatagal at unti-unti akong namumulat sa sistema naiisip ko tama ang sinasabi ng mga kakilala ko o ng mga nakasakay ko sa jeep masyado talagang bulok ang sistema ng aming unibersidad. . .

sila lang ang masaya sila lang ang dapat na masunod wala kaming boses na mga estudyante iilan lang ang naging instructor ko na talagang masasabi mong concern sa mga tulad kong estudyante kung di mo gusto ng sistema wag ka dito mag-enrol yan ang laging katwiran ng mga namamahala sa iskwelahan na yun "WAG KA DITO MAG-ENROL" di talaga ako dito mag-eenrol kung madami kaming pera na kaya akong pag-aralin sa paaralang nabubulok palang ang sistema kasi dito malala na ang pag-kabulok kahit ilang henerasyon pa ang lumipas at andiyan pa din ang mga buwaya sa iskwelahan na yan ganyan pa din ang sistema walang pagbababgo. . . .

hindi ang pangalan ng iskwelahan ko ang bulok katulad ng mga naririnig ko sa mga kapwa ko estudyante na sa ibang iskwelahan nag-aaral"BULOK NAMAN ANG +_@$%" ou maaring bulok na ang facillity mabaho ang c.r panget ang mga building pero hindi dun makikita ang pagkabulok ng isang iskwelahan- -

pwedeng maipagmalaki at makilala ang iskwelahan namin kung ang mga namumuno ay hindi bulok at hindi mga ganid na sila-sila nagsisiraan lahat namin kami dun bulok . . .

Saturday, May 26, 2007

we the sovereign filipino people(avoid the chaos)

minsan naisip ko bakit ibat iba ang kulay natin may puti may itim at may brown- -
ang sagot pala dun- - hindi ko pa din alam harhar- -
pero kailangan nating maintindihan kung bakit andito tayo sa mundong ibabaw- -
ako hindi ko pa maintindihan- -
kabalintunaan ang buhay pag malungkot ka may masaya pag masaya ka siguradong may malungkot- -

masasabi ko lang magmahalan tayo - -

So many faces, so many races
Different voices, different choices
Some are mad, while others laugh
Some live alone with no better half
Others grieve while others curse
And others mourn behind a big black hearse
Some are pure and some half-bred
Some are sober and some are wasted
Some are rich because of fate and
Some are poor with no food on their plate
Some stand out while others blend
Some are fat and stout while some are thin
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most
Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin' round, make it twirl
In this kaleidoscope world
Some are great and some are few
Others lie while some tell the truth
Some say poems and some do sing
Others sing through their guitar strings
Some know it all while some act dumb
Let the bassline strum to the bang of the drum
Some can swim while some will sink
And some will find their minds and think
Others walk while others run
You can't talk peace and have a gun
Some are hurt and start to cry
Don't ask me how don't ask me why
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most
Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin' round, make it twirl
In this kaleidoscope world

Thursday, May 24, 2007

a hand painted heaven T.T

paano pag wala kana? san ka pupulutin? ano ang mararating mo doon sa ibayo na ang tawag ng iba ay kalangitan- -

bakit nga ba dapat nating bumuo ng magandang samahan dito sa lupa pagkatapos aagawin ng sinasabing buhay na walang hanggan- -

tandang tanda ko pa- - kahit malabo na ang kanyang mga mata pinipilit niyang maipasok sa napakaliit na butas ng karayom ang sinulid na kailangan bang lawayan para maipsasok ng mabilisan- -

di ako pwedeng magkamali siya yun- - ou siya nga yun- - siya ang naging malaking inspirasyon kung saan madilim ang daan at ang daming kalaban- -

to my lola - - > mahal na mahal po kita- - > salamat po at napalaki niyo si mama na mabuting tao- - >

muzta po jan sa langit? magaganda poh ba ang mga angel - -lola pasensya kana kung hindi kita napupuntahan sa puntod mo yaan mo pag nakatapos ako(30 months from now) papa crimate kita masyado kasing mahal ang magpasunog pero pag nanunog naman ako ng tao hindi ako babayaran ipakukulong pa- - > lola basta po maraming maraming salamat- - > maaaring ngayon ko lang masasabi sa iyo to- - at sa blog pa pero taos sa puso ko- - >SOBRANG MAHAL PO KITA- - >

Tuesday, May 22, 2007

beautiful disaster(i dont know what it is)

simulan ko nung isang araw- - -

isang araw- - toinkz- -

may 12- - kasalukuyang nakatalukbong ng kumot at nagiiyak-iyakan- - bumabalik balik kasi ang nakaraan sakto anniversary ng kamatayan niya- - T.T

may 19- - naiba ang tema ng kwento ng mag montsary ang friends ko(korei,korenai) ayun tamang sweetness parehas may puso sa mata- - (gift ni korenai sim na sun) sakto kasi nablock yung globe ni korei kaso walang ibang matawagan kasi naka globe si bestfriend korenai- -

ayun yung araw na yun solve ako sa alak galante si bestfriend korei eh- - andun din si bestfriend di.an tsaka si bestfriend celio(a.k.a BOGA) si bestfriend ariel at marvin nakigulo din sarap ng montsary- -

may 20- - sinuli ko yung bote ng redhorse na may deposito see kumita pa ako- - :)

may 21 ata- - 21 ba korei ahh ou 21 nga ayun habang busy busyhan kami ni korei sa panghuhula ng numero sa sun eh tumawag si korenai- - maya maya sabi sakin ni korei " pare wala na break na kami" syempre ako di nagsalita na shock din ako eh- -

akalain mo ba namang nung isang araw lang masaya tapos ngayon lungkot at hinagpis na - - tsk. .tsk. . tsk. .

ayun dinaan sa inum same place sa bahay ni celio ang napakabait naming tropa- -
brad pabili kana quarter to 5 alis din kami tinig ng wala paring kupas na si bestfriend di.an(may blog din yan) kasama niya yung frend niya na si wendell- -

ayun tagay tagay- - umalis muna sila bestfriend di.an kasi susunduin ang kanyang iniirog- - :)
medyo hilo hilo na kami ng magpaalam na liligo si korei ayun tamang tagay pa din kami ng may narinig nalang akong- - - - hulaan niyo kung ano narinig namin- - - -

ayun narinig namin may umuungol hindi ungol na ungol na alam mo na- - hahaha ungol na parang may binabadya - - hindi ako nagkamali pumatak na ang mga luha,mejo tumulo na ang sipon pero gwapo pa din naman- -

- - tol bukas lilipat na kami sabi ni celio kami syempre nalungkot malayo na siya minsanan nalang kung magkikita kami- - pati magpapasukan na kanya kanya na naman kaming busy busyhan ever- -

nakakamiz lang kasi ilan na bang kalokohan ang nangyari sa bahay niyang yun ilang inuman na ang pinagsaluhan namin doon ilang suka na ang tinanggap ng inidoro nila ilang upos na ng yosi ang pinatay ko sa gilid ng semento nila ilang fix you na ng coldplay ang paulit-ulit naming kinanta ilang problema na ba ang inayos namin sa bahay na yun ilang kwentuhan ang paulit-ulit bumabalik sa tuwing andun kami ilang barkada namin,bagong kakilala clanmates klasmates hindi kakilala ang tumuloy sa bahay ni celio at nakilala namin- -

ilang buhay ang nagkaroon ng pag-asa??? at ilang pagkakaibigan ang hindi ko papayagang masira dahil sa bahay na yun- -

hindi man ako perpektong barkada bad influence nga ako eh- - pero kahit gaano ako katigas kaya kong magpakalambot para sa kaibigan- -

doon namin binuo ang mga pangarap ng mga simpleng kabataan- - -

hindi pa tapos simula na naman ng panibagong bahay pero same ang pagkakaibigan--

Thursday, May 17, 2007

new improved version of me

ringgggggggg. . ... . . . .. . hello sino toh? pare si buboy toh- - buboy??? bobuy pare cubao- - ah oh pare ano na? tang ina tagal mo di nagparamdam ah- - hindi kais pare bz lang tara punta ka dito samin b-day ko nalimutan mo???(kahit limut ko na) ah hindi pare ah kaw pa malimutan ko- - cge anong oras ba??- - ngayon na maligo kana w8 ka namin dito ah- - cge cge cge- -

oi pare happy b-day unang pagsasalita ko nung dumating ako sa bahay ng tropa ko- - ayun late pa din- -

pare di ka pa din nagbabago sa oras mo ah- -pinoy na pinoy ah- -

pinaalala tuloy sakin yung mga tyms na may lakad kami ako nalang lagi ang hinihintay- - laging late unprofessional ika nga ng mga may mga work huwah chuchal- - -

bumanat ng tanong yung isa kong barkada pare diba ex mo si **** ayun may asawa na- - sabay tawa ako- - hahaha di ba napigilan ang sabi ko- -

banat pa ng isang tanong eh si ******* diba ex mo din yun sabi ko oo bakit nagasaaw na din ba? hindi pare tuyot na tuyot na mas lalong naging gago tinuruan mo kasi eh- - sad face lang naisagot ko- -

pare bakit iba na yata ang tropahan nasan na sila noel mukang wala ata- - pare tagal mo kasing hindi bumisita ayun tabla tabla na kami- -

ganun ba eh paano mo nga pala nalaman yung number namin sa bahay- - ayun tiinanung ko kay bernie- - ganun ba- - painum ka na- -

isang umpukan na kami- - pare si ano nga pala si ano si ano- -atbp. daming hindi ko kilala dito ah- - mukang iba na talaga ng linya ang tropa ah- - yaan mo pare mga ok din yan- -

isang tagay pare mukang wala atang dalang pouch o hand bag? ah- - hahahaha tawanan ang mga luma kong tropa- - (kasi pag may kasama akong gf lagi ako ang may hawak ng bag) ayun emo ako- - hindi ko malimutan si sabel eh- - hahahahahaha tawanan ulit sabay banat ni bernie ulol!!! alam ko naman ang habol mo dun eh- - siguro kung hindi namatay yun may asawa kana- - tawanan ulit- -

binalik ulit nila yung mga banat ko sa tsiks pag-inuman sabi ko pare pass na muna ko sa mga ganyan- - ito oh pare si joan ok toh- - ulol wag mo kong tulad sayo- - sabay ngising aso- - tawanan- -

mejo nagkakahiluhan na- - napapadami na inom- - nabanggit nila na kaya nagkalabuan dahil sa babae- - sabi ko pare wag na nating pag-usapan yan- -inum nalang tayo at uuwi ako ng maaga kasi alam mo na baka di ako pag-aralin ng 2nd yr. ah ou nga pala nag-aral ka nga pala ng college pare pag nakatapos ah- - ambunan mo ang tropa ou naman kayo pah- -

lahat na naman ng bisyo ko dati natikman ko- - pare mukhang pumayat ka ah- - kung kelan di ka na **** eh saka ka ata pumayat- - hindi ayos lang ako- - namayat sa pagmumulto ni sabel - - hahaha sabay tawa- -

medyo naging emotional ako ng ipaalala nila yung mga masasayang samahan namin- - pare alam mo nung nawala ka dito nawalan din ng buhay- - sige pare minsan daan ako dito pasyal pasyal ako- -

pare si ********* hinahanap ka dito nung isang buwan kung nagparamdam ka na daw ang sama mo daw- - tinatanung kung san ka tumatambay papagulpi ka ata- - pare hindi ko lang kasi alam kung akin talaga yun eh- - pag nakita mo sabihin mo itx nia ako 0926-6461218 ayan number ko pakisabi txt niya ko makikipagkita ako- -

tara pare sindi tayo sa loob- - pare pass muna ako- - anong pass? tama ba yung naririnig ko nagpapass si karlo? hahaha tara na minsan lang toh dati nanununtok ka pa pag di ka natiran- -

bangag- - - kelan nga pala uwi ni grace ewan dun la akong pakialam dun ayaw mo ba ng chocolate ayako- - - sawa na ko sa chocolate niya hahahaha- - - cge pare tara labas na tayo- - -

pare balik ka dito ah- - -enjoy namn diba??? cge pare pag may tym- - - salamt ha- - - wag mu na kami tawaging long lost friends ha? ou sige- - -

Monday, May 14, 2007

flavor of the month(whoever wins we lose)

ako ang maglulunod kay paquiao sa gatas
at ice cream maglalason sa kanya ng
alaxan at magaahit ng putang inang
bigote niya- d.an

yan ang makabuluhang txt sakin ni d.an- napaguusapan kasi namin yung tungkol sa mga tumakbo sa eleksyon- -

hahaha- - - nauhaw sa power- - nilabanan ang dapat kaibigan- - - ayan habang sinusulat ko toh kalahati ang lamang ng crush kong si darlene kay pacman- -

gustong tumulong sa mga kababayan gagastos ng limpak limpak para sa kampanya bakit hindi nalang itulong sa mahihirap- - dahil kulang ang pera??? kung ano yung bukal sa loob mong itulong yun yung ibigay mo- - -

natatawa nga ako pag naiisip ko ilang eleksyon naba ang dumaan? may iskwater pa din- - ilang pulitiko na ang nangako na mag-aahon sa ating bayan pero lalong nabaon sa utang- -

sana sabihin niyo na ang true agenda ang magkamal ng limpak limpak na salapi at mapaglaruan ang kapangyarihang sa pulitika niyo lang mararansan- -

bakit nagpapatayan sila? bakit nagsisiraan eh parerehas gustong tumulong sa bayan eh bat parang lahat ay masama kaya ang mga botante kung saan nalang merong bayad dun sila kasi hindi din naman natutupad ang mga pangako atleast sa araw na yun nakatikim sila ng manok na prito at pagkatapos ng eleksyon balik ulit sila sa pagdidildil ng asin at pag-amoy sa usok na mabaho ng naglalakihang pabrika- -

ito ang pahayag ni idol mirriam defensor santiago

ANG SARAP MAGING SENADOR!

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

Wednesday, May 9, 2007

wanted: decent teachers

ang guro ang tagapaghubog ng isipan ng isang mag-aaral-siya ang isa sa mga taong may malaking papel sa magiging buhay ng isang estudyante-

sa nakita ko at naranasan ko sa mga ibang teacher nung hi-school pa ako masyadong brutal kong sasabihin kong sila ang isa sa pagkakaroon ng maruming pag-iisip at pagkakaroon ng insecurities sa sarili-

ngayon nararanasan na naman ng madaming kabataang nakapaligid sa akin- may isang teacher na lalake ang walang habas kung manlait sa isang estudyante samantalang kilala siyang manyak at adik sa eskwelahan-

iilan lang ang nakita kong talagang matinong teacher syempre adviser ko noong 4th yr. ang unang example- isa siya sa sinasaluduhan kong teacher sa high school at hindi ko siya makakalimutan pag titser ang pinaguusapan-

pero mas marami ang kampon ni satanas at kamag-anak ni pareng lucifer na teacher andiyan ang manyak na titser,lasenggero,sugalero,adik mahilig din magpower trip ang mga gagong yun-

ginagamit ang pagiging teacher para mang abuso at magpahirap ng isang estudyante- hindi sila patas parating may pinapanigan-

iisaisahin ko ang teacher na walang awang sumisira sa utak ng mga estudyanteng tinuturuan nila-alam niyo toh kung isa kayo sa nakaranas ng ganito lalo na sa pinasukan ko noong hi-school-

si butete- malaki ang tiyan na payat isang history teacher- tinatago ang asawa at pinangangalandakang binata siya- isa sa pinakakinaiinisan kong lalakeng titser sa pinasukan ko-
mahilig siyang mag power trip- magpahiya sa mga estudyanteng alam niyang may utak at manyakin ang mga estudyanteng babae-(wag kayong didikit diyan manyak yan si sir)

si darna- ang babaeng walang ginawa kung hindi ibunton ang sisi sa mga estudyante niya- may pokpok na anak pero hindi mapagsabihan pero kung makapagsalita sa estudyante niya akala mo perpekto siya-

si dancer- ang titser na napakahilig sa dancer na estudyante- pag magaling kang magsayaw sabihin mo kay mam para kapit ka sa matatag-kahit napakabobo mo nasa honor ka kasi magaling kang magsayaw-hahaha bobo din kasi siya mahilig magsayaw-haha dancing queen ang potah-pero pag may kukuhani kang requirements sa kanya tang ina pahirapan ampotah-

sa lahat ng nakakakilala sakin kilala niyo ang mga nabanggit ko-- diba tama ako- -

Monday, May 7, 2007

julia campbell (1967-2007)

At the age of 38, I decided to step out of the rat race of New York, join the Peace Corps and board a plane for Manila. This blog is dedicated to my adventures in the Philippines for the next two years. Wish me luck.-julia campbell

isang journalist sa ibang bansa nagpunta sa ating bansa para tumulong- pinatay-

nung isang linggo sumuko na ang pumatay kay julia matagal ko na toh dapat isusulat mula ng mapanood ko na natagpuan na ang bangkay ni julia sa ifugao-

isang bulok na naman ang humalo sa mga kamatis na pilit na iniingatang wag mabulok-
pinoy ka kapatid-dala mo ang bandila natin sa kagaguhang ginawa mo- anong kaburubukan sa utak mo ang umandar para ipahiya ang kapwa mo pilipino?!

pare matutuwa sana ako kung ang pinatay mo ay yung mga putang inang phedophiliang kano- yung mga may pakana sa white slavery sa human trafficking na mga foreigner yun ang patayin mo! malamang itago pa kita sa bahay namin at sabihin sa nanay ko na pakainin ka at kupkupin-

wala na si julia isang bayani para sa akin marami siyang natulungan kahit siya ay taga ibang bansa-lalo na sa probinsya ng bicol-

inihahalintulad ko si julia sa paglubog ng araw parehas silang nagnining sa maghapon ang pagkakaiba lang ang araw sisikat muli bukas samantalang si julia- tuluyan na tayong iniwan-

salamat sa pagdating sa aming bayan-maluwalhating paglalakbay-Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

in my heart the reality is you

txtmate=friend+girlfriend? hayz una ko siyang nakilala sa txt medyo baduy kasi sa txt pero astig ang katotohanang pede ka din pala mainluv sa txt harhar-db nga irish? nung una simpleng txt lang nasl mo? yung mga ganung tanong umabot ng 3 months eh syempre mejo maganda na ang dating hindi na txtmate ang tawag friend na- eh ang malupit na tanong pwede bang manligaw? hahaha umandar na naman ang pagiging makalalokohan ko


syempre nasabi ko na kaya yun papanindigan ko nalang nung una wala lang tamang pa sweet,pasa ng pampakilig na qoutes pero ng matagal medyo iba na toh ahh- parang full na ang inbox ng memory ng puso ko ah-

nagkaroon ng tawagan dhes kumain knb? naligo knb? wag ka papagutom huh?- may friendster kb dhes? basahin mo naman blog ko oh- yan yung halos paulit-ulit ko na atang na send sa kanya na msg.

lagi pa akong nagtatanong bakit ang ganda mo hahaha- kumbaga umikot ang buhay ko ngayong bakasyon sa txt na dati naman hinahanap ko pa ang mga letters 48 yrs. bago ko masend ang ou kumain na ako- andiyan din ang pagbabad ko sa mga matataong lugar baka makakita ng kakaiba dati rati dito lang ako sa bahay tingnan if may nag msg. sa friendster oh may nag add-

nakakatawa lang sa txt nagkakaaminan kayo ng mga sikreto niyo kahit hindi pa kayo nagkikita tinginan lang kayo ng picture sa friendster at ginagawang tanungan ang kaklase mo na ex ko hahaha-

ano ba yan/ ano kaya sabi sayo ni m+#% na itsura ko? nu kaya description nun sakin hehehe diba nakita mo na nga ako sa friendster eh yun yung mga araw na umayon ang panahon sakin kaya medyo maayos ako-

paano kayo kung dumating na yung araw na pagmimit natin? ano kayang masay mo sakin hahaha- siguro oi gwapo- sabay lapit ako naman nakatingin sayo ayos ah sinabihan ako ng gwapo palapit na din ako ng malampasan mo ako yun pala ang gwapo yung nasa likod ko hahaha- yun kaya na ang mangyari?

ano man ang mangyari eto pa din ako txtmate mo dati naging friend at ngayon ang dhes mo-- hayz sarap isipin sa UNLITXT20 na dating 15 na tumaas ng 100% dahil sa kaswapangan ng globe eh nagkaroon ako ng masayang kwento kahit hindi ko masyadong na i detalye eh habang sinusulat ko toh bumabalik yung mga tyms na sinasabihan mo ko ng harhar- - ng weh- -

yan siguro yung mga mamimiz ko if hindi tayo magkatuluyan- - -

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sunday, May 6, 2007

need to change it? den do it (as if)

malapit na eleksyon- marami ng namimili at may napipisil na kandidato- wala akong masyadong alam hindi ako katalinuhang nilalang- pero alam ko na gumagastos ang mga tumatakbo sa pulitika-actually limpak limpak ang pinakakawalan nilang pera- bakit nga ba??? eh di ba gusto nilang makatulong??? bakit gumagastos sila sa mga posters,streamers sa mga tv ads??? tang ina andami naman pala nilang pera bakit hindi nalang gawing bigas yung mga posters na dinidikit niyo kung saan-saan gawing ulam yung streamers na ginastusan ng mahal---

tama may pork barrel-- yun yung habol nila para maka sideline ng kupit wag mo sabihing hindi. .
ayos talaga dito sa pinas ano? kung sikat ka lalo kang sisikat kasi magiging senador ka>>>hahaha
kung mayaman ka lalo kang yayaman kasi mananalo ka sa halalan syempre handa mo na ang lahi mong magnanakaw---

para sa aking sariling opinyon>> lahat ng tumatakbo sa pulitika ay ganid,buwaya uhaw sa kapangyarihang mangdikta,mang-abuso ng kapwa>>>>

tapos sasabihin mong tutulong ka?? gagawin ang lahat para umahon ang masa??? isang malaking kagaguhan ang mga pinagsasabi ng mga pulitiko>> mapa oposisyon man kayo o administrasyon>>

ngayon maraming lumalaban sa gobyerno>>kesyo pahirap daw sa masa ang administrasyon>> eh nung kayo ba ang nasa administrasyon may nagawa ba kayong makabuluhan??? diba katulad rin ngayon maraming sumisigaw ng magnanakaw kayo>>>

masyado na daw pahirap ang gobyerno mga corrupt daw ang namumuno>> eh natatandaan ko nung last election may against sa corruption na party-list ah? eh wala namang nagawa eh>> may corruption pa din-may nakawan--toinkz

andaming anti-government na party-list pero sila rin magnanakaw mas malaki nga lang yung napupunta sa mas mataas-

natawa ako sa friendster- hahaha sa friendster nagkalat ang mga feeling may alam na kapwa ko kabataan pahirap daw ang gobyerno ibaba daw ang tuition fee pero tamad namang mag-aral itaas daw ang sweldo wala namang hanap-buhay ang magulang>>tsk3 party list iboto daw ano kayang magagawa nito ano kaya ang mga ipapasang batas nito??? hindi sa wala akong tiwala ang sakin lang bago natin punain yung nakikita nating mali bakit hindi muna natin alamin ang tama at bat ito naging mali>>>

Saturday, May 5, 2007

soul searching(the fog,the moon and the dawn)

balik na naman ako dito sa lugar ko- pagkatapos magnilay-nilay ito na naman ako. namiz ko ang pagsusulat dito grabeh- wala akong ginawa dun sa province kundi mag-isip,kumain,magtxt at kung minsan tumawa ng tumawa-

the fog- alas 4 first trip papuntang "linang" yun yung tawag sa malayo sa bayan na mga lugar- yun yung malayo sa kabihasnan-

pumunta ko dun- sakto paalis na ang 1st trip ng maabutan ko ayun sakay kagad ako pamasahe sampu bayad- ang layo din pala galing bayan- ayan na ang bahay ng pupuntahan ko-

napatingin ako sa parang usok na bumabalot sa naglalakihang puno- ayos hamog binabalot ang kapaligiran- nung araw ding yun ako unang nakakita ng hamog-kaya ginawa ko tumulala sa makapal na hamog-

sana kasama siya sa hamog kung saan pwede ko ulit siyang titigan maramdaman at kantahan-

the moon- bilog ang buwan nagttxt ako sa labas malamig ang simoy ng hangin ang tagal kung di naramdaman ito dun samin- sinamantala ko ang ganda ng buwan at halina ng lamig ng hangin-

sana lagi nalang ganto feeling ko nasa tabi ko siya nakatingin kami sa liwanag ng buwan habang ang mga bituin ay ng-aawitan-

the dawn- inabot na pala ako ng madaling araw sa labas di ako nakatulog- txt lang ng txt maya maya iyak ng unti- isip-isip nawala na pala ang buwan na kanina kasama ko lang- tinuturing ko siya na isang buwan subalit ang buwan mamayang gabi sisikat at magpapakita sa akin- siya kahit kelan hindi ko na makikita ng kasing ningning nung dati- inabot na niya ang paglubog ng kanyang umaga

Sunday, April 15, 2007

graduates(2006-2007) congrats-

para sa kapatid ko toh na new graduate(2006-2007) welcome to college lyf-

dati akala ko hindi na babalik ang dating saya,hindi na muli ngingiti ang tagumpay ngayon kumakaway siya. . 2nd year na ako malapit na enrolment sana tuloy tuloy na ang pagpapakabait ko. .

bumalik sakin yung mga panahon na nagloloko ako,hindi alintana ang sakripisyo ng magulang ko. .
ngayon kahit papaano may napatunayan ako sa sarili ko na pag ginusto mo talaga ang isang bagay kaya mo. .

hindi man ako naguwi nang karangalan bilang isang mahusay na mag-aaral alam kong proud ang magulang ko sakin. .para pa naman saan ang mga medalyang kulay bronze na printed ng mukha ng mga putang inang pulitiko akala mo sila ang valedictorian eh- mga 19 atang medal sa valedictorian sa dami ng medal eh kapos na ang oras isinabit na ng lahatan hehehe- sayang yung moment na sinasabitan ka ng medal sa entablado ng magulang mo kahit isa lang super saya mo kasi may oras para dun- ngayon tingnan mo ang mga medalya sa harapan mukha ng pulitiko sa likuran pangalan pa din nila donated by:$#@^^#@- hindi ko man lang nalaman kung para san ba ang medalya na yun kasi wala man lang title kung bakit binigay yun-

TIP: para po sa mga pulitiko na nagdodonate ng medal may kunti pa pong espasyo pakilagyan poh ng RE-ELECT para sure na hindi kayo malilimutan sa halalan-

ilang araw lang ako sa vacation di ako nakatiis dito sa patag mas may magagawa ka yung mga naiisip mo pwede mo kaagad ipublish sa pamamagitan ng web. .

hindi ako katalinuhang estudyante,hindi active sa sports,hindi mahusay sa larangan ng musika in short walang maipagmamalaki- ok na din yun kahit papaano kasi wala din akong insecurities sa katawan wala man akong pera pero hindi ako nakakaramdam ng kakulangan sa aking buhay maybe sometimes hahaha-

pag kasama ka sa honor sa graduation nakaupo kayo sa taas ng stage sampu kayo dun nakaharap saming simpleng estudyante na masayang masaya dahil sa makakatapos na- bakit nakasimangot kayo sayang naman yung ayos niyo nag pa make-up pa naman kayo,nagpakulot ng buhok at naligo ng pabango-

tinawag na kayo syempre una kasi section 1 kayo eh- palakpakan salamat kasi hindi pa antok ang mga tulad naming estudyante kami yung tipo ng estudyante sinasabihan ng section 1 na mga jologs mga bobo walang iniisip kung hindi ang mag-bulakbol kahit ganun papalakpakan pa din namin kayo sabi ng teacher natin nung practice eh kaylangan sumunod-

kami yung sinasabi niyong walang pakialam sa school natin kami yung pinagbibintangan niyong nagkakalat sa corridor kami yung mga bastos kami yung pinagtatawanan niyo kasi palpak sa graduation practice-pero may pakialam kami kaya nga pumalakpak kami para hindi mapahiya sa mga bisita(bwisitang pulitiko nangangampanya) kakahiya naman pag kasection niyo lang ang papalakpak plastic pa(kasi kaagaw niyo sa valedictorian slot)

graduation day- iba ang aura sa school may mga nakangiting aso,may papansin sa sapatos na bago,may lusaw na ang make up dahil sa init,may paypay ng paypay,may umiiyak kahit hindi pa nagsisimula kasi nawawala ang wallet niya,may nag-aaway kasi nakapitan ang bagong uniform,
may nag-aayos ng sintas, may tahimik na nakatayo- (ako yun pinagmamasdan ko lang lahat sila)

ayan na simula na ng martsa napalingon ako sa adviser namin pagkakita sakin sabay bati ayan graduate kana ferrer san ka mag-aaral sumagot ako thank you mam siguro sa la salle hahaha sabay tawa - pero gusto ko lang sa pampublikong paaralan para may kamukha ako-hahaha (mahirap lang poh kami. .. )

JAN KARLO FERRER!!!!! janjan jaran jarararan- lakad may halong hiya,natatae kasi ako nung oras na yun sabay tawa sa stage- gusto ko sana makapagsalita sa microphone para batiin yung mga bwisita naming pulitiko at sabihing matagal pa bago ako makaboto wag niyo kaming gaguhin-salamat sa pagpunta- sana nagjip na lang kayo sayang yung pera namin pang gasolina niyo-

sa kapatid ko advice lang kahit san ka mag-aral nasa nag-aaral yan-----

Wednesday, April 4, 2007

vacation

isang buwan din akong hindi makakaupdate ng blog ko uuwi kasi ako sa probinsya namin. . .
sana pagbalik ko dito sa kabihasnan wala ng kurakot na pulitiko(as if naman na mawala) bisyo na yan eh. . .

nood poh kayong LAGUSAN sa good friday 5 pm poh sa GMA 7 (KAPUSO) ang ganda ng istorya pinakanagustuhan ko poh yun last year so now inulit uli wag niyo na poh palampasin if napanood niyo na before isa pa hanggat pede nating mapanood nood lang sarap panoorin. .

andun lahat ang philosophy ng life ko. . . lahat kasi tayo makasalanan and were deserve for a second chance. . .

ingatz ako sa probinsya hehehe. . .

ingatz lagi. . .

no im nothing

nakakulong sa nakaran,bilanggo sa nakasanayan kung ano ang nangyari sakin nung kamusmusan bumabalik ngayon sa kasalukuyan. . .

maling desisyon,maling pananaw,maling pag-iisip at maling paglalaro. . .

maling desisyon kasi dapat hindi ako nakokonsensya ngayon kung hindi ako nagdesisyon na takasan siya. .

maling pananaw kasi nung una hindi ko pa alam kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal ang alam ko lang kung gaano kasakit ang tintawag na kasawian. .

maling pag-iisip dahil nga sa mus-mus at hindi pa alam kung paano ba magpahalaga ng damdamin ng iba. . . at hidni lang sakit ng ngipin ang iniintindi. .

akala ko pag nakabuo ako ng isang kick flip ayos na! yun pala mali ang maglaro ng damdamin ng iba kasi hindi mo kayang buuin ang tiwala na pinagkaloob niya. . .

what it takes to be happy

naglaro na naman ako ng tanga-tangahan akala ko kasi sa pag-iwas ang tanging solusyon sa lumalalang epedimic diease na tinatawag ng iba na love. . .

di ko na makita ang dating ngiti biglang naglaho at di na maaninag pa. . .

madaling magpanggap na msaya ngiti,tawa,halakhak pero deep inside sa likod ng tawa sa kabila ng ngiti nakatago ang napakatinding sakit. . .

sakit na hatid ng matinding kasawian laban sa aking sarili at kinabibilangang lipunan. . .

nakangiti ako ng sabihin niyang mahal niya ako natawa ako ng dugtungan niya na kasi kaibigan daw niya ako kaya mahal niya ako at napahalakhak ako ng sabihin niyang akala mo hihigit pa dun ano???

bakit ba kabaliktaran pag tunay na ksiyahan ang iyong nararamdaman at hindi pagkukunwari lang. . .

napuri yung mata ko ng klasmate ko ngumiti lang ako. .
tawa ako ng tawa nang mahulog s kanal yung kapatid ko habang nagbibiruan ang buong pamilya namin. .

halakhak ang naisagot ko nang sabihin ng mama ko na natanggap daw yung ginawa kong essay. .
sana ang ngiti,tawa at halakhak ay talagang larawan lang ng saya hindi nagagamit sa pagtatago ng kasawian para lang makaiwas sa kalungkutan. . .

hindi mo kayang takbuhan ang problema hindi mo maiiwasan ang kalungkutan hindi madadaan sa tawa ang kasawian. . .

Saturday, March 31, 2007

sometimes we just have to let some things go

oo minsan kailangan nating pakawalan ang hindi naman dapat mawala, palayain ang kinulong mo sa pagmamahal. . . masyadong malabo na ang kulay dito sa mundong ibabaw kulang na ang ngiti na dapat ay tinataglay mali na ang mga bagay bagay. . .

isang araw sa buhay ko nagparaya ako ginawa ang sabi nilang tunay na pagmamahal nawala ang hindi naman dapat mawala iniyakan ang dapat katawanan ngayon. . . tunay bang pagmamahal ang pakawalan ang tunay na minamahal para sumama sa taong kanyang mahal. . . kayo na eh. . yun na yun eh. . bigla nalang hindi siya naging masaya bigla nalang nagbago ang sinasabi niyang pagmamahal nung una ayaw na niya sawa na siya tama na daw ang pagpapanggap panahon na para tapusin ang mahabang lokohan. . .

hayz kung ganun lang ba kadali para sakin yun eh. . katulad ng naramdaman niya nung maghiwalay kami ang bilis niyang nakapagpalit ayan na kagad ang new bf niya masaya na kagad siya samantalang ako ito nakakulong pa din sa mga alaalang iniwan niya. . . pinakikinggan ang mga kantang pinagsaluhan namin nung kami pah. . . habang siya ay nagpapakasaya. .

wala na ang tamis na pait pala ang hatid wala na ang ngiti na sakit ang tanging nakamit wala na siya sumama sa iba pero bakit hanggang ngayon siya pa din ako naman ngayon ang nakakulong hindi nga lang sa pagmamahal kung hindi sa velvet room na pinapaligiran ng kalungkutan at alaala ng matinding kasawian....

nagpaalam ako kanina sabi ko ayaw ko nang isipin siya pagkatapos kung magsalita nakita ko ang lahat ng ginawa kong sulat para sa kanya na binalik niya kahapon. . .

letting go is my life hindi na matapos ang kabayanihan ko magsimula pa lang nung una.. .
tunay na mapagmahal laging nagpaparaya para maging masaya ang tunay na mahal. ., . hayz. .

hindi tuloy ako makapagisip ng maauz ngayon bigla nalang nadadagdagan ang sakit sa dibdib at bumibilis ang tulo ng luha tama na muna siguro. . . sobrang sakit na eh . . pahinga muna ako sandali ha. . .

maya sulat uli ako. . .

Sunday, March 18, 2007

sad area: keep me in a hot dry place

bakit kaylangang pumatak ng luha kapag naiisip mo siya bakit kaylangang malungkot pag naririnig mo ang paborito niyong kanta at bakit naguguilty ka sa tuwing naiisip mo ang mga araw na tanga ka..bakit hindi nalang ginawang permanente ang isang bagay bakit nababawasan,nawawala nangiiwan... sana wala nalang break up,sana lagi siyang andiyan para alalayan niyo ang isat-isa sana pag girlfriend mo na siya sayo na lang talaga wala ng mangliligaw wala ng titingnan iba kung hindi ikaw lang...

sana hindi nalang namamatay ang mga tao hindi nalang nahihirapan hindi nanloloko hindi nagpapapaasa sa wala hindi nangangaliwa hindi kaylangan ng pera hindi kaylangan ng pagkain hindi nagugutom... parang ang lahat ay puno ng pagmamahal walang mahirap walang mayaman..

bakit pa kasi sa lahat ng mamatay ikaw pa??? bakit sa lahat ikaw pa ang naunang kinuha.. tingnan mo ako mula sa itaas na kinalalagyan mo hindi mo ba nakikita ang paghihirap ko ng mawala ka?? hindi mo ba naririnig ang iyak ko ng magpaalam ka?? hindi mo ba nabasa ang sinulat ko bago ka mawala?? hindi mo ba sinusubaybayan ang araw araw na pagpunta ko sa sementeryo?? hindi mo ba nadarama ang pag-ibig na mula pa sa una naramdaman na natin?? wala kong magawa hindi ako sanay na wala ka hindi ako makatulog pag hindi ka pa nagttxt hindi ako mapakail pag alas singko na di ka pa tumatawag... isa lang naman ang hinihintay ko ang mamatay ako at makasama ka...

muling nagbalik sa akin ang ating alala nagpunta ako kahapon sa sta.lucia para bumili ng cd ng makita ko ang dalawang magkasintahan habang nagshoshot ng bola sa isang game machine sa worlds of fun.. nagbalik sa akin nung mga araw na lagi mo kong inaasar kasi wala akong panghulog na token tapos ikaw meron lagi mo kong pinagtataguan pag nakalingat ako.. lagi mo akong nililibre kasi wala akong pera lagi ikaw ang driver sa bump car (ang daya mo) akala ko hindi na matatapos ang mga araw na magkahawak tayo ng kamay at nag-aasaran.. tang ina ilang yosi na ba ang nasayang dahil lagi mong kinukuha at tinatapon pero ikaw yosi girl.. ilang beses ba tayo magbreak sa isang araw diba pinakamababa tatlo?? ilang beses ba akong nakatapak ng tae habang tayo naglalakad sa subdivision niyo?? ilang beses ka bang nagselos sa tindera niyo??(alam ko pangtindera lang ang kagwapuhan ko) hayz kung bibilangin ang dalawang buwan parang ang bilis pero sa akin parang buong buhay ko dun umikot sa 2 buwan na yun. . .

isang umaga pag-gising ko wala kana kaya pala kagabi ang tamlay ng iyong mga mata akala ko nakabatak ka na naman(joke lang yun ha?) akala ko nga galit ka sakin kasi di mo ko kiniss nagpaalam ka nalang bigla("karlo lagi ka magiingat ha? gugulpihin kita") sige sabi mo boos eh.. . pero akala ko magkasama pa din tayo ang saya ko nga eh yun pala panaginip nalang yung nakita ko wala kana pala namatay ka na pala kagabi ng 11:36 eh bakit nakita kita sa tabi ko matamlay ang mata at nakatitig lang sakin??? akala ko bukas magkakasama pa din kami nito hindi ko muna papansinin pero huling paalam na pala yun..

sana kahit andiyan ka maging sweet ka naman sakin agawin mo uli ang yosi sa labi ko , pahiran mo ang uling sa mukha ko, tagayin mo ang tagay ko,ilibre mo ko ng pamasahe, gulpihin mo si princess,kagatin mo uli si brownies,akayin mo ko sa madilim mong kwarto at ipakita ang.... poster ng slipknot... at wag mong kalilimutang maghugas ng kamay kasi naalala ko nung minsang hindi ako nakapaghugas ng kamay pinalo mo ko ng sandok sa ulo.. salamat kasi hindi sa natutu na akong maghugas ng kamay kung hindi dahil may nakakapa ako ngayon sa ulo ko bilang tanda ng ka brutalan mo pero mahal na mahal kita.. ingat ka jan wag kang sumama kay san pedro yayain ka lang niyan magsabong... i love you hintayin mo ako i will follow soon.. goodbye for now. . .

Saturday, March 17, 2007

last night i feel my own presence

nagbabasa ako ng walang kwentang libro na likha ni batman bago ako umalis ngayon.. kasi tang ina tatapusin ko na sana kaso kaylangan ko pang umalis ang potah papuntang sta.lucia bibili ng cd..
gawa muna ako ng kwento tamang tama mainit pa naman eh.. maya nalang siguro ng unti ako alis..

tang ina narinig ko pa ang takipsilim ng paramita ang potah.. kainis san daw niya hahanapin ang aming nakaraan hahahaha.. ating puso ay umaasa nanabik sayo..hahaha

simulan ko na ang kwento ko..im sure masusundan pa ito

nung isang araw nakilala ko si jane isang 14 yrs old na bata nung unang tingin ko sa kanya suplada saka mataray.. pero nagkamali ako mabait pala ang batang yun hahaha.. nagkasundo sa isang bagay hanggang sa ngkwento na siya hindi ko na nga matandaan ang umpisa ng kwentuhan biglang humaba nalang..

mukang bitin pa ako sa kwentuhan namin kaya hinatid ko sa hauz nila ang nakakahiya lang dun ang lakas ng loob kung ihatid wala akong pera kahit pangyosi..hahaha buti nalang mabait yung bata na yun nilibre ako papunta taz binigyan ako ng pamasahe pauwi hahaha... papaframe ko nga yung binigay niyang pera eh..hahaha

madami siyang kwento.. at mukang magkakaroon ako ng dagdag na kwento dahil sa kanya.. hayz..bata nga lang..hahaha kwentong ika nga nila.. kwentong bata..hahaha masyado akong naging interesado sa kanya kasi parang ang laki ng problema niya eh.. gusto ko siyang tulungan,pangitiin pag ngumiti na patawanin at pag tumawa na pahalahakhakin..in short gusto ko siyang paligayahin in my own way..

bakit ba pag may nakilala ako na may kwentong mabigat may luhang kasunod ang pagbigkas nagiging interesado ako.. yun ata ang weakness ko sa isang babae magkwento ka lang ng malungkot yung tipong problemado ka .. patay ako diyan.. masyado akong natatangay na mahalin sila..

humahaba na maya nalang ulit.. pag-uwi ko.. para makapili lang ng maauz na cd.. maya ulit ha..

Wednesday, March 14, 2007

the karma is here

some will seek forgiveness, others escape

Hey unfaithful I will teach you
To be stronger, to be stronger.
Hey ungrateful I will teach you
To forgive one another..

Pagbabago ang nasa isip ko ngayon.. habang sinusulat ko to,sumasabay ang mga alaala ng kabataan,kamusmusan at kapanahunan ng kakulitan, katigasan ng mukha, kagaguhan ..

Ano ba ang dapat kung unang gawin.. mag sorry sa mga naging girlfriends? O mag-alay ng bulaklak sa patay kung pusa?> ako kasi pumatay eh.. (bad) =) sino ba ang unang naging girlfriend ko? Ahhh si bernaliza nga pala.. ang cute! Hahaha kaya lang ala na akong balita sa kanya eh? Sumunod? Ahh si grace.. cute din! Hahaha di ko na iisa-isahin lam naman nila yun eh..

Di naman ako gwapo.mayaman,maputi,mabait,matangkad.. ewan ko ba? Buti nabulag sila.. salamat po sa inyong lahat nakita niyo ang “hidden cuteness koh”..hehehe wag na po kayong magalit sakin.. sorry na sa lahat .. alam ko naman naging mayabang ako,mukang gago,walang kwentang boybriend.. tsk tsk tsk..

Ang lahat ng ito ay pinagsisihan ko na, bawiin niyo na ang sumpa.. hahaha.. sarap sariwain na minsan may nagmahal sayo ng totoo kahit hindi ako kagwapuhan ang pait din tanggapin na ito ay nawalang parang bula dahilan sa sarili kong katangahan.. “di ka marunong makuntento”

Gf 12= karlo bat ka ganyan?

Ala
kang kwenta?

Karlo=mahal naman kita ahhh?

Gf12=eh bakit naging kayo ni -----

Karlo= mahal ko din kasi siya eh..

Gf12= “mahal mo ako pero di ka marunong makuntento”

Karlo=sorry ha? Ano pwede pa ba nating pagpatuloy?

Gf12= sorry din di ko kayang magpakatanga!

Gf12=mamili ka siya o ako?

Karlo=pwede both?

Gf12= tang na mo magsama kayo!!!!

Si gf12 tumalikod at naglakad ng matulin.. si karlo naiwang di malaman ang gagawin..

Lumipas ang mga araw na yun nag-iisip ako kung ano ang dapat kung gawin.. tatawag ba ako? Mag-ttxt? O pupuntahan ko siya sa bahay nila.. hay! Hirap mag desisyon tang na.., bobo ko talaga.. eh paano yung isa yung naiwan sakin mahal ko ba talaga? Oo mahal ko kaso di ko kayang mawala si gf12..tsk tsk tsk..

Bat kasi di ako marunong makuntento eh???!!!

Di ko na siya binalikan.. kasi ayaw na daw niya.. di na ako nagpilit ibinuhos ko nalang kay gf13 ang lahat

Ng plan ko for my 12th gf ko.. nagpasukan na nag-enrol ako high school na ako.. ibang buhay na toh..

Umabot kami ng isang buwan.. may inuman pa nga nun eh.. tanda ko pa uso pa ang gin nun.. gin pomelo for girls,gin puro for boys.. masaya kami ng mga araw na yun.. nang makilala ko sa araw ding yun ang sisira ulit ng tiwala ng 13th gf ko.. nagkakwentuhan hanggang sa mga nagdaang araw nagtatawagan na kami..

“walang lihim na di nabubuking” at “kung hindi ukol di bubukol” hindi lang

sana
bukol ang inabot ko kung nagpunta ako ng mga araw nayun sa bahay ng gf ko.. tinawagan niya ako.. pinaalala niya ang mga pangako ko.. at lahat ng kasinungalingang nabanggit ko sa kanya.. yun ata ang pinaka emotional na damdamin na naramdaman ko ng taon nayun..tsk tsk tsk(naluluha tuloy ako ngayon) <3

Katulad ng kwento sa pagkahuli sa lalaking sinungaling at manloloko.. nauwi ako sa gf14 ko.. ang saya niyang kasama .. wooh heaven talaga rebelde siya sa pamilya nila.. siya din yung pinakamayaman sa mga nagdaang gf ko maganda din ang loka! Ewan ko ba kung anong nagustuhan sakin.. eh.. siguro nagkasundo kami pagdating sa pagiging rebelde hahaha.. siya ang nagdagdag sa kapiranggot kung alam sa lahat ng masarap.. sakto nun bday niya.. 5 days nalang 1 month na kami.. yun pag punta ko sa kanila nagtanan daw.. potah!!!!! Call it karma.. pero hindi ko masyadong dinamdam yun.. tamang punta sa tropa at nag inum magdamag..”kung kelan mahal na mahal ko na siya saka siya nawala” yan yung paulit –ulit kung sinasabi dun sa mga barkada kong kainuman..

Life goes on! Pagkagising ko kinabukasan ng 4 ng hapon tumawag siya sakin.. ala ako sa mood makipagusap nun may hang-over pa ako ng sabihin niya” I love you but i need to choose” tang na ang sakit sa puso.. kasi kadugtong nun” karlo paano naman kung sayo ako sasama anong buhay ang mangyayari satin” tang na ulit.. wala pa naman akong balak mag-asawa bata pa ako nun..

Napilitan lang siya.. hanggang sa naging matigas nalang bigla ang puso ko ng dahil sa kanya..

Buwan na ang lumipas narinig ko nalang sa pinsan niya na buntis na daw siya.. at nag-aaral daw siya..

Kahit papaano naging masaya ako para sa kanya.. may pangarap din pala siya.. tinuloy ko ang buhay ko wala na akong kasamang mag-cut ng class wala na akong kaharutan sa waiting shed wala na akong pupuntahan tuwing linggo wala ng manglilibre at sasabihing karlo ito gamitin mo sa buhok mo,ito sa mukha mo.. wahhh eh wala akong hilig sa mga ganun ubos na pasensya niya sakin nun..

Tinuloy ko nalang ang takbo ng buhay ko kahit di ko siya kasama ayos! May bagong biktima ang kapngetan ko.. nakilala ko siya sa isang inuman ng tropa tulad ng dati kwentuhan hanggang sa magkahulugan.. txt,tawag ayos na! kami na.. siya na ang simula ng revenge koh.. hahaha kaso nag-iba ang takbo ng buhay ko dahil sa kanya.. naging mabait ako bigla.. naiwasan ko ang bisyo.. at ang tawag sa akin ng mga barkada ko “abstainer” hahaha ayos nag-iinum pa din naman ako kaso hindi na madalas.. di ko siya mahal wala akong nararamdaman para sa kanya.. tama sila natuturuan din ang puso.. ewan ko ba kung bakit 1 month o bago dumating nawawalan ako ng gf.. tang na kakabadtrip ang potah!!!

Maraming salamat sa mga dumaan mula kay bernaliza hanggang kay mhayan…

Mahal ko po kayong lahat….

its unfair

Unfair ang mga babae!!!
Bakit? Madaming ka unfair-an ang babae just like courting lam naman nila na umaasa kasi pumayag sila magpaligaw sasabihin pag gusto na bastedin eh.. di ko na siya dapat paasaahin dapat sana di mo nalang pinayagang mangligaw diba? Kasi una palang umasa na siya eh…
Sinasabi nila mga lalake di kuntento sa isa pero sila kuntento ba sila sa boyfriend niya oh nagpapaligaw pa sa iba? Tapos kaya niya ibebreak kasi nalaman niya na may iba daw babae pero siya kabikabila ang mangliligaw syempre sa lalake ang bunton ng sisi!
Nakita niya na may kasamang babae si lalake magagalit mag-iisip bata at magtatampo di sasagutin mga txt mo pag tinawagan mo di ka kakausapin.. pero pag sila nakita mo na may kasamang ibang lalake potah napakasama mong tao kaibigan lang daw niya yun bat mo daw binibigyan ng malisya bakit daw wala kang tiwala nasasakal na daw siya? Potah masama makikipagbreak pah..
Pag tinanung ng kaibigan niya bakit kayo nagbreak ng bf mo.. kasi playboy masyadong madaming gurls… tang ina nio! Consistent sila magsinungaling!!! Wala talagang time na nalaman ko na lumaban ng patas ang babae pagdating sa love lagi silang umiiwas sa sakit.laging nagpapalibre sa iyak,laging tumatakas sa kasawian at putang ina ang taas ng PRIDE!!!

Wala daw akong kwenta kasi di man lang tntxt ng gud am hon,sweety,dhes,mine,babes,bhe,ma at etc. putang ina uli eh bakit naman kaylangan pang mag gud am eh tulog pah ako kasi napuyat ako sa pakikipagtxt sa kanya kagabi kahit antok na antok na ako wag lang siya magtampo tntxt ko siya isang araw lang di ka magtxt di ka na nagpaparamdam baka may babae ka nang iba jan? sino katxt mo?sino kasama mo?sino kinain mo?hahaha kulang nalang kaw ba pumatay kay Magellan? Ang itanong kasi di sila maubusan ng tanong samantalang pag sila ang tinatanong ang karaniwang sagot tang na naman kulit mo naman paulit-ulit ka!!!
Bakit ba sila ganyan takot silang masaktan pero di sila takot makasakit…
Takot malunod pero ayaw matutong lumangoy..
Takot masagasaan pero sa di tawiran tatawid..
Takot madukutan pero sa maraming mandurukot dadaan..
At takot ahasin pero favorite niya ang mang ahas…
Hay! Ganyan ba talaga sila lahat naman ginawa mo kulang pa din..
Pag di ka gusto sasabihin pede friends nalang tayo..
Busy ako sa study koh..(nagcucut lang naman ng class)
Ayaw pah kasi ng mom and dad ko
Bakit ba ayaw nilang magpakatotoo sabihin nila na ayaw ko sayo panget ka..
Di kita pwedeng ipagmalaki sa kasosyalan ko kagimikan ko..
Wala kang pera para mailibre ako …
Mahirap bang sabihin un!? sasabihin niyo di lahat ng babae tumitingin sa physical..
Woooows talaga sabagay meron nga palang di tumitingin sa physical sa pocket nga pala yung iba…..or wallet or cp or gel sa buhok na parang nilawayan ng kalabaw or sa amoy na nakakasulasok ang bango sa ilong or sa wheels or sa bahay.. pero karaniwan kaylangan mo para mapasagot ang ilusyanadang babae eh.. ang mga sumusunod…

Polo(yung katulad ng mga boys sa starstruck)
Muscle(ala batista hahaha)
Cp wd cam pag ala basta colored
I pod pag wala kahit mp3 basta meron(wag lang walkman)
Matangos ang ilong(katulad ng kay Pinocchio)
Mapungay ang mata (parang naka 10 t bag ng mariganja ka lagi )
Mapupulang labi (para kang uminom ng mantika sa kintab)
May gel ang buhok (dapat spyke pag may nalaglag na butiki patay)
Hugo ang pabango mo kahit bench 8 pede na din basta amoy
1000 a week ang allowance mo(except pa yung kupit mo)
May wheels ka 4 or 2 basta may maaangkasan sila
Dapat may signature lahat ng susuutin mo
Dapat original..
Sapatos
t-shirt
gel
pabango
shades
polo
pants
belt
underwear

dapat mahilig ka sa mga juices tsaka sa mga energy drink dapat pasosyal ka magsalita kahit napaka bobo mo basta gwapo ka ayos na.. kahit adik ka basta gwapo ka pasado na unlike sa di naman mga adik pero di gwapo mukang adik daw..
masamang tao ka pag panget ka para sa kanila
jologs ka pag di nila gusto porma mo
mabaho ka pag wala silang naamoy na pabango
bahuin ka pag walang gel ang buhok mo
patay na bata ka pag di ka gumigimik
muka ka daw magtataho pag maitim ka
ita daw pag sarat
di daw nagtotoothbrush pag bungi
di ka rereplayan pag di ka gwapo
pasigaw ang pagtawag sayo samantalang sa gwapo eh pa sweet pa siya..

ganyan naba talaga ang labanan yung iba ay nawawalan ng karapatan at ang iba naman patuloy na nananapak ng kapwa??
Isa lang naman ang sagot diyan sa mga tanong nay an sabi ng ilan maging mabait ka daw para mapasagot mo ang iyong mahal sabi nila yun eh si mr.blenk nagtatanong bakit ang huli ang lagging kawawa??? Oo nga naman diba pag sobrabng bait mo aabusuhin ka.. pag tinatanong kung gwapo ka sasabihin mabait ka.. ganyan ang buhay ditto bulag sa maraming bagay isa na rito sa panglabas na kaanyuan..

Buti pa ang yumaong si willy garte bulag ang kanyang mga mata ngunit hindi ang kanyang puso nakagawa siya ng isang awitin na tumatak sa atin.. kasi lahat ng bagay na ating nakikita nagiiba pero ang ating ginawa at pinadama sa ating kapwa ay di mapapalitan at tatatak na sa ating pagkatao..

Lahat tayo naghahangad na mahalin lahat din tayo nakararamdam ng tinatawag na pagmamahal pero ibat-iba tayo ng batayan at sana ikaw na nagbabasa nito.. may sariling batayan hindi ka nakikiuso sa karamihan na hindi girlfriend o boyfriend ang hanap kung hindi pang display na pwedeng ipagyabang kahit hindi naman…. How pathetic.. they precisely blinds hope your not >>>>

the only way to say i love you is goodbye

By d way kaya ko nga pala ginawa ang sanaysay na ito ay para sa aking kaibiga na si brillio > txt msg. received > tol gawa ka nalang ng blog bout sa tao na pag kasama mo at kinakausap ka hindi ka makapagsalita tapoz pag wala na nanghihinayang ka kasi di mo nasabi ang gusto mong sabihin…

Oo nga bakit ganon? Nangyari na rin sakin yan at patuloy na nangyayari sa kasalukuyan.. bakit nga ba pag andiyan na siya tameme ka? Pero nagsasalita naman ako wala nga lang sa hulog, nagtatanong ng walang kwentang tanong at nagkwekwento ng paulit-ulit nanginginig pa..

Pag nga naman pinairal mo ang puso nakakalimutan mo nang mag-isip at kumalma kahit siguro ang bango ng hininga mo feeling mo bad breath ka , kahit kakatawas mo lang isip mo may anghet kakaya nga pala di deodorant ang sinabi sinulat ko coz deodorant can harm your underarm but the truth is all those anti-anghet formula are dangerous to your health.

Lahat na ata kinatatakutan mo.. naiihi ka na di ka makapagpaalam , naootot kana iipitin mo na lang para mahina , nangangalay kana di mo masabi , naghihilamos kana ng laway niya tuloy parin ang ang kwento at nasasaktan kana dahil ang lahat ng kwento niya ay tungkol sa boyfriend niya pero manhid ka!!!

Oo manhid tayo pag nadarama natin ang luv.. eh ano kung manhid ako eh ano kung masaktan ako eh ano kung umaasa ako basta para sa kanya handa akong maging gago , tanga , engot , hangal , ulol , baliw at kung ano-ano pang pauso dito sa ating mapanghusgang mundo..

Pero kadalasan sinalo mo na lahat ang pintas , lait , sisi , at kung ano-ano pang kagaguhan dito sa mundo still manhid pa din siya tulad mo.. oo magkatulad kayong manhid sa pag-ibig ikaw manhid sa pag-ibig mo sa kanya at siya manhid na manhid sa pag-ibig niya sa nanglilimahid na boyfriend niya ang sakit diba???

Oo napakasakit eh paano mo nalamang masakit eh diba manhid ka? Oo nga noh manhid ako siguro hindi ako manhid , Siguro nanglilimahid ako kaya ako nasasaktan ng ganito kasi kung malinis ako magaling akong pomorma at ang dating ko pang romansa at labi ko may grasa kahit siguro mukang tasa pwede na basta makwarta.

Gusto ko sanang pumikit yung sobrang pikit as in pikit para maalala ko nung minsang nag-uusap kami at nagkatitigan ang sabi niya sa akin ay karlo napakaganda ng iyong mga mata.. ayos n asana eh! Kaso may kadugtong yun eto yung kadugtong ”kaparehas nung sa bf ko mas mahaba nga lang ang pilik-mata mo” hay sarap di talaga maalis sa kwento bf niya kahit siguro about sa paliligoang pag-usapan naming masisingit padin ang bf niya..

Katulad nalang ni brillio kahit papaano nakakarelate ako sa kanya kahit papaano nakita ko ang namumugto niyang brown eyes.. di niya man sabihin ng lubusan na siyay nasasaktan… palagay ko… ewan ko lang mata lang naman na namumugto nakita ko eh..

Masakit talaga pare na ang taong iyong mahal ay nawala ng lubusan at ipinagpalit ka sa mukhang halimaw.. pero diba mas masakit kung ang kanyang dahilan ay kaibigan lang daw ngunit nakita mong magkahawak kamay habang kumakanta ng kanta ng bet ko sa PDA na si yeng constantino ng hawak kamay di kita bibitiwab ditto sa mundong walng katiyakan..

Oo walang katiyakan kasi baka matauhan at maisipang tanggalin ang helmet at mauntog at makipagbalikan umaawit naman ng ganito… “sabihin mo na kung ano ang gusto mo(hahaha) eto talaga kanta niya dun “ broken this fragile things now” kaw nalang dumugtong basta yellow card yun only one..

Hoy bakit naghihikab kana? Tinatamad ka na bangbasahin? Pati ba naman ikaw tinatamad sakin kakalabetin kita hihinge lang poh ako ng kaunting oras para basahin mo pa ang mga susunod na mga nakasulat… sandali lang may sasabihin pa ako at kung sino ka man alam mo nay un kaw yung ex ni brillio(hahaha) translator na toh ni brillio… I love you kahit nahuli kitang may ka holding hands a minute after ka nakipagbreak sinama mo pa yung new bf mo ano yun para ba maipakita mo na mas mahal mo siya kesa kay mura???

Ito lang ang masasabi koh at magiging tagapagsalita na rin ako ng lahat ng nabigo,umasa,pinaasa,ginawang gago,pinagmukhang tanga at para toh sa lahat ng hindi nakaramdam ng ginawa ko at ginawa ng mga tulad koh.. yung nabulag at hindi nakita ang effort ko yung sumampal dahil playboy daw ako at yung nagpapabugbug sakin nung nagbreak kami… mahal ko kayo hindi lang halata..

I LOVE YOU KAHIT PINAPAGLIT NIYO KAMI.. …
Para sa minahal ko na hindi marunong magpahalaga para sayo toh >>>> para sayo tong maikling poem na nagpadugo ng ilong ko…

Can You Breath In Reach And Let It OutThee Evil Inside I See The New World Tonight!With Every Venomous Move I Will Suck You Up And Spit YouGet Out Of My Life Get Out Of My Sight! ito naman taking back you’re so last summer kanta ko sa gurl na hinihintay ko bat kasi pinakawalan ko pa..

She said "don't, don't let it go to your head Boys like you are a dime a dozen, Boys like you are a dime a dozen" She said "you're a touch overrated, You're a lush and i hate it But these grass stains on my knees They won't mean a thing"

under pressure

Iba pala ang pressure sa college ibat-ibang gimik
para
lang maka survive sa mas mapanuring mundo ng pag-aaral ..
Iba ito sa high school na natutulog lang ako sa likod ng mga upuan namin at inuunanan ang bag ko.. dito ko napatunayan na di na talino ang unang batayan sa pag-aaral..
Pera ang unang batayan sa pag-aaral (kung sino ang kontra sa nakasulat komento mo ang hinihintay ko)
Lahat tayo nangangarap na magkaroon ng masaganang buhay… syempre pag-aaral ang susi natin diyan..
Bakit ang susi na tinuturing natin siya pa yung kandado na nagsasara sa mga pangarap.. andiyan ang diskriminasyon sa baklang mag-aaral hanggang sa di nalang siya pumasok sa eskwelehan dahil sa kahihiyan ang masama umabot pa sa pagpapakamatay ..
Lahat naman nang ito ay may dahilan isa lang ang mga bakla sa aking naging example sa mapanuring mata ng ating lipunan..
Mabaho ang cr nang school namin kailangan ko pa bang magreklamo para aksyunan to o baka mapagalitan lang ako..
Kami rin naman ang gumagamit nung cr kaya kami dapat ang responsable sa paggamit nito.. eh mabaho na ng datnan ko..
Natawa ako dun sa tumatakbong student council for Ata yun dun sa school namin sabi niya lilinisin niya daw ang mabahong cr namin..lilinisin niya?? O baka papalinis nilang buong party?? Ang pagkakasabi lilinisin ko.. abay ang sipag.. (ang galing ano) pero sad to say natalo siya kasi maraming nakakakita sa kanya na umiihi siya sa faculty ng mga prof. hindi dun sa nakakasulasok at amoy patay na daga o kung ano pa ang patay dun.. sa cr na sinasabi niya.. GAGO ANG POTAHHH..(patay na bata ang tawag sa mga umiihi sa cr nayun)
Sabagay kilala naman siya nung baklang prof. sa school namin.. pwede nadin..
Freshmen din siya sa pinapasukan ko.. iba siya di pumapasok sa klase nasa labas lang at nagyoyosi, pakanta-kanta na parang asong ulol..
Nung minsan narinig ko siya may kausap na babae..
Babae: oi! Bat di ka pumasok??
Kumag na lalake: kapit ka lang sa matatag..
Di ko alam kung sino ang matatag o poste ba yung matatag pero pakiramdam ko di siya matatag kasi mukhang nanghihina ang tuhod niya tapos napadaan yung bakla kong prof. pakanta-kanta din ang gago ba o gaga sabay sabi sa kanya “ok ka naba”
Ewan ko kung anong ibig sabihin niya sa pagtatanong niya.. kasi sa nakikita ko dun sa kumag na kapwa ko freshmen eh hinang-hina at nanglalambot..
Hay buhay bakit kaya kailangan nang mga ganyang sistema at kelan kaya nauso yan…
Dalawa lang ang tingin ko sa bakla sumusubo at napasubo..
Sumusubo yan yung mga nagbabayad sa mga lalakeng macho ng 33 pesos para lang makasubo..
Napasubo yan yung mga baklang di sinsadya sinunud lang ang nararamdaman
Tapusin ko na muna ito mga kapatid.. koh.. baka antukin na kayo at di niyo pa makuha ang tema ng kwento pag sobrang haba..

..Her fucking pigtails im the victim..
TAKE ME JESUS BECAUSE I HATE ME

no discrimination please

Hay>>> 10:00 na pala ng gabi… katatapos ko lang maghilamos…
May tama at
mali akong nagawa kanina.. tama kasi naghilamos ako kasi nakakapa ko na ang tambutso sa mukha ko.. ay ang usok pala.
Mali kasi… DOWNY yung nagamit ko…
Kanina may bading akong nakasakay sa jeepney.. wooh grabe ang ganda niya infairness mudra..
balbon ang kanyang mga binti habang nakangiti ngipin niya ay sungki..
nakamataas na takong ano nga ba tawag dun.. English ata ng lambak yun eh..
ito ang short story na naganap .. inabot nung bakla yung bayad ng aleng mukhang relihiyosa grabeh ang bait nung ale…
pag abot sa bading ng kanyang bayad sabay thank you inabot naman ng bading sa drayber…
sa 7:50 na pamasahe naabot na ng bakla ang kayang patututunguhan.. pababa na ang balbong bading… eh sa kanyang paghakbang siya ay may natapakan ang paa na mukhang bagong foot spa ng aleng mukhang relihiyosa at magaling sa pagbigkas ng thank you…
napangiwi ang ale sabay napamura shit!!! Ano ba ayusin mo naman… sorry po.. ang naibulalas na lang ng pobreng bakla at tuluyan ng bumaba..
yung mabait sa tingin kong ale tinubuan ata ng sungay o lumabas lang talaga ang tunay na kulay.. di pa nakuntento .. nagmumura, namimintas, umiismid,nagdadabog na tila mangangagat…
“bwisit yung baklang yun bat kasi kailangan magsuot ng “lambak” gubat naman ang binti sabay ngisi ang relihiyosa turned laitistang ale..
Tama ba o mali na pagkamalan mong joker ang tatay mo at si olive na asawa ni popeye ang nanay mo pag nakatira ka ng pinagbabawal na masarap singhuting madikit sa ilong na rugby..( pangdikit ko lang yan sa montanara ko nung bumuka yung gilid ahhh…)
Tama ba na tawagin nating bading, bakla, shokla, tomboy, binabae, linalake ang mga katulad nating tao na sinunod lang ang kanilang damdamin???
Tama ba na tawa tayo ng tawa pag naka marijuana,tsongki,stop,ganja,dobbie,damo,gulay,..etc..
Tama ba na tamang butingting, lakad, singa, dilat ang mga mata sa tuwing naka batak ng shabu, bato, manok,crystal etc…
Tama ba na manalo ang mga p-t-n-g i-a-g mga pulitiko na sa kanilang pagsilang palang ay mga bilyonaryo na ang mga g-g- nayun..
May pangarap daw sa bayan natin na maging maunlad ang bansa natin.. magbibigay ng maraming trabaho, walang maaabuso at uunlad tayo…
Kaya lang ang lahat ng yun ay kanilang magandang panaginip habang nakahiga sa
kamanila na made in pera.. as in nakahiga sila sa paldo-paldo nilang kurakot na binabayad ng maliliit nating kababayan na nagnenegosyo ng marangal ngunit kung tawagin nila ay hangal ma-late lang ng bayaran.. sa buwis syempre.. hangal nah..
Samantalang sila nakaabang may hawak na resibo na may na katatak na republic of the phillipines official receipt

Kung sa kanila magandang panaginip yun sa atin bangungot yun na pumapatay ng unti-unti sa lahat ng katulad kong mahihirap na walang ibang hangad kung hindi makaraos sa pang araw araw na buhay kahit makakain lang ng dalawang beses sa isang araw ayos na hindi na nga tatlo sabi ng department of help at katulad sa karamihan…
Napapansin niyo sa kanilang pagkakampanya naiintindihan mo sila mapa visaya ka man, bicolano, ilocano, chabacano, hiligaynon, tagalong babatiin ka nila isa yan sa pinagaralan nilang taktika para madaling maintindihan ng taong bayan at malukluk sa pwesto na magkakamit sila ng sandamakmak na kayamanan…. (mga buwaya sila noh)
Tama ba na unggoy ang tawag sa panget habang sa maganda ay diyosa
Tama ba na kumain ng panis ang mahihirap kasi daw sila ay tamad??
Tama ba na ang tawag sa mahihirap ay daga samantalang sa mayayaman ay kagalang-galang?/
Tama ba na pangakuan ng masaganang buhay ang maralita habang alam naman natin na namamatay silang dilat…
Tama ba na ang tawag sa pulitiko ay makapangyarihan samantalang sa hirap ay pulubi????
At tama rin ba na ibagsak ang estudyanteng di makakasama sa tour , di magbabayad sa ticket at ipapasa ang estudyanteng kilala ng baklang titser at mapera.???

at mali bang magsabi ng katotohanan dahil ito daw ay kasiraan sa paaralan???
Maliba ang mag aral sa public dahil di natatanggap sa trabaho??/
Bakit gaano ba kasigurado ang mga kompanya na pag sa magandang pakinggan o kilala sa bayang eskwelahan ay magagaling na estudyante na ..
Lasalle,ateneo,feu,ceu,ue,ust, at yung iba pa na may mga saints ang name ng paaralan.. parang ang babait ng mga estudyante noh.. pero may kilala ako diyan… pangalanan natin siyang toter kasi ang laging nasa labi niya ay toter kahit sinasabing may gatas pa daw siya sa labi…
60,000 sa 2,300
Laki ng pagkakaiba.. (tuition yan)…