Monday, May 28, 2007

behind the straight line(blue and white)

kagigising ko lang sakto walang gumagamit ng p.c ayos!!! ano nga ba isusulat ko ummmm sige na nga kahit ano nalang- - -

kahapon parang walang nangyari pumasok sa skul nag-exam at nag-uwian tapos ang isang myerkules nabawasan na naman ng isang araw ang ilang taon pang nalalabi bago makatapos- - -

bakit ba ganun hindi ko din maintindihan kung ano ba talaga ang reason why we here mag-aaral ka ng 14 yrs sa iba 20 years pagkatapos mong grumadweyt pagkatapos ng gabing inantay mo ng 4 o sampung taon pagkatapos ng iyakan pagkatapos mong maperahan ng mga prof. mo na mukang pera na mga tarantado pagkatapos mong madapa sa stage kahit 100 beses niyo na prinaktis pagkatapos kayong pag-bayarin ng graduation fee na pagkamahal mahal kasi ang katwiran gagradweyt na din naman . . . akala mo dun na yun tapos na yun hindi pa kasi bukas ng umaga pagkakain mo ng almusal punta ka ng makati,ortigas,alabang basta mga business area para mag-aplay ng trabaho- - - - toinkz

ano ba nag batayan sa pagpili ng trabaho kailangan ba na madami kang kakilala madaming pera madaming dalang chichiria syempre lahat yan kailangan--

madaming kakilala- - >bobo na tarantado na nag bayad sa halos lahat ng subject para pumasa ayun tanggap kagad sa trabaho kasi kakilala niya yung manager,yung supervisor yung janitor. .

madaming pera- - >negosyante ang dating ng mokong na toh syempre katulad din siya nung maraming kilala na nagbayad para makapasa ngayon pera na naman ang gagamitin niya para matanggap siya mamumuhunan muna sabi nga nila. . .

madaming chichiria- -> ito yung may sari-sari store samin ayun pinagkakalat sa lugar namin na ang sikreto daw sa pag-aaplay sa trabaho ay magdala ng maraming chichiria para may mangata sa sobrang habang pagpila- - ayun hanggang ngayon wala pa din siyang trabaho- -

dati at sa kasalukuyan pinagtatanggol ko talaga ang iskwelahan na aking napasukan pero habang tumatagal at unti-unti akong namumulat sa sistema naiisip ko tama ang sinasabi ng mga kakilala ko o ng mga nakasakay ko sa jeep masyado talagang bulok ang sistema ng aming unibersidad. . .

sila lang ang masaya sila lang ang dapat na masunod wala kaming boses na mga estudyante iilan lang ang naging instructor ko na talagang masasabi mong concern sa mga tulad kong estudyante kung di mo gusto ng sistema wag ka dito mag-enrol yan ang laging katwiran ng mga namamahala sa iskwelahan na yun "WAG KA DITO MAG-ENROL" di talaga ako dito mag-eenrol kung madami kaming pera na kaya akong pag-aralin sa paaralang nabubulok palang ang sistema kasi dito malala na ang pag-kabulok kahit ilang henerasyon pa ang lumipas at andiyan pa din ang mga buwaya sa iskwelahan na yan ganyan pa din ang sistema walang pagbababgo. . . .

hindi ang pangalan ng iskwelahan ko ang bulok katulad ng mga naririnig ko sa mga kapwa ko estudyante na sa ibang iskwelahan nag-aaral"BULOK NAMAN ANG +_@$%" ou maaring bulok na ang facillity mabaho ang c.r panget ang mga building pero hindi dun makikita ang pagkabulok ng isang iskwelahan- -

pwedeng maipagmalaki at makilala ang iskwelahan namin kung ang mga namumuno ay hindi bulok at hindi mga ganid na sila-sila nagsisiraan lahat namin kami dun bulok . . .

No comments: