balik na naman ako dito sa lugar ko- pagkatapos magnilay-nilay ito na naman ako. namiz ko ang pagsusulat dito grabeh- wala akong ginawa dun sa province kundi mag-isip,kumain,magtxt at kung minsan tumawa ng tumawa-
the fog- alas 4 first trip papuntang "linang" yun yung tawag sa malayo sa bayan na mga lugar- yun yung malayo sa kabihasnan-
pumunta ko dun- sakto paalis na ang 1st trip ng maabutan ko ayun sakay kagad ako pamasahe sampu bayad- ang layo din pala galing bayan- ayan na ang bahay ng pupuntahan ko-
napatingin ako sa parang usok na bumabalot sa naglalakihang puno- ayos hamog binabalot ang kapaligiran- nung araw ding yun ako unang nakakita ng hamog-kaya ginawa ko tumulala sa makapal na hamog-
sana kasama siya sa hamog kung saan pwede ko ulit siyang titigan maramdaman at kantahan-
the moon- bilog ang buwan nagttxt ako sa labas malamig ang simoy ng hangin ang tagal kung di naramdaman ito dun samin- sinamantala ko ang ganda ng buwan at halina ng lamig ng hangin-
sana lagi nalang ganto feeling ko nasa tabi ko siya nakatingin kami sa liwanag ng buwan habang ang mga bituin ay ng-aawitan-
the dawn- inabot na pala ako ng madaling araw sa labas di ako nakatulog- txt lang ng txt maya maya iyak ng unti- isip-isip nawala na pala ang buwan na kanina kasama ko lang- tinuturing ko siya na isang buwan subalit ang buwan mamayang gabi sisikat at magpapakita sa akin- siya kahit kelan hindi ko na makikita ng kasing ningning nung dati- inabot na niya ang paglubog ng kanyang umaga
No comments:
Post a Comment