oo minsan kailangan nating pakawalan ang hindi naman dapat mawala, palayain ang kinulong mo sa pagmamahal. . . masyadong malabo na ang kulay dito sa mundong ibabaw kulang na ang ngiti na dapat ay tinataglay mali na ang mga bagay bagay. . .
isang araw sa buhay ko nagparaya ako ginawa ang sabi nilang tunay na pagmamahal nawala ang hindi naman dapat mawala iniyakan ang dapat katawanan ngayon. . . tunay bang pagmamahal ang pakawalan ang tunay na minamahal para sumama sa taong kanyang mahal. . . kayo na eh. . yun na yun eh. . bigla nalang hindi siya naging masaya bigla nalang nagbago ang sinasabi niyang pagmamahal nung una ayaw na niya sawa na siya tama na daw ang pagpapanggap panahon na para tapusin ang mahabang lokohan. . .
hayz kung ganun lang ba kadali para sakin yun eh. . katulad ng naramdaman niya nung maghiwalay kami ang bilis niyang nakapagpalit ayan na kagad ang new bf niya masaya na kagad siya samantalang ako ito nakakulong pa din sa mga alaalang iniwan niya. . . pinakikinggan ang mga kantang pinagsaluhan namin nung kami pah. . . habang siya ay nagpapakasaya. .
wala na ang tamis na pait pala ang hatid wala na ang ngiti na sakit ang tanging nakamit wala na siya sumama sa iba pero bakit hanggang ngayon siya pa din ako naman ngayon ang nakakulong hindi nga lang sa pagmamahal kung hindi sa velvet room na pinapaligiran ng kalungkutan at alaala ng matinding kasawian....
nagpaalam ako kanina sabi ko ayaw ko nang isipin siya pagkatapos kung magsalita nakita ko ang lahat ng ginawa kong sulat para sa kanya na binalik niya kahapon. . .
letting go is my life hindi na matapos ang kabayanihan ko magsimula pa lang nung una.. .
tunay na mapagmahal laging nagpaparaya para maging masaya ang tunay na mahal. ., . hayz. .
hindi tuloy ako makapagisip ng maauz ngayon bigla nalang nadadagdagan ang sakit sa dibdib at bumibilis ang tulo ng luha tama na muna siguro. . . sobrang sakit na eh . . pahinga muna ako sandali ha. . .
maya sulat uli ako. . .
No comments:
Post a Comment