alam naman natin sa buhay maraming hindi mo akalaing mangyayari maraming akala mo yun ang mangyayari pero hindi pala. . marami sa atin sinasabing napaglaruan sila ng tadhana halos buong buhay nila sila ang kawawa pero hindi ba natin naiisip na hindi lang tayo ang nakikipaglaban sa buhay? marami sa atin nakikita lang ang mga pasanin samantalang hindi nila alam kung paano natin napapasan ito. . .
ang buhay ay kabalintunaan ng maaring gusto mong mangyari o ayaw mong maganap isa lang ang sigurado maaaring pabor o di pabor ang mangyayari. . .
matagal akong nagtago sa dilim matagal nakipagsabwatan sa aking sarili mahabang panahon ang inilaan ko para sa mga maling pananaw sa buhay. . .
ngayon habang sinusulat ko toh hindi ko lubos maisip na nadaanan ko na din pala ang hangganan ko bilang tao o hindi ko masasabing hangganan step siguro sa pagiging tao. .
sa murang edad natutu ako ng ibat-ibang klaseng bisyo natutu ako ng ibat ibang klaseng kamalian isa lang ang pinagsisihan ko sa lahat ng nagawa ko yun ay ang panahon na nagsimula kong gawin ang alam ko na mali at sundin ko ang sarili ko. . .
ginawa kong panangga ang kaunting kamalian ng pamilya ko ginawa kong sandalan ang bulok na sistema na umiiral sa mundo sinisi ko ang kahirapan kung bakit ako andito. . .
pagkatapos ng lahat ng iyon ako pa din ang talo ako pa din ang kawawa ako pa din ang nangangapa ako pa din ang umiiyak ako pa din ang tinamaan ng sinasabi kong bala na makakapagligtas sakin. .
ang buhay hindi mo masasabing boring kung hindi ka marunong tumawa hindi mo masasabing masaya if di ka marunong malungkot hindi mo masasabing malungkot pag tawa ka ng tawa hindi mo pwedeng sabihing fair kung ang tingin na marami unfair at hindi mo malalaman ang kahulugan kung patuloy kang magbubulagbulagan sa buhay na hindi mo naman dapat pagsawaan. .
natry mo nabang magpakamatay ou mag suicide kung hindi pa ako natry ko na poh ang sikat na sikat sa ibang bansa na suicide. .
yun yung panahon na feeling ko wala akong kwenta wala akong halaga wala akong patutunguhan wala din naman pupuntahan kung mabubuhay ako. .
ayun trinay ko lang naman tumalon sa mababa ngunit nakakalulang roof top sa bahay ng barkada ko. . pareparehas kasing high kaya di na alam kung anong nangyayari..
pero ako alam ko kung bakit gusto kong magpakamatay kung bakit gusto kong tumalon sa ganun kataas na alam ko naman na kahiyahiya itsura ko pag ako natuluyan. .
patalon na ako ng may bumulong sa aking likuran sige bata talon! talon lang matagal na kitang hinihintay. . kinabahan ako sino kaya yung naunang tumalon dito at trip pa yata ako kasi hinihintay daw ako ee. .
pag lingon ko sa aking likuran nakita ko ang isang lalake na sobrang gwapo at hindi ko maipinta ang kanyang suot kasi super kinang na kulay ginto. .
ano pang hinihintay mo talon na kanina pa kita hinihintay wala akong nagawa kundi tumitig lang sa kanyang mga mata na nanlilisik na. . .
bigla ko nalang narinig sige iwan mo na kami sige kalimutan mo na ang samahan natin sige tumakas ka!!!! halos pasigaw na mga salita ang sunod sunod kung narinig sa mga boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. . .
nagising nalang ako nasa kulungan na ako nakahiga may raid pala kagabi nahuli kami sa pot session habang 3p kong tumalon may nakapagtimbre na pala sa mga pulis na may nagaganap na pot session ayun sa kulungan ang bagsak ko hindi sa bangketa. .
3 buwan din ako sa kulungan dahilan para di ko maipagpatuloy ang aking pag-aaral nakalabas din ako kasama ang barkada at pansamantalang nagwatak watak muna. ako tinuloy ko ang pag-aaral ko at ang iba ko namang barkada ay nagsipagtrabaho. .
ngayon habang sinusulat ko toh 2nd year college na ako at katatapos ko lang magresearch sa history kaya naisipan kong iupdate ang blog ko dahil na din sa kagustuhan ng puso ko na masabi sayo na hindi ka nag-iisa sa pasan mo parehas lang tayong nalalabuan sa mundo. .
ang buhay parang usok yan habang bago palang ang usok halos wala kang makita pero habang tumatagal diba naaaninag mo kung ano ang nasa kabila ng usok na yun? ou ang kabila nun ay ang punong mangga nila aling tekla na pinapausukan na hitik na hitik sa bunga. .
ganun din sa buhay wag kang magsawang lumuha wag kang mag-alinlangan na baka mabulag ka bagkus ay maghintay ka sa makikita mo sa likod ng mga pasakit na dinanas mo may matamis na manggang naghihintay sa likod nito yun ang dapat malaman mo. .
god will see the truth but wait
No comments:
Post a Comment