Saturday, August 8, 2009

Gaano katigas ang malambot

Di ko alam kung paano bibigyan ng hustisya ang lalabas sa aking utak ngayon at isusulat ngunit gaya ng mga naunang blog ko paninindigan ko.

Opera mini ang gamit q ngayon malayo sa pamilya kaya walang pc, mganda daloy ng ideya kya naicpan kung tyagain ang pagtatype d2 sa keypad ng cp ko.

Ngulat ako kanina dahil sa pagsusurf ko sa net, nbasa ko na may comment back na pala yung komento ko 1year ago.

Moron ang tawag skin ng engliserong tao na isa sa nagkomento sa komento ko.

Tungkol kasi sa isang koreanong nagbigay ng solusyon sa lumalalang kahirapan ng bansa natin ang tinapunan ko ng komento.

Una nakita niya na madaming pulubi na namamalimos sa kalsada at madaming nagsisimba pero wala pa din daw nagbabago kahit linggo linggo magsimba.

Sinabi niyang nagpunta daw siya sa bilibid at nakausap ang 2 preso na di nagmamahal sa bansa natin.

Madame siyang kabulukang nakita sa bansa natin kasabay ng pagyayabang kung ano ang bansa nila ngayon.

Sino ba ang mga korean? Mga oportunista din naman silang sumisiksik dito sa bansa natin para magnegosyo.

Ang mga kababayan naman natin kinampihan pa at talaga naman daw bulok ang bansa natin tinanong pa ako kung nakapunta na ako sa bilibid prison at kung nakagawa na daw ako ng charity works.

Ewan ko kung bakit nila kinampihan ang koreanong ito, baka malaki mata at gustong maging singkit, baka nakailang ulit ng gumamit ng papaya soap at di pa pumuputi o balak mag artista kasi dito sa bayan natin uso ang koreanovela na ang nagboses ay mga pinoy kaya naging maganda.

Sa tanong na kung nakapunta na daw ako sa bilibid prison ang sagot ko ay ou ng dalawin ko ang mentor ko ng ako ay nasa lansangan pa. Apat sa mga naging parte ng buhay ko ay nakulong sa bilibid kaya masasabi kong may alam ako sa kalagayan nila.

Sa charity works naman hinde pa ako nakakagawa ng anumang charity works pero hindi ko pa din pinipicture-an ang mga batang may hawak ng kalahating tasty at tetra pack na juice habang ang iba ay may hawak ng banner na naglalaman ng organization nila. Kung tutulong tayo di naman kaylangan ng tarpaulin. ang kaylangan sapat na tulong hindi ang pabalat bungang kapiranggot na tinapay at hingi ng sangkatutak na donasyon na para raw sa mahirap.

Ang bayan natin ay nag.iisa hindi tayo pwedeng diktahan ng korea o ano mang bansa. Di sapat ang mga longhair nilang buhok para impluwensyahan tayo. Di sapat ang singkit nilang mata para sa tatlong tala at isang araw. Di sapat ang mapuputi nilang balat sa pinuhunan ng mga ninuno natin.

Itatwa natin ang singkit mentality o tangos mentality. Mag focus tayo sa loob ng ating puso.

Ang mga pinoy kahit san makarating kayang tumayo di tulad ng mga tarantadong ibang lahi na ginagawa ang bansa natin na isang negosyo.