Hay>>> 10:00 na pala ng gabi… katatapos ko lang maghilamos…
May tama at
mali akong nagawa kanina.. tama kasi naghilamos ako kasi nakakapa ko na ang tambutso sa mukha ko.. ay ang usok pala.
Mali kasi… DOWNY yung nagamit ko…
Kanina may bading akong nakasakay sa jeepney.. wooh grabe ang ganda niya infairness mudra..
balbon ang kanyang mga binti habang nakangiti ngipin niya ay sungki..
nakamataas na takong ano nga ba tawag dun.. English ata ng lambak yun eh..
ito ang short story na naganap .. inabot nung bakla yung bayad ng aleng mukhang relihiyosa grabeh ang bait nung ale…
pag abot sa bading ng kanyang bayad sabay thank you inabot naman ng bading sa drayber…
sa 7:50 na pamasahe naabot na ng bakla ang kayang patututunguhan.. pababa na ang balbong bading… eh sa kanyang paghakbang siya ay may natapakan ang paa na mukhang bagong foot spa ng aleng mukhang relihiyosa at magaling sa pagbigkas ng thank you…
napangiwi ang ale sabay napamura shit!!! Ano ba ayusin mo naman… sorry po.. ang naibulalas na lang ng pobreng bakla at tuluyan ng bumaba..
yung mabait sa tingin kong ale tinubuan ata ng sungay o lumabas lang talaga ang tunay na kulay.. di pa nakuntento .. nagmumura, namimintas, umiismid,nagdadabog na tila mangangagat…
“bwisit yung baklang yun bat kasi kailangan magsuot ng “lambak” gubat naman ang binti sabay ngisi ang relihiyosa turned laitistang ale..
Tama ba o mali na pagkamalan mong joker ang tatay mo at si olive na asawa ni popeye ang nanay mo pag nakatira ka ng pinagbabawal na masarap singhuting madikit sa ilong na rugby..( pangdikit ko lang yan sa montanara ko nung bumuka yung gilid ahhh…)
Tama ba na tawagin nating bading, bakla, shokla, tomboy, binabae, linalake ang mga katulad nating tao na sinunod lang ang kanilang damdamin???
Tama ba na tawa tayo ng tawa pag naka marijuana,tsongki,stop,ganja,dobbie,damo,gulay,..etc..
Tama ba na tamang butingting, lakad, singa, dilat ang mga mata sa tuwing naka batak ng shabu, bato, manok,crystal etc…
Tama ba na manalo ang mga p-t-n-g i-a-g mga pulitiko na sa kanilang pagsilang palang ay mga bilyonaryo na ang mga g-g- nayun..
May pangarap daw sa bayan natin na maging maunlad ang bansa natin.. magbibigay ng maraming trabaho, walang maaabuso at uunlad tayo…
Kaya lang ang lahat ng yun ay kanilang magandang panaginip habang nakahiga sa
kamanila na made in pera.. as in nakahiga sila sa paldo-paldo nilang kurakot na binabayad ng maliliit nating kababayan na nagnenegosyo ng marangal ngunit kung tawagin nila ay hangal ma-late lang ng bayaran.. sa buwis syempre.. hangal nah..
Samantalang sila nakaabang may hawak na resibo na may na katatak na republic of the phillipines official receipt
…
Kung sa kanila magandang panaginip yun sa atin bangungot yun na pumapatay ng unti-unti sa lahat ng katulad kong mahihirap na walang ibang hangad kung hindi makaraos sa pang araw araw na buhay kahit makakain lang ng dalawang beses sa isang araw ayos na hindi na nga tatlo sabi ng department of help at katulad sa karamihan…
Napapansin niyo sa kanilang pagkakampanya naiintindihan mo sila mapa visaya ka man, bicolano, ilocano, chabacano, hiligaynon, tagalong babatiin ka nila isa yan sa pinagaralan nilang taktika para madaling maintindihan ng taong bayan at malukluk sa pwesto na magkakamit sila ng sandamakmak na kayamanan…. (mga buwaya sila noh)
Tama ba na unggoy ang tawag sa panget habang sa maganda ay diyosa
Tama ba na kumain ng panis ang mahihirap kasi daw sila ay tamad??
Tama ba na ang tawag sa mahihirap ay daga samantalang sa mayayaman ay kagalang-galang?/
Tama ba na pangakuan ng masaganang buhay ang maralita habang alam naman natin na namamatay silang dilat…
Tama ba na ang tawag sa pulitiko ay makapangyarihan samantalang sa hirap ay pulubi????
At tama rin ba na ibagsak ang estudyanteng di makakasama sa tour , di magbabayad sa ticket at ipapasa ang estudyanteng kilala ng baklang titser at mapera.???
at mali bang magsabi ng katotohanan dahil ito daw ay kasiraan sa paaralan???
Maliba ang mag aral sa public dahil di natatanggap sa trabaho??/
Bakit gaano ba kasigurado ang mga kompanya na pag sa magandang pakinggan o kilala sa bayang eskwelahan ay magagaling na estudyante na ..
Lasalle,ateneo,feu,ceu,ue,ust, at yung iba pa na may mga saints ang name ng paaralan.. parang ang babait ng mga estudyante noh.. pero may kilala ako diyan… pangalanan natin siyang toter kasi ang laging nasa labi niya ay toter kahit sinasabing may gatas pa daw siya sa labi…
60,000 sa 2,300
Laki ng pagkakaiba.. (tuition yan)…
Wednesday, March 14, 2007
no discrimination please
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment