simulan ko nung isang araw- - -
isang araw- - toinkz- -
may 12- - kasalukuyang nakatalukbong ng kumot at nagiiyak-iyakan- - bumabalik balik kasi ang nakaraan sakto anniversary ng kamatayan niya- - T.T
may 19- - naiba ang tema ng kwento ng mag montsary ang friends ko(korei,korenai) ayun tamang sweetness parehas may puso sa mata- - (gift ni korenai sim na sun) sakto kasi nablock yung globe ni korei kaso walang ibang matawagan kasi naka globe si bestfriend korenai- -
ayun yung araw na yun solve ako sa alak galante si bestfriend korei eh- - andun din si bestfriend di.an tsaka si bestfriend celio(a.k.a BOGA) si bestfriend ariel at marvin nakigulo din sarap ng montsary- -
may 20- - sinuli ko yung bote ng redhorse na may deposito see kumita pa ako- - :)
may 21 ata- - 21 ba korei ahh ou 21 nga ayun habang busy busyhan kami ni korei sa panghuhula ng numero sa sun eh tumawag si korenai- - maya maya sabi sakin ni korei " pare wala na break na kami" syempre ako di nagsalita na shock din ako eh- -
akalain mo ba namang nung isang araw lang masaya tapos ngayon lungkot at hinagpis na - - tsk. .tsk. . tsk. .
ayun dinaan sa inum same place sa bahay ni celio ang napakabait naming tropa- -
brad pabili kana quarter to 5 alis din kami tinig ng wala paring kupas na si bestfriend di.an(may blog din yan) kasama niya yung frend niya na si wendell- -
ayun tagay tagay- - umalis muna sila bestfriend di.an kasi susunduin ang kanyang iniirog- - :)
medyo hilo hilo na kami ng magpaalam na liligo si korei ayun tamang tagay pa din kami ng may narinig nalang akong- - - - hulaan niyo kung ano narinig namin- - - -
ayun narinig namin may umuungol hindi ungol na ungol na alam mo na- - hahaha ungol na parang may binabadya - - hindi ako nagkamali pumatak na ang mga luha,mejo tumulo na ang sipon pero gwapo pa din naman- -
- - tol bukas lilipat na kami sabi ni celio kami syempre nalungkot malayo na siya minsanan nalang kung magkikita kami- - pati magpapasukan na kanya kanya na naman kaming busy busyhan ever- -
nakakamiz lang kasi ilan na bang kalokohan ang nangyari sa bahay niyang yun ilang inuman na ang pinagsaluhan namin doon ilang suka na ang tinanggap ng inidoro nila ilang upos na ng yosi ang pinatay ko sa gilid ng semento nila ilang fix you na ng coldplay ang paulit-ulit naming kinanta ilang problema na ba ang inayos namin sa bahay na yun ilang kwentuhan ang paulit-ulit bumabalik sa tuwing andun kami ilang barkada namin,bagong kakilala clanmates klasmates hindi kakilala ang tumuloy sa bahay ni celio at nakilala namin- -
ilang buhay ang nagkaroon ng pag-asa??? at ilang pagkakaibigan ang hindi ko papayagang masira dahil sa bahay na yun- -
hindi man ako perpektong barkada bad influence nga ako eh- - pero kahit gaano ako katigas kaya kong magpakalambot para sa kaibigan- -
doon namin binuo ang mga pangarap ng mga simpleng kabataan- - -
hindi pa tapos simula na naman ng panibagong bahay pero same ang pagkakaibigan--
1 comment:
sweetness, sarap talaga ng may kaibigan...
Post a Comment