Wednesday, October 29, 2008

sa wakas

56 Posts, last published on Aug 9, 2008


katulad ng simula may wakas ang hindi ko paggamit ng internet ito ako nakaenrol na at nagpasyang hindi pumasok ngayong unang linggo ng pasukan sa dalawang dahilan una masaya ako kasi pumasa ako sa bagsak kong subject dahil sa remedial pangalawa miss ko na ang internet gusto ko na ulit magsulat sa blog madami akong namiss bukod sa bangbus.

ilang araw din ang lumipas nakakamiss magsulat gamit ang keyboard medyo nasanay na akong gumamit ng ballpen kahit parang kinahig ng manok ang sulat ko. nasanay na akong gumamit ng ballpen sa pagsusulat ng mga napagdaan sa araw-araw at nasanay na walang masakit sa mata na monitor.

ilang araw bago ako nakapagsulat ulit dito sa net ay dumating ang ilang hamon sa buhay medyo mild lang ito kesa sa mga dumating ngunit naramdaman ko dahil na din sa mga katulad kong nakaramdam ng dagok na ito. una madami kaming nakakuha ng 3. something sa isang subject namin lahat kami kabado di alam kung ano isasagot sa darating na remedial sa katulad na dahilan kaya bumagsak.

madami sa mga klasmate ko nagkaron ng problema sa perang pang-enrol kasama na ako sa kanila nasimot talaga ang pera ng nanay ko dahil sa takot na baka mag penalty na naman ako.

penalty yan ang kasarapan sa penalty mapipilitan ang mga estudyanteng magbayad ng pwersahan dahil sa takot na madagdagan ang bayarin nila pag lumampas ang due date bakit kaya may penalty pa? sino ba ang mag-aaral ang di gugustuhin ang makapagbayad na ng maaga para wala ng aalahaning mahabang pila at bulok na sistema ng enrollment.

ano kaya ang maganda nilang dahilan kung bakit pinapatupad pa nila ang penalty? at san gagamitin ang penalty? pero wala na akong pakialam kung san nila gagamitin ang penalty mangurakot man sila o hindi lumaki man ang tiyan nila sa mga pinagpawisan ng mga magulang ng estudyante o yung iba pinagnakawan pa ng mga magulang ang ipang tutuition nila basta sana wala ng penalty sana wala na.

tang-in@ nawawala ako sa konsentrasyon sa pagsusulat dahil sa penalty na pinapairal sa akala mong napakagandang sistema ng enrollment. putsa kukunting estudyante inaabot ng ilang araw nagpapabalik balik tapos may penalty? naka assign na enrollment samin friday tapos nagtanong ako kung kelan may penalty monday daw may penalty na hindi pa nila sinabing magbayad ka na ngayon para hindi ka magpenalty.

sistemang pera unang step sectioning pagkatapos ng sectioning kailangan mong magbayad ng kung ano-ano at next step cashier na kagad huli na yung mga walang bayad. sa cashier pa lang aabutin ka na ng siyam siyam bukod sa bagal ng kanilang paggalaw simangot sa mukha nila hindi pumapanaw.

sana wag nalang magpatupad ng penalty wala namang dating lalo lang nakakapressure para sa estudyante na hindi makapag-aral at para sa mga magulang na baka mawala pa ang kanilang tanging pag-asa ang makatapos ang anak nila.

Saturday, August 9, 2008

balik tanaw at pagmamahal sa kasalukuyan

a eulogy for an angel

You took her life
I gave you mine, to ease the pain of my soul, to show you how much shes meant to me
I will fight for our lives and take them to our graves
In a world of despair, our lives will end
Some with out warning, while others die by design
-from autumn to ashes



iba mode ko ngayon umaga na natulog maaga nagising. ewan halo-halo na namang pakiramdam pagkatapos ng masayang mansari namin hindi parin ako makapaniwala na may magtatagal saking babae.

ngayong umaga habang nakikinig ako ng mga kanta nakita ko ulit ang awiting dagli kong nilimot at ngayon habang sinusulat ko ang mga nadarama napakinggan ko ang dati kong paboritong kanta. "a eulogy for an angel" from autunm to ashes ang may likha kakaiba puno ng emosyon kung hindi mo babasahin ang liriko at hindi tatanggapin ang bawat sigaw at tunog nila hindi mo maiintindihan ang gustong ipahiwatig ng kanta.

namatayan ng girlfriend pagkatapos ng apat na taon dumating ang panibagong mamahalin. panibagong ngiti dala ng bagong pag-ibig, kakaibang sigla hatid ng nadaramang ligaya masarap mabuhay sa mundo kasama ang isa sa nagbibigay kulay sa buhay mo dito sa mundo.

walong buwan ang nakalipas madaming tawa ang sabay na binitiwan, tampuhang hindi malaman ang dahilan, kulitang di makakalimutan at pagmamahalang nagbigay ng ngiti naghatid ng tawa at nagpalipad sa alapaap ng mga pusong pag-ibig ang nadarama.

sa pangalawang pagkakataon buhat sa unang pagtibok ng puso sa pangalawang pagbagtas sa sinasabi nilang wagas na pag-ibig sa muling pagmamahal ng lubos.

mahal ko siya hindi dahil sa kung ano pa mahal ko siya basta. hindi siya katulad ni isabel kaya minahal ko siya bagkus minahal ko siya dahil si irish siya, mahal ko siya hindi para limutin ang masakit na alaala bagkus mahal ko siya para pagsaluhan ang mga ligayang hatid ng pagmamahal at pagtulungang lutasin ang mga pagsubok ng mapaglarong mundo.

walong buwan hindi parin ako makapaniwala sa walong buwan na yun mas lamang ang saya sa kakaunting kalungkutan. tinanggap niya ako bilang si karlo mamahalin ko siya bilang si irish. kami ito hindi katulad ng sa kwento. makulay din ang mundo mapanglaw din ang daan malakas din ang alon ng buhay ngunit hindi naghahangad ng magandang katapusan bagkus nais pagsaluhan ang bawat panahong bigay ni bathala ng walang hanggang pag-ibig.

ang katapusan ay may tuldok at ang pag-ibig namin ay may tatlong tuldok.

♥ ♥ ♥


Friday, August 1, 2008

usc election atbp.*part 2*




pagkatapos ng miting de avance kinaumagahan botohan.
pagkatapos kahapon ng botohan.
kanina bolahan.

ewan ko. . .

kung ang sinasabi nilang plataporma ay makakatulong na mabawasan ang kabulukan ng sistema ng administrasyon ng paaralan.

sana.. .

maging mabilis ang enrollment system sa pagbibigay nila ng free pin.

sana. . .

maiapply ng walang computer sa bahay ang sinasabi nilang seminar bout IT.

sana. . .

dumami ang computer system sa pagbibigay nila ng premyo sa mga magpeperform sa aquitance party.

sana. . .

maramdaman ko kung ano ba ang ginagawa ng isang sentinel.

sana. . .

magkaisa na ang buong paaralan at hindi na maging hati-hati sa pagdadagdag nila ng locker.

sana.. .

hindi na kulangin ang klasrum sa pagpapaganda nila ng corridor.

sana. . .

magkaroon kami ng maayos na skedyul sa paglalagay nila drinking fountain.

sana. . .

hindi sila maging bulag at pipi sa sistemang bulok katulad ng dating nakaupo.

sana. . .

sana. . .

at sana. . .

Monday, July 28, 2008

usc election atbp.

kanina pinilit kong pumasok ng maaga alas otso ang unang subject alas otso ako umalis sa bahay.

lagi ako late sa unang subject,english pa naman yun buti sana kung magaling ako sa english eh wala eh simpleng suffixes lang di ko alam.(papasok na talaga ako ng maaga)

buti nalang di na ako namarkahang late sa classcard dahil sa may meeting de avance sa skul tungkol sa usc election(university student council).

umulan kaya imbes na ang venue sa open field sa gym ginawa ayos lang kasi medyo umuulan kaya hindi kami masyadong mamawis ang kili-kili sa pagpalakpak?pagtili at pagtawa.

nagsimula na ang meeting de avance dalawang partido na tagsasampu ang nasa harapan naka-upo sa monobloc. ang isang partido kulay puti ang suot ang sa kabila itim.

naunang magsalita ang mga nakaputi. sigaw,tili,kalampag,palakpak at talsik laway ng tawagin ang kinatawan pa lang ng partidong iyon. sunod sunod na tinawag ang mga iba pang kasapi sa partidong iyon. nakakabingi at nakakagulat talaga ng tawagin na ang tumatakbong pangulo ng partidong iyon. grabe ang tilian grabe ang sigawan daig pa ang nasa sabungan siguro kung sa palakasan ng tili panalo na ang partidong iyon.

sumunod na nagsalita ang mga nakaitim parehas lang ng sinasabi parehas lang na parang nag-aabang ng titili parehas lang na gumagamit ng po at opo kahit mas matanda pa sila samin pare parehas silang nang uuto.

sumunod ang open forum dito medyo natuwa ako kasi inaantay ko ang mga tanong ng kapwa ko mag-aaral na boboto. ayun na nagdatingan na ang mga tanong mula sa papel sinundan ito ng mga taong malakas ang loob at nagsalita sa mikropono.

ang tumatakbong pangulo sa mga nakakulay itim ay dati ng nakaupo, kumbaga re-electionist syempre sigurado at imposibleng walang puna tanong at kung aneks aneks pa.

may nagawa kaba nung ikaw ang nakaupo ang tanong ng kaalyado ng kabila.
meron po nakita po niyo yung multo sa 3rd floor? yun
pong cr nakita niyo yung mga kaklase niyo po?. usc po may gawa nun haha.(kunwari lang yun ang sabi niya pero halos sa pandinig ko yan ang mga sinabi niya)

nakakatawa ang 20 kataong nagmukhang mga payaso sa aming harapan at mabango naman sa iba magaling sa iilan at mga plastik sa nakakarami. nakakatawa sila may dance number may inaral na mga body language etc. sabay sigaw ng pangalan ng partido nila. ayos solve ang buto-buto.

ang masarap sa mga ganitong pagtitipon hindi mawawalan ng komedi. pagkatapos magpagalingan,magpalakasan ng sigaw ngayon naman paghahaluin sigaw at tawanan sa isang bading na nagsayaw ng parang ballet at tatalon sabay split ayos.

kung palakasan ng sigaw,padamihan ng napatawa,padamihan ng tumalsik ang laway, patatagan ng ngala-ngala sa kakatili ayos panalo na ang bading na yun.

ang mga tanong parang tanong grade 1 parang nagtanong sila ng 1 +1 sasagutin naman nung tinananong nila na 11 para silang nagtanong na kumain knb? habang magkaharap sila sa mesa at nagtitinga.

papansin ako kaya nagpasa ako ng tanong kaso hindi nabasa ewan ko kung bawal ba ang tanong ko siguro may mtrcb bawal ata.ewan ko kung babasahin yun ng panghapon kaso madaming papel na ang nakatabon eh?

simple lang naman ang tanong ko dun sa papel na yun eh.

pwede bang dalawa nalang ang presidente yung isa internal yung isa external?
mula sana pangulo hanggang kinatawan nito ganun ang gusto kong mangyari.
opinyon ko lang naman.bukod sa mababawasan na ang noise pollution di pa magtatapal ng salonpas sa hita ang bading na nagsplit kanina,bawas konsumo ng kuryente para sa sound system,hindi na masasaktan ang pwet ng mga estudyante sa pagupo sa semento,hindi na mapapaos ang mga kamag-anak nung tumatakbo dahil sa kakatili,mababawasan ang mabaho dahil hindi gaanong pagpapawisan at sana hindi ko nalamang badbreath pala yung katabi ko ang ganda pa naman.

madami silang plataporma de gobyerno ngunit iisa lang naman ang gusto nilang sabihin, madami silang proyekto ngunit iisa lang naman ang gusto nilang mangyari.

marami silang tagahanga ganun din ang sa kabila.
malakas ang loob nilang sumuong sa ganitong laban syempre pati ang kanilang kalaban.
parehas silang may "malasakit" sa eskwelahan.
pareparehas nilang "mahal" ang eskwelahan namin.

20 sila pwede sana magtulungan bukod sa magbangayan at magpagalingan.
makita sana nila ang walis kung paano ito napapakinabangan.
makita sana nila ang mga pawis na pawis na utility dahil sa pagsasaayos ng kanilang gagamitin sa pagtitipong iyon.
makita sana nila ang mga cartolina na sinulatan nila ng mga pangalan nila.
wag na sanang masayang ang isang araw namin sa walang kwentang palabas.
madama sana nila ang bawat isang pananaw at magkasundo tungo sa pagpapaunlad ng aming paaralan.
wag na sanang maglaban laban dahil lang sa walang kwentang pagalingan bagkus magtulong tulong sa iisang layunin para sa eskwelahan.
masanay sana tayo na magbigayan at magtulungan para sa ikagaganda ng ating eskwelahan.

sa ganitong paraan malalaman kung sakim nga ba kayo sa kapangyarihan o katanyagan.
kung sakaling magiging ganun ang sistema ng unibersidad natin dun malalaman kung sino nga ba ang may malasakit sa eskwelahan sino nga ba ang nagpapasikat lang sino nga ba ang naghahabol ng posisyon para sa pag-aaply ng trabaho may maisusulat na dati akong ganto ganyan sa eskwelahan namin.

karapatan kong bumoto. ou karapatan kong bumoto ngunit kanino? paano ko malalaman ang karapatdapat kung ang naririnig ko ay sigawan,tilian at kung ano ano pa. karapatan ko bang mahirapan sa pag-upo upang marinig ang pare-parehas nilang pang-uuto? karapatan ko bang hindi magklase para lang madinig ang bangayan? karapatan ko bang malito kung sino ang nagsasabi ng totoo? karapatan ko bang matalsikan ng laway? karapatan ko bang makuhaan ng picture habang nangu-ngulangot dahil kinocover ito para sa iskul publication? paano at sino? yan ba ang karapatan ko?

dati akong nang-uto sa mga estudyante kaya naging usc president ako.
marami akong nauto kaya naging bise presidente ako.
maraming nagandahan sakin kaya naging secretary ako.
magaling akong magsayaw kaya naging buss.mngr. ako.
syota ako ng bayan kaya pokpok ako haha.

Friday, July 25, 2008

manunulat naba ako?

matagal ng panahon ang lumipas, hanggang ngayon sariwa pa din sa alaala ko ang lahat.

high-school ---> okay sa olrayt pag tinatanong ako kung ano ang pangarap ko tawa lang ang sinasagot ko.

dumating ang punto na gusto ko ng magkaron ng pangarap, gusto ko ng may inaasam na isang pagkakataon at pagdating ng pagkakataon na ito matutuwa ako.

grade 6 ang kapatid ko ng manalo siya sa presscon tatlo napanaluhan niya. ipapadala siya nun sa ibang probinsya para lumaban ulit. nakita ko ang pag-aalaga ng mga magulang ko nakita ko kung paano siya asikasuhin dun ko nakita ang pangarap,dun ko nakilala ang sarili ko,dun ko napatunayan na ang bawat isa satin may pangarap.

dati hindi ko trip magsulat kung hindi activity ang pag gawa ng maikling kwento at tula hindi talaga ako gagawa. dumating ang pagkakataon na may nakapansin sa gawa ko ayun ang titser ko sa filipino nung 4th year ako. masaya masaya at masaya walang kasing saya na pag-ukulan ka ng limang minuto sa buong klase para sabihin niya na nagustuhan niya ang gawa ko, matagal niya na daw napapansin ang potensyal ko tinanong niya kung ano daw ba ang kukunin ko sa kolehiyo sabi ko psychology sabay tawa. mag journalism daw ako.

dun pumutok sa utak ko na pwede pala ako magkwento pasulat,dun ko nalaman na masarap pala pag nailalabas mo ang mga gusto mong sabihin sa iba.

kolehiyo--> 3rd year ako ng kumapal ang mukha kong subukang magpasa ng gawa ko at ayun nakapagpasa na nga ako di ko pa alam ang kinahinatnan ng pinasa ko sana matanggap at mapublish haha"sana" kaso maraming magagaling baka walang space sa kalokohan ko hehe.

masaya din at andiyan ang blogawards may pagkakataon din masubukan ang kapal ng mukha at ihanay sa malulupit na blogger.(felling ko magaling din ako) kahit hindi haha.

andiyan ang mga kaibigan na instant mambabasa kahit pinipilit ko silang basahin ang gawa ko hehe.

andiyan ka na nagtyatyagang basahin ito. salamat sayo!

Thursday, July 17, 2008

kumain ka ng gulay

ang pananampalataya na gumamit ng tula.

tinik = pasakit/dusa/problema

pusa = diyos/kapangyarihang nangingibabaw sa mundo ng tao

gulay = pananampalataya.

ang kumain ka ng gulay ay isinulat upang hindi maging boring gaya ng ilang mga tulang tumatalakay sa pananampalataya sinadya ng may akda na gumamit ng simbolismo upang matakpan ang mga paningin ng mapanghusgang mata ng mga mambabasa lalo na at pananampalataya ang tema ng tula.

wala sa tula ang gulay ngunit ito ang pamagat ng tula. isipin mo may tinik ba ang gulay?

lumalayo sa maraming kaisipan o lumalayo sa hindi sinsadyang magaya ang bawat tula ng pananampalataya kaya pinilit umiba ng may akda gumamit ng simbolo at itinago sa mas nakakatawang parte ang isang mahalagang tema walang iba kundi ang pananampalataya.



Kumain ka ng Gulay
JanKarloFerrer


Isang tinik ang hindi mabunot
Sa lalamunan itoy nanuot
Masakit hindi kaya ng kamot
Sapagkat sa loob nakasuot


Katulad ng tinik ang pait
Walang ibang lasa kundi sakit
Sakit na dala ng hinanakit
Hinanakit na dala ng tinik


Tinik na sagabal sa pag-agos ng laway
Tinik na hindi maiiwasan sa buhay
Tinik na akala mo ikaw lang ang may tangay
Hindi mo alam ang sa iba ay tatlo niyan


Isang pusa ang laging andiyan
Sa hirap o hapdi ay maaasahan
Tinik na iyong tangan
Ipagkatiwala sa kanya itoy malulunasan

Tuesday, July 15, 2008

ang yungib bow

bago ang lahat salamat nga pala sa mga nakapagbasa at patuloy na nagbabasa ng gawa ko. sa mga taga siena na kaklase ng dhes ko sa mga dumadaan at nagkokomento sa mga naging kaibigan at patuloy na kaibigan sa mga klasmates ko nung elementary,high school at kolehiyo. sa mga taong tahimik na nagbabasa at pinupuri at nilalait kung minsan ako sa kaibigan kong staff ng the pillars tol di na kita papangalanan nakakahiya sa iba baka sabihin astig ka. sa mga bumoto sa akin sa blogawards dapat nilagyan niyo kahit pangalan lang niyo para nalaman ko kung sino yung mga anonimo sa blogawards salamat at syempre salamat sa diyos dahil ipinanganak akong nakangiti sa buhay at nakatawa sa pasakit nito. salamat sa lahat tatanawin kong malaking utang na loob ang pagbabasa niyo ng mga kwento at kalokohan ko. makakatanggap kayo ng good karma maliban sa sakit ng mata sa pagtitig sa monitor salamat.


pang apat na pasa ko sa the pillar ang school publication namin ewan ko ba kung bakit tula ang mas gusto kong ipasa dun. . siguro mas safe ang tula at pwede sa iskul. . tsaka madaling basahin ang tula kesa sa mga kwento ko dito. . sabi nga nga ng kapatid ko gandahan mo ang title mo para basahin ang gawa mo. mahina talaga ako sa pag-isip ng titulo hindi ko din hilig na pagandahin ang pamagat ng bawat gawa ko na hindi naman naggaling sa puso ko. ayaw kong intindihin ang mga taong naghahanap lang ng gusto nilang mabasa at hindi nagbabasa ng bago sa kanila hindi din mahalaga sakin ang puna ng mga taong tinatamad mag-isip at sasabihing panget ang gawa ko dahil sa hindi maintindihan. ayokong isipin ng magbabasa sa mga gawa ko na maganda ang gawa ko dahil sa titulo nito gusto kong magustuhan nila ang gawa ko hindi dahil sa ganda nito kundi sa napulot nilang kaisipan para pag-isipan kung mali o tama ito. sa huli ako pa din ang masusunod kong tatawa ako sa mga pintas sa gawa ko o pipikit habang nilalait ang pinaghirapan ko. isa lang ang hindi ko pwedeng gawin ang laitin ang mga basurang gawa nila sapagkat pag ginawa ko ito mapiplitan akong maging basurero para hakutin ang madami kong mga gawa para itapon ito.

mahirap pag magagaling ang kaharap mo mahirap pag inaakala nila sa sarili nila na magaling sila dahil nagkakaron sila ng lakas ng loob para pintasan ang gawa ng iba, mahirap maging magaling sa imahinasyon mo sapagkat pag-gising mo may mga taong nakaabang sa gagawin mo upang ibalik sayo ang mga ginawa mo. isa lang ang punto ko hindi mo kailangan maintindihan kung ayaw mo o di maganda para sayo respeto lang ang kailangan ng tulad mong tao. alalahanin mo tuldok ka lang sa milyong taong may paningin at damdamin para basahin ito.

sa kabilang banda walang kinalaman ang tula ko diyan pagpasensyahan niyo na ang tula ko naisipan kong gumawa ng tula para medyo maikli tsaka maiba naman hehe. .


“yungib”

Diyankarlo


Padabog ang kabog ng ang aking dibdib

Habang papasok sa madilim na yungib

Nag-uunahan sa pagpatak ang pawis

Takot at pangamba ko ay di maalis



Sa yungib puro hayop ang nasa loob

Mabangis sila gaya ng aking kutob

May buwaya na nakaupo sa tuktok

Sistema ng buhay nila ay tatsulok



May mga kabayong hingal sa katatakbo

Meron mga unggoy na puro mang-gagantso

May mga agilang kung lumipad ay mataas

at ang ibang ibon naman ay di makaalpas



Sa paglipad ng agila nakalimutan niya ang kapwa

Sa takaw ng buwaya pati sarili niya nilamon niya

Sa pagkapit ng mga talangka walang makawala

Sa tanikala ng kahayupan sa yungib ng sala



Saturday, July 12, 2008

senaryo sa buhay

.matagal na pala nung huli kong post june 24 ano na ngayon july 12. . .

masarap mangarap kasama ng mga ibong lumilipad masarap bumagtas sa daan patungo sa walang hanggang wakas at masarap managinip habang natutulog ng nakadilat.

ang huli kong post yung maikling kwento na pinasa ko sa school publication namin, hindi ko lubos maisip na kakayanin ng kapal ng mukha ko ang pagpapasa ng gawa kong kwento sabagay subok lang pag napublish wow sosyal pag hindi wawa aman haha.

madaming nakapansin ng mga sinusulat ko dito pero sa iskul namin wala gaano siguro kasi mas trip nilang magsearch about kay soulja boy hehe. . . masaya magsulat lalo na at may mga taong nagbabasa sa mga sinusulat mo, masarap magsulat lalo na at nakakapunta ka sa kabilang mundo bukod sa mundong napakahaba ng pila na kinabibilangan mo.

  • sa iskul

sa iskul namin parang andaming hiwaga andaming sikreto na hindi na dapat pang malaman ng katulad ko. nagtataka lang talaga ako sa isang guro sa pinapasukan kong iskwelahan parang andami niyang reklamo sa buhay parang lagi siyang may kaaaway sa aming pamantasan.

sa kahit anong institusyon dito sa pinas uso ang palakasan kung bakit hindi pa siya nasanay?
dito sa pinas uso ang laglagan bakit hanggang ngayon siya pa din ang natatapakan at dito sa pinas hindi uso ang puso dapat gamitin mo ang utak para hindi kumulo ang sikmura mo.

  • sa kalye

mahaba ang pila sa kalsada akala ko may libreng panood ng pelikula yun pala nakapila sila sa saradong bentahan ng nfa rice. nabasa ko sa karatula "ang bentahan po ng bigas ay mula 9am hanggang 11 am at sa hapon 3pm hanggang 5pm" napalingon ako sa relo ko alas sais medya pa lang ilang oras pang mag-aantay ang 1 kilometrong pila?
katulad sa bigas mahaba din ang pila sa banko kukuha ng refund sa kuryente na limandaang piso at dederetcho sa 1 kilometrong pila sa bigas. . .

  • sa simbahan
may dalang basket ang ale kasama ang walang saplot niyang anak, nakataas ang bukang palad nakatingin sa bulsa ng mga dumadaan kunting tulong lang may sakit ang aking anak. mapapalingon ang aleng galing sa mamahaling sasakyan na pula ang plaka iismidan ang pobreng ale at dederetcho sa loob ng simbahan upang mangumpisal para sa mga ninakaw niya sa kaban ng bayan, sabay abot ng sobreng makapal sa pari ngingiti ang pari at magwiwika napatawad ka na ng nasa taas.

  • sa jeepney
sisigaw ang driver maluwag pa maluwag pa pagsakay ng matandang pilay wala ng maupuan. ihaharurot ng gagong driver para hindi na makababa ang mga pasaherong kanyang nagoyo magkakalungan ang mga nasa loob ng jeep. magbabayad ang estudyante ng sampung piso para sa minimum na pamasahe hindi na susuklian ng driver. hihingi ng sukli ang estudyante magbibingi-bingihan ang drayber.

  • sa tindahan
bibili sana ng suka ang batang si juan ng marinig niya ang nagkwekwentuhan sa tindahan. pinagkwe-kwentuhan ang kanyang amang nasa bilangguan at ang kanyang inang nagbebenta ng laman. mapapansin ng mga tsismosa ang pagdating niya titigan siyang parang awang-awa sa kanya pagtalikod niya tuloy ang kwentuhan patungkol naman sa mga awa sa kanya ng mga putang inang tsismosa. (titser,pastora at katekista ang mga nagkwekwentuhan sa tindahan)

minsan matatawa ka nalang sa karnaval ng buhay minsan pipikit ka nalang sa mga nakakasilaw na liwanag at minsan gugustuhin mo nalang humiga kasama ng mga paru-paro at mananaginip na nasa kalawakan ka kung saan walang gutom walang uhaw at syempre walang tsimosang relihiyosa at propesyonal.

Tuesday, June 24, 2008

ang bukana(maikling kwento)

Ang Bukana

jankarloferrer

Maaga akong namulat sa ibat-ibang likha ng kahirapan,bata pa lamang ako pasan ko na ang dapat di pasan ng isang musmos na tulad ko. pag-aararo ng lupang sakahan ang trabaho ng tatay ko at ang nanay ko naman ang bahala sa bahay. Lumaki ako na hawak ang pag-asang aahon sa putikan at mahuhugasan ang bawat marka ng kahirapan.

Ako ang panganay sa apat na magkakapatid ang sumunod sa akin ay dose anyos na, ang pangatlo naman ay walo at ang pinakabunso tatlong taong gulang. masaya ang aming pamilya kahit gipit sa pera ito nalang siguro ang makakapagtagpi sa mga dusa namin ang pagiging masaya.

Pagka-gradweyt ko ng hi-school nagdesisyon si tatay na mag-aral ako sa maynila nakautang siya ng pera sa may-ari ng lupang sakahan na pagtratrabahuhan niya ng limang taon,. “mahalaga ang pag-aaral anak wag mo kaming alalahanin ayos lang kami dito hindi namin pababayaan ang mga kapatid mo” ang wika ni tatay.

Habang binabagtas ng bus na sinasakyan ko ang patungong maynila walang patid ang luha ko sa pagpatak, walang pahinga ang utak ko sa maaaring mangyari sakin sa maynila walang paglagyan ang pag-aalala ko sa mga naiwan ko sa aming probinsya. . . .

Tangan ang isang pahina ng notebook na may nakasulat kung saang lugar ako titira, isang bag na puno ng damit na hindi ko alam kung damit na matatawag kung ipapares ko sa aking mga nakikita ngayon,bibliya na binigay sa amin ng may magpuntang amerikano sa iskul namin at isang maleta na puno ng pangarap at pag-asa na lagi kong dala mula pagkabata.

hindi ako nagkamali mahirap nga sa maynila ngunit andito ang sinasabi ng madami kong kabaryo na pag-asa, hindi ako nagpatangay sa lungkot hindi ako nagpadala sa aking pagkamahiyain bagkus ay sumabay ako sumakay ako sa anod kung saan gusto ko ng marating noon pa man ang tagumpay.

Habang tumatagal ako dito sa maynila natutunan ko sumayaw sa kanilang ritmo at kalaunan ay nakasanayan ko na din, madali akong nakilala ng mga propesor ko sa lahat ng subject. Iba dito sa maynila hindi tulad sa probinsya na naguunahan pa kaming magrecite dito kailangan pang balasahin ng propesor namin ang classcard para mapilitan kung sino man ang matatawag.

3rd yr na ako sa paaralang pinapasukan ko ibat-ibang award na ang natanggap ko sayang nga lang at hindi makita ng mga magulang ko ang abot tenga kong ngiti sa tuwing makakakuha ako ng award nagtyatyaga na lang ako magkwento sa yellow paper at bibilang ng buwan bago mabasa ng pinadalhan ko.

Pagtapos ng 3rd yr ng may dumating saking sulat mula sa aking kapatid isang balitang hindi ko mamutawi sa aking mga bibig hindi ko kayang titigan ang mga letrang nakasulat sa papel. . . . patay na ang tatay. . .pinatay siya ni don justing. . . .

habang pinagmamasdan ko sa salamin ang aking mukha na natatabunan ng mga luhang natuyo na rin dito may nakita ako may nakita akong isang pagkatao sa salamin nagkasungay namula ang mata nag-iba ang mukha gusto ko ng kumawala sa galit ko gusto ko ng pakawalan ang nararamdaman ko gusto kong magwala gusto kong umiyak hanggang wala ng mailuha hindi ko matanggap ang kanyang pagkawala. . .

Naghahanap ako ng kutsilyo wala akong makita gunting ang nahagip ng aking mata pwede na siguro to makapanakot sa labas at makapangholdap para makauwi ako ng probinsya at makapaghiganti sa pumatay sa aking ama. . .

May liwanag na nakakasilaw at sa likod nito may boses na bumubulong sa aking mga tenga “salamat sa pagtitiwala at ipinagkaloob mo sa akin ang iyong buhay” at bigla akong kinain ng liwanag at natunaw.

Isang kalembang ang narinig ko natauhan ako mula sa aking mahabang imahinasyon andito pala ako dahil ribbon cutting ng isa sa mga pag-aari kong building dito sa makati. kasama ang aking pamilya ang nanay ko na may katandaan na ang tatay ko na masayang masaya ang mga kapatid kong may mga pamilya na at ang asawat anak na iniingatan ko at ang sentro ng lahat ng ito ang liwanag na dapat pagkatiwalaan ng buhay na kanya ding pinahiram sa atin at magtuturo sa dapat kalagyan ng bawat isa dito sa mundo

Sunday, June 15, 2008

tagay mo na tol

bago simulan ang may akda ay may isang hiling maari bang inyong bisitahin ang blog ng aking mahal na kapatid karen ferrer wala kasi dumadalaw eh. . magaling na blogger yan wala ako sa kalingkingan


masyadong nakakamiss ang barkada minsan sinabi ko na tol pasensya na kailangan ko humilay sa tropa tol may pangarap ako kailangan ko lumipat ng eskwelahan.

para namang sinabi mong wala kaming pangarap matagal naming pinagtaluhan hanggang sa desisyon ko pa din ang nangibabaw. masarap pag uwian deretcho sa bahay ng tropa ambagan pambili ng ulam magsasaing habang nag-aantay ng sinaing bonding pagkatapos kumain tagay pagkatagay lasing makulit suka iyak tawa kanta hayz sarap ng buhay parang walang bukas na darating parang ang mundo ay di umiikot.

isang araw ayoko ng tumagay ayoko ng tumawa sa mga biruan ayoko ng humits tinangihan ko na din ang ang akbay nila, ayoko ko na mamiss ko sila at lalong ayoko na mamiss nila ako dyahe kakalungkot yun.

nangibabaw parin ang pagiging kaibigan ko sa kanila ito na naman ako nakahawak ang kanang kamay sa tagay at ang kaliwang kamay sa tubig lagok pait sundot ng tubig tawanan hanggang sa unti-unti ng nawawala ang mga kainuman ko ako at ang kaharap ko nalang ang natira at sa isang iglap pati siya ay nawala na.

lumipas ang mga oras parang ayoko ng gumalaw takot akong dumilat nawawala ako nawawala ang paningin ko nawawala ang mga kamay ko nawawla ang mga paa ko alam ko isa na lamang ako sa libo-libong katawan na nakatambak dito.

isang sampal ni kristine ang nagpabuhay ulit sa akin isang salitang hindi ko malimutan tol tagay mo na ano kaba bakit ka tulala, pagtingin ko sa basong hawak ko andun pa din ang laman nito hindi ko pa pala naiinom ang laman ng baso ang alak na nagbuo sa amin at nagwasak din samin alak na naging dahilan para lumigaya at alak na naging dahilan ng pagluha.

masarap magkaron ng tropa masarap magkaron ng katawanan kakulitan kaiyakan kainuman pero mahirap mawalan nito kung ano ang sarap magkaron higit pa dun ang pagluha kesa sa pagtawa isang parte ng buhay mo na bigla nalang nawala dahil sa mga pangarap mo.

Friday, June 13, 2008

ang dilim ba ay nangangain?

may isang blogger ang nagsabi sakin na masyado daw mababaw ang aking mga gawa masyado daw halata ang mga gustong ipahiwatig wala daw lalim ang aking mga ideya.

habang binabasa ko ang email niya nagtaka ako,nagulat nalito bakit kaya siya nag email ng ganun sakin ano kaya ang gusto niyang paratingin para ba ako turuan ng mas malalim na ideya o punain at ipamukhang mababaw ako.

sa lahat ng email sa akin ang email niya ang pumukaw sa aking gunita habang binabasa ko ang email na puro positibo ang sinasabi biglang kumambyo sa negatibong puna ng isa ding blogger tulad ko.

kaya ako nagblog para sa sarili ko mailabas ang nararamdaman ko malalaim man ito o mababaw. ako ang gumagawa nito ako ang nagrehistro sa blogspot ako ang nangangalay magtype ako ang sumasakit ang mata sa pagtingin sa monitor ngunit subalit kayo ang nagbabasa.

natawa lang ako kasi sa email niya may link papunta sa blog niya nakakatawa na para bang pagkatapos niya magbitaw ng negatibong pahayg ukol sa blog ko gusto niyang tingnan ko ang blog niya at sabihing malalim huwaw.

pumunta ako sa blog niya hindi para ikumpara ang blog ko kasi alam ko hindi maganda ang mga post ko,pagtingin ko sa blog niya isa lang nasabi ng utak ko isa rin ang blogger na to sa madaming blogger na nagdudunong dunungan sa madamig bagay dito sa bansa natin.

paano ba maging malalim ang mga post? dapat bang halos hindi na maintindihan ng nagbabasa dahil parang may sariling pananaw ka na hindi malangoy ng madaming mambabasa? dapat bang lagi mong sisihin ang gobyerno at ituring ang sarili mo bilang aktibista? hangaan ang sinasabing mahal ang mahihirap na mga lider ng ilang party list na mayayaman naman talaga?

dapat ba na hindi mo ipaalam ang tunay mong pagkatao dahil sa anong bagay at malalaim mong eksplenasyon? siguro kaya hindi mo gustong ilagay ang iyong katauhan sa kadahilanang wala kang bayag para sa blog mo na inaakala mong malalim.

ang blog ko na sinasabing mababaw ay hindi sa takot sa ano mang ideyang mababaw na nakalagay dito. alam ng lahat ng bumabasa kung taga saan at anong pangalan ko hindi ko kailanman itatago ang pagkatao ko may puna man ako sa ibang tao may banat man sa tao sa gobyerno may kabastusan mang sinabi dito may katangahan mang nagawa ako pa din ito si karlo hindi ko tinatago ang katauhan ko sa mga taong maaring magalit sa kababawan ko.

kaya ako binigyan ng pangalan para gamitin ito kung ano man ang maging impresyon ng ibang tao hindi na mababago ang ginamit kung pangalan ilang taon na ang nagdaan. ang mababaw na blog ay mas kayang languyin ng mas maraming mambabasa mas kayang bagtasin hanggang sa dulo at mapipigilan nito ang paghihikab.

Wednesday, June 11, 2008

luntiang bertud

bago simulan ay binabati ko ng napakaligayang kaarawan ang aking idolo na si sir francis "brew" reyes. . . gitarista ng the dawn dj ng NU107 may live journal siya basahin niyo http://www.livejournal.com/users/watdat/

madami sa atin gusto magkaron ng kapangyarihan pero hindi tipikal na kapangyarihan yung tipong makakalipad makakakain ng bala mawawala sa talahiban parang the flash tumakbo magiging invisible para makalusot sa cr ni marian rivera. . .

ang gusto ng madami ngayon ay kapangyarihang maguutos sa tao na sumayaw ng walang tugtug maglakad ng paluhod magubos ng luha sa kanilang harapan at tawagin silang kagalang-galang.

isa lang ang sulosyon diyan magkaron ka ng pera ngunit paano ka magkakapera? tumaya ka sa lotto?paano kung wala kang sampung piso?magtinda ka ng bato?wala kang puhunan iho.

nagtataka ako kung san kumukuha ng pera ang mayayaman kung naghihirap na ang ating bayan?san kaya sila nagsangla ng kaluluwa at humihiga sila sa pera? samantalang maraming hindi alam kung san kukuha ng kakainin.

alam mo hindi naghihirap ang pilipinas tayo lang mahihirap ang naghihirap kaya nga tinawag na mahihirap eh. naghihirap ang pilipinas sa interpretasyon ng mayayaman,maaaring nabawasan ng ilang milyon ang kanilang vault ngunit bilyones pa din ang laman nito.

2003 kahit hindi pa nadadagdagan ng sampung piso ang kilo ng bigas hindi pa pumipila sa kulay dilaw na nfa rice hindi pa nagsusuntukan dahil pinagtaluhan kung bakla ba si piolo ay tinatawag ng mahihirap ang mga kalugar ko ilan sa kanila umunlad nakapagpatayo ng sari-sari store si aling tekla, nagkaron ng pasugalan si mang gorio, nagtulak ng bato si bimbo, naging bodyguard ni mayor si arsenio, benenta ni lina ang katawan sa bumbay at nanalo sa cara y cruz si tasyo.

pero yung makapagpatayo ng mansion? baka si jimmy kaso 2008 pa lang eh sabagay 2 taon nalang eleksyon na ulit pwede na siyang utusan ni mayor na patayin si vice mayor balita kasi tatakbong mayor ito. ilan sa mga kalugar ko nakipagsabayan nalang sa alon ng putang inang sistema.

nasa sarili mo ang pag-asa eh putang ina ako nga na nagsisikap mag-aral at pinagsisikapang pag-aralin ng magulang ko nilalamon ng sistemang umaagos sa bansang ito paano pa kaya ang mga kalugar ko na matatanda na, no read no write, ilang dekada ng nabubuhay sa ganito paano sila?paano nating sasabihing nasa tao ang pag-unlad?paano sasabihin ng mga putang inang ganid sa kapangyarihan na tamad ang mahihirap?

hindi sila tamad takot sila. . takot silang banggain kayo baka madurog sila sa kapangyarihan niyo. .hindi sila tamad . .hindi lang sila makagalaw kasi nakakadena sila sa leeg hawak niyo.

Tuesday, June 10, 2008

made in pera

sabi ng titser ko nung 2nd year ako pag gagawa ka daw ng kwento dapat may kaugnayan sa titulo mo. mula noon nangarap ako na sana makagawa ako ng istoryang kakagatin ng masa naisip ko pa nga nun na gumamit ng kakaibang pangalan para lalong maging misteryoso para hindi ako makikilala.

pero ngayon gumagawa nga ako ng mga istorya pero dumadaan sa napakalaking labanan ng utak ko at katotohanan,utak na basta nalang nagdidikta ng dapat kong isulat ngunit pagkatapos kong itipa at aking nabasa papasok ang katotohanan na hindi dapat isaletra ang naisip ng aking utak.

madaming nagtatanong san daw ako kumukuha ng ideya siguro nagtataka sila kung bakit pumapasok sa utak ng isang kabataang tulad ko ang mga ganung pananaw at palagay.

siguro naging mapagmasid ako kaya may pumapasok na ideya para isulat ngunit habang iniisip ko ang aking nakita para isulat bigla nalang sasabog ang isang parte ng katotohanan na puro panget ang aking nakikita puro puna ang aking opinyon puro mali ng iba puro sila.

halos 100 sa naisulat ko puro lang sa harap ng computer walang drafts walang editor walang bawian kung ano yung naisip ko yun na yun kung ano yung agos sige lang, akala ko pumupuna lang ako akala ko iniisip ko lang ang mali ng iba akala ko lang pala yun. kasi ng balikan ko ang mga post ko halos lahat pala istorya ng buhay ko halos lahat pala sistema na bumubuhay sa akin sa tulad ko na kabataan at sa halos lahat ng nilalamon ng sistema.

simple lang naman ang gusto ko ang makapagsulat maibsan ang pagkabagot dito sa bahay at makapagbigay boses sa mga barkada kong naiwan sa tambakan ng mga gago at tarantado sa basurahan ng dumi sa lipunan at sa tahanan ng pinagkaitan ng kalayaang mabuhay ng maalwan, yun yung mundo ko. . . dati dun umikot ang buhay ko ng limang taon dun ako muntik mabaon dahil sa bigat ng mga buwayang pinapasan ng katulad kong mahihirap.

ngayon wala na ako sa iskwater area wala na ako sa sinasabing lugar na walang patutunguhan pero naiwan dun ang puso ko naiwan dun ang mga pangarap ko naiwan ang mga kaibigang hindi ko alam kung binuhay pa sila ng mga buwaya o tuluyan ng kinain.

3rdyr college na ako malapit na akong makatapos ou makakatapos ako sa pag-aaral ngunit hindi dun matatapos ang carnaval ng aking buhay patuloy akong kakainin ng sistemang bumabalot sa ating bayan at patuloy makakakita ng mga bagay at tao na pinapatakbo ng pera.

Saturday, June 7, 2008

pbb teen edition

simpleng salita ang aking narinig. . .

hahangaan,huwaran isang kabataan na may pangarap sa buhay. . .

lilipad na ako sabayan niyo ako ang sarap dito. . .

ibat-ibang tao iisa ang sinasabi "yes! c ejay ang nanalo"

di ko lang talaga maintindihan kung bakit ang tv na daan sana para kapulutan ng aral ay napupunta sa iilang ganid sa kayamanan at kapangyarihan.

simulan natin sa 4th placer>beauty ang pangalan nun binansagan ng iba na over acting napanuod ko siya ou tama o.a nga. pagpasok chubby paglabas babby. ano kaya ang gustong palabasin ng palabas na ito sa kabataan dapat bang hangaan ang nagtitiliing babae at minsan nagiiyak iyakan?ano ang matutunan ng isang kabataan sa pagbabago ng rebeldeng tanga. bakit tanga kasi nakakaalwan na sa buhay nagiinarte at binansagan pa ang sarili na pasaway at rebelde ows talaga?? mamundok ka nga malaman kung rebelde ka nga.

3rd big placer> magandang mukha tapos ayun na yun dapat bang hangaan ang isang kabataan na ang istorya sa buhay ay hindi nalalayo sa karamihan? mahiyain tapos nagbago daw nakalabas daw sa shell niya tapos may premyo na yeheeyyy. . . mayaman nag-aaral sa magandang paaralan yeheeyyyy kabataan hangaan.

2nd big placer> seryoso,mayaman,mabait,gwapo,playsafe at halos lahat tinuring na kalaban yeheeeyyyy matalino ginamit ang talino para makuha ang simpatya ng bobong masang pilipino kabataan hangaan.narinig ko dati to ng ninominate niya ang isa nyang kasama sa carnaval ang rason niya kung bakit ninominate ay ganito "kasi kuya sobrang miss na niya yung mommy niya kaya siya po ang ninominate ko" palakpakan.

at ang bida big winner>pinangangalandakang mahirap siya na kailangan niya ng pera may pangarap siya. pangarap na magkapera ng madalian? hangaan mga kabataan.

alam niyo mga kapatid hindi naman ako perpekto at wala talagang perpektong tao katulad nga ng sinabi ko opinyon ko ang nakasulat dito kung may comment kayo mas masaya paliwanag ko lang kung bakit yan ang opinyon ko.

ilang milyon ba kasama ang premyo ang nagastos sa palabas na kanina natapos? ilang milyon ba ang dapat gastusin sa mga ganyang palabas? nakakatulong ba talaga ang ganyang palabas sa ibang wala sa loob ng bahay na yan?bakit hindi gastusin ang milyon na yan sa madaming mahihirap at hindi sa iisang tao lamang?

bakit kailangan pumili ng may mga itsura para pumasok sa loob ng bahay na yan? bakit kailangan na magpatxt ng 2:50 kada isang boto hindi ba pwedeng magbigay sila ng numero na piso lang ang bawas? kasi kumikita?

natira ako sa iskwater madaming mahihirap na kabataan madaming ang hiling lang ay makakain kahit isang beses sa isang araw madaming gustong mag-aral iisa lang ang lumalamon sa kanila walang iba kundi ang sistema.

sana ang gagastusin sa palabas na to ay gamitin na lamang sa mas makabuluhang pangangailangan at hindi sa iilang tao lamang ang makikinabang,gamitin sa tamang kalagyan at hindi sa bulsa lang ng ilang makapangyarihan,hindi sapat ang pangarap para umangat ka kailangan mo sabayan ng galaw at dahilan ang bawat galaw mo. hukayin mo ang tinatapakan mo ngayon dun mo makikita ang totoong buhay na walang halong drama dun mo makikita ang ni minsan di mo ginustong makita at dun mo mapapatunayan na may nagawa ka.

ang naging big winner ay sinasabing nagbibigay pag-asa sa mga mahihirap na nawawalan na ng pag-asa bakit nakakainspired ba ang makitang natutulog ang nagbibigay ng pag-asa sa malambot na kama kumakain ng sapat at masaya nakakapagbigay ba ng lakas na sa araw araw nakikita ng madaming mahihirap na kabataan na wala silang ginawa kundi sumunod sa mga utos ng boses na parang tulad sa labas na ginagalawan ng madaming kabataang mahihirap may boses na naguutos sa mahihirap na manahimik may sumasakal na boses na bawal magsalita may boses na sumisigaw at ikabibingi na lamang nila at alam niyo ba kung san nang-gagaling ang boses na toh?galing ito sa mga mayayamang mga ganid sa kapangyarihan at sa makamundong kagamitan,galing ito sa mayayamang iniimplwensyahan ang sandaigdigan upang patuloy na tapakan ang dati ng nakabaon.


Thursday, June 5, 2008

paalam liwanag ng araw

ang kwento na ito ay inaalay ko sa kapitbahay naming si hector sa kaibigan kong si jayron at sa lahat ng nakasama ko sa gruar phase1 cainta,rizal mabuhay ang mga callboy mabuhay ang mga working students at mabuhay ang itatago natin sa pangalang mr.yozo.
si mr yozo ay kaibigan ko sa lugar na madaming kumukutitap isa siya sa nagpalakas ng loob ko at siya ang dahilan kung bakit ako kumukuha ng kursong bachelor of science in business administration ngayon.

sa pagpanaw mo sa ating mundo kapatid naway maluwalhati ka ngayon sa pagbagtas sa kabilang buhay ang kwento ng kapiranggot sa iyong karanasan ay ibinahagi ko sa pamamagitan ng blog para sayo ang bawat letra ang bawat kataga at paghanga kung meron man.

tol maraming salamat talaga sa lahat ng ibinigay ibinato inihagis na tulong sa akin kahit anlaki ng tanda ng edad mo sa akin ay bumaba ka sa level ko at napilitan sumayaw sa ritmong pauso ko, salamat tol sa mga payo kung hindi siguro sayo hindi ako nag-aaral ngayon. kahit sana sa ganito lang ay mapasalamatan kita sa lahat ng nagawa mo sa buhay ko bukod sa mga yosing inutang ko sayo.


ang kwento ng isang mayamang negosyante. . .

10 taon pa lamang ako iho ng mamatay ang mga magulang ko. komo ngat bata hindi ko alam ang gagawin ko, nakitira ako sa mga tiyahin ko sa kabilang bayan,nung una ay napakabait nila sa akin ngunit habang tumatagal hindi na maganda ang kanilang trato sa akin.

12 anyos ako ng magpasya na akong umalis sa mapang abuso kong kamag-anak at nakitira ako sa kaibigan kong pastor ang ama. alam mo iho napakabait nila sa akin hanggang isang araw bigla nalang bumaliktad ang mundo natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak habang nagmamakaawa sa ama ng aking kaibigan habang ang mura kong katawan ay unti unti niyang hinihimas na parang gumagawa ng pandesal.

15 anyos ako sanay na sa buhay na garapalan unti unti ko ng nilunok ang buhay. . . ang pakahulugan ko nuon sa buhay ay isang malaking carnaval na pwede kang maging payaso o kaya naman minsan pwedeng maging higante na mananakot sa mga batang may baong kende.

nagpalipat lipat ako ng pinapasukang club nun ilang mabahong bading ang tumikim sa aking saging hanggang sa magmistulan akong pagkain na isang parte lang ang kanilang nais lapangin.

20 yrs old ng makulong ako. . . . .

karlo: bakit kayo nakulong? ano po ba ang kaso niyo??

negosyante: nakapatay ako iho napatay ko ang bading na hindi nakuntento sa pagsipsip sa lollipop at itoy kinagat nagdilim ang paningin ko nun at napilitan akong kagatin siya sa tenga.

pinagdusahan ko ang ginawa ko hanggang sa unti unti kong nakikita ang sarili ko iho hinding hindi ko malilimutan ng unang pasok ko sa kulungan umiiyak nakatiklop ang dalawang kamay at nakayuko.

hanggang sa umedad ako ng 28 sa edad ko na yun ay isa na akong mayores sa kulungan isa na akong kriminal nagkapatong patong ang kaso ko sa dami kung napatay sa bugbog na mga bagong pasok.

35 ako ng mabigyan ng parol napakasaya ko ng mga araw na yun sa wakas hindi na ako matutulog katabi ng mga mababahong preso hindi na ako mang-aagaw ng pagkain sa mga walang tatak na preso.

habang humahakbang ako palabas sa aking selda naluha ako hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko hindi ko kasi alam kung ano ba ang pwede kong maramdaman ano ba ang nais kung kalagyan ngayong nasa labas na ako.

ngunit mas mabangis ang buhay sa labas ng bakal na rehas hindi ako dito mayores.

balik uli ako sa trabaho ko bilang tagapagbigay aliw sa mga bading at matronang mapagsamantala.

hanggang isang gabi may booking ako ng matyempuhan ko ang isang matronang akala ko ay diseotso anyos pa lang napakaganda ng kanyang mga mata at ang kulay niya na natatakpan ng dilim ng gabi.

nagkakilala kami nagkapalagayan ng loob at naging magkasuyo. bumibilis ang oras, dumaraan ang mga araw at ang taon ay nagtatakbuhan tumatanda ako sa ganitong sistema at kalakalan.

napili ko na magbago hindi para sa sarili ko kundi para sa asawat magiging anak ko. ou iho buntis ang asawa ko at magkakaanak kami ng mga panahong yun na matagal kung pinangarap makamtam.

pumarehas ako hindi na ako nagpapasupsup ng aking lollipop bagkus ako ay nagtitinda nalang ng yosi at kende sa lansangan ng may mapulot akong isang bag na puno ng papel.

hinanap ko ang pangalang nasa papel at natagpuan ko ito isa siyang mayamang matanda tinanong niya ako kung bakit ko pa daw binalik sa kanya ang mga papel na yun tinapon na daw niya kasi yun kasi kalat lang sa atache case niya hindi naman daw importante yun.

sa madaling sabi umasa ako na mabibigyan ng pabuya ngunit hindi ito natupad.

ngunit isang araw nakita ako ng matandang pinagbalikan ko ng mga papel na kalat.

maganda yang trabaho mo pumaparehas ka kahit mahirap ka nagtyatyaga ka sa buhay tinanong niya ang aking pangalan at nagpaalam na siya.

bigla nalang ako nagising nakahiga sa malambot na kama at naninigas dahil sa lakas ng aircon may nabasa ako sa ref na sulat >"iniwan ko sayo ang yaman ko para sa iyong kapakanan at ng pamilya mo gamitin mo ito sa mabuti teyk care olweiz lovelots. muah."

"This is my entry to the Blog Challenge 04: Because YOU deserve a post"




university of rizal system

manong bayad sa u r s lang po yan. . . .

pag may nagsasabing bulok ang paaralan ko hindi ko mapigilang mapatingin sa namimintas dito hindi ko maitago ang pagkayamot hindi maiwasan may kumukurot sa isipan at naitatanong nalang bakit san kaba nag-aaral?

sa pagtatanong ko maaring dun na papasok ang sinasabing magandang eskwelahan. ako? sa U.S.T AKO! may pagmamalaking sagot niya. . .ah okay.

minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit nauso ang pagalingan kung bakit may pagandahan at isang diskriinasyon na wawasak sa pinaghirapan. madalas akong magtanong sa sarili ko ano naman kung sa URS ako? ano naman kung isang sakay lang ano naman kung hindi ako sumasakay sa metrostar sa santolan ano naman kung hindi kasali sa UAAP or NCAA man lang ang aking eskwelahan.

mahal ang magpaaral at kung sasayangin mo lang ito sa pagyayabang wag mo ng subukan o kayay tikman. wag kang maghanap ng eskwelahan na pupukaw lang sa atensyon ng iilan sa mga mapagpanggap ng nilalang na akala mo pag sa maynila ang kanilang paaralan sila na ay nakalalamang. tandaan mo ang pagaaral ay walang pinipiling pagdausan maaring sa pagbabasa mo ngayon ikay nakakapag-aral hindi dahil sa turo ng bigating propesor o sa aircon mong klasrum maaaring malalaman mo sa kabilang banda na tao ka tao ako at kelan man hindi mo mapapatunayan na panget ang eskwelahan hanggat ikay may natutunang mabuti dito.

hindi mo pwedeng tawaging eskwelahan ang isang institusyon na pera lang ang puhunan. hindi mo pwedeng ipangalandakan ang team niyo sa uaap kung ang iskul niyo ay isang koponan lamang alalahanin mo ang p.e ay isang subject lamang.

ang pag-aaral ay hindi nakikita sa eskwelahan bagkus sa natutunan ang paaralan ay hindi nakikita sa magagarang pasilidad bagkus sa mga umuukupa dito. at hindi lahat ng mahal may kwenta may mga mahal na sa presyo lang at wala sa utak o damdamin man.

p.s si mahal asan na siya ngayon pagkatapos niyang maligo gamit ang blue na tabo. asan na ang green na tabo na laging kaagaw ni blue asan sila ngayon susunod na post malalaman niyo kung asan sila.




Friday, May 30, 2008

boredom

This summary is not available. Please click here to view the post.

Thursday, May 29, 2008

matsala repapipz

salamat kay arrested magikero. . . .

napansin niyo ang paunang salita salamat hindi lang kay arrested magikero kundi sayo sayong walang sawang sumusuporta sa akin kahit hindi ka nagkokoment nababasa mo naman salamat.

sino nga ba si arrested magikero? nakita ko lang yung comment niya natuwa ako nagpasalamat sa kanya nadagdagan na naman ang nakakaapreciate sa idea ko salamat ulit.

dumadaan ang mga araw na parang ayaw ko nang ituloy ang buhay ko ayaw ko ng harapin ang mga darating pang yugto pero hindi ko inaasahang sa pinakamadilim na punto ng aking buhay ipapaalala niya na andiyan siya andiyan si lord,god,jesus,ama,panginoon,bathala,allah,buddha at kung ano pang ibang tawag sa enerhiya na may gawa ng lahat ng ito.

hindi ako pinabayaan hindi niya ko iniwan at kelan man hindi siya nawala andiyan lang siya kapatid nakatingin nakaalalay nakapasan ng mga bigat na halos isang guhit lang ang ating pinapasan para lang malaman na ganyan talaga ang buhay.

halos paulit ulit lang ang aking kwento pero iba iba ng pagkakataon pareparehas kasi puro survival ang nangyayari at alam mo ba kung bakit ako nakakasurvive dahil sa kanya ikaw tol naitanong mo naba kung bakit ka may mata? kung ang sagot mo ay tao ka bakit ka tao? sino ang may likha sayo? ang nanay at tatay mo? sino ang may likha sa kanila? san ka nagmula?

kahit gaano ka katalino honorable ka man topnotcher sa upcat sa bar exam sa lahat ng tagumpay mo kapatid isa lang ang tanong ko bakit ka nagtagumpay? dahil ba sa sarili mo? pag yan ang sagot mo babalik sa tanong na kung sino ka.

sino ako kung hindi ako si karlo? ano ako kung hindi ako tao? mahirap ipaliwanag walang kasagutan kahit maghanap ka pa sa lahat ng maaalam hindi nila maitatatwang may isang pwersa na siyang dahilan ng lahat ng ito.

wala akong kinasasapiang ano mang organisasyon wala akong ano mang ipinangangalandakang explenasyon ang alam ko lang nabubuhay ako dahil sa kanya dahil sa pwersang nagbibigay lakas sa mundo nagliliwanag sa vsangkatauhan at kahit madaming gumagamit sa pwersang ito at nilalagyan ng ngalan para sa kanilang kapakanan hindi nila alam kung saan ang hantungan.

hindi man kita nakikita o nakakawayan nasa pusot isipan kita kailanman.


Wednesday, May 28, 2008

daloy

masarap magsulat ngayon tuloy tuloy ang daloy ng ideya at kaisipang bumabalot sa aking pagkatao at isipan.

isinantabi ko muna ang mga bagay na makakapag-pagababag sa akin hindi muna iisipin ang malungkot na side pero saang parte kaya ako lilingon para mawala ang mga suliranin pait hapdi sakit ng kkahapon.

madaming hindi makaintindi sa mga kabataan ngayon madaming hindi alam ang dahilan kung bakit kami ganun maaaring hindi nila maintindihan ang panahon maaring hindi nila gamay ang aming henerasyon.

ang kabataang dati ay inaasahang pag-asa ng bayang pilipinas mahusay sa panitikan at agham nag-aaral ng mabuti hindi bumabagsak sa klase bakit ngayon iba na ang kanilang sinasabi?

may isa akong kakilala daig pa ang reyna sa kanilang bahay kahit anong maibigan kanyang nakukuhat nakakamtan ngunit bakit ang lahat ng kanyang nasa harapan ay kanyang tinalikuran at nakipagsapalaran? hinanap ang sinasabing tunay na kaligayahan isang adik sa droga ang nasumpungan lumobo ang tiyan at ngayon ay walang matirhan.

mga kabataang ginagawang sangkalan ang henerasyon at panahon ngunit walang alam sa nakaraan at nagdaang kahapon, sabi nga ng nanay ko alamin ang sanhi at bunga ng lahat ng gagawin mo bakit nakinig ba ako? maaring ang pangral ng ating mga magulang ay isa sa pinakanababagot sa ating mga kabatan ngunit mali ba ito?

madalas tayong nakatingin sa pagkakamali ng ating pamilya ngunit bakit hindi natin nakikita o naiisip man lang bakit may mali sa ating pamilya. drugs sex rock and roll astig ang lifestyle may pinaglalaban ngunit ano ang ipinaglalaban?

bakit tinawag na rebelde? bakit tinawag na suwail na anak bakit buntis bakit adik bakit nakakulong? yan ba ang sinasabing rebelde yan ba ang sinasabing astig yan ba ang astig sa ngayon ang babuyin ang sarilit pababaain ang moral yan ba ang astig???

astig ako rakista ako hindi ako emo mga iyakin yun metal ako astig anti-christ wow yan ang nabasa ko sa isang forum dito sa internet hindi ko maintindihan kung bakit kailangan anti-christ ka pag astig ka kung bakit nakikipagsex ka sa may mga tulo kung rakista ka kung bakit naninigarilyo ka sa harap ng madaming ta0o kung bakit nag mamarijuana ka para sumaya akala ko astig ka bakit kailangan mo ng pang pa-high dahil ba takot ka?

takot harapin ang katotohanan duwag balikan ang nakaraan bakla sa hinaharap at walang bayag sa kasalukuyan yan ang astig sa ngayon yan ang astig sa ating henerasyon ang mga mababaw ang utak at mga ganid sa makamundong kaligayahan at dati niyo akong kasapi.

seldom happens

hindi ako makapaniwala habang binabasa ko ang mga akda ko, nagawa ko pala toh naisulat naramdaman nakakatawa yung iba yung iba naman nakakalungkot.

way back 2003 sukdulan ng buhay ko halo-halong experience ang naranasan nasubukan tinikman at sa hindi inaasahan yun ata ang naging sentro ng aking buhay. kumbaga sa lugar na pupuntahan yun yong boundary kung sa timbangan naman yun yung gitna at sa orasan yun yung 3 at 9.

naiisip ko andami kong nagawa nun, ilang taon pa lang ako nun bata mapusok rebelde walang pakialam sa ibang tao madaming nasaktan isa na dun ang kaibigan kong babae masyado atang naging marahas ako ng mga gabing yun hindi ko sinasadya pero bakit ko nagawa.

ang isang paalam ay hindi lang sa paglisan ng kanyang katawan ang paglisan ay kapag nawala ka sa kanyang puso at mag-iba ang turing sayo maaring iyon ang paglisan ng isang kaibigan.

hindi ko sinasadya masira ang pagkakaibigan na iningatan hindi ko sinasadya ang pagdaloy ng luha siguro isang pagsubok lang sa pagkatao ko yun at hindi ko itinatatwang bigo ako sa pagsubok na yun.

siguro madaming kulang pa sa buhay ko madaming hindi ko pa nagagawa at sa pagtuklas kung ano ang halaga ko alamin ang dahilan kung bakit may isang karlo dito sa mundo malayo pa ang daan mahaba pa ang gabi bukas ng umaga makikita ko na ang daan sa pupuntahan ko sana makita ko siya kahit anino.

Monday, May 12, 2008

money versus principle

graduation namin ng kinder nun tinanong kami ng titser namin "klass ano gusto niyo paglaki?" nangibabaw ang boses ko "ako po titser gusto ko paglagi ko maging pulis"!!!

ngayon nasa sapat na gulang na ako madami ng nasaksihan madami na naranasan pero yung pangarap ko nung bata ako parang ayaw ko ng tuparin kumukuha ako ngayon ng kursong buss.ad medyo malayo sa pangarap ko na maging pulis.

dumaan ang mga araw hanggang ngayon araw na toh tuesday na kanina kasi monday 12:18am na may mga pangyayari lang na lalong nagpalabo sa pangarap ko.

akala ko dati paninira lang yung sinasabing ang pulis daw nangongotong bayaran at hindi makatao ngunit habang lumalaki ako sa bansa natin napatunayan ko ang dalawang bagay.

unang-una pag nagpulis ako kailangan ko kalimutan ang prinsipyo at responsibilidad ko bilang tagapag-ganap ng batas bagkus kailangan ako mabuhay sa kasinungalingan at lumangoy sa agos ng sistema.

pangalawa kailangan ko gamitin ang inatas sakin na tungkulin bilang isang kapangyarihan upang makapanakot at makasira ng buhay na dati ng sira at masisira pa lang.

nang malaman ko ang mga bagay na yan may isang tanong sa utak ko BAKIT MAY BATAS? ang tanong ng utak ko sasagutin din ng pananaw ko kaya may batas upang hindi maging magulo ang bayan hindi maging basta basta nalang ang pamumuhay pero bakit ang batas ay nanatiling batas lang? batas para sa mahihirap upang gipitin at gamitan nito ngunit sa mayayaman ay walang dapat sunding batas.

pag sinabi mong batas yan yung ipinatutupad na hindi dapat labagin ng kahit na sino. ngunit madaming lumabag madami ding naparusahan lahat mahihirap na mamamayan. pag may nilabag na batas may hinahanap na HUSTISYA pero yung hustisya na hinahanap natatakpan pa din ng batas.

magkano ba gastos sa pagpupulis kung kukuwentahin mo ang pera na ginastos mo malaki mahal pwede ng makapagpatayo ng bahay pero kun kukuwentahin mo ang pagod at natutunan mo pwede ka ng magkaron ng pamilya at bahay.

simple lang pag pinili mo ang mabuhay ng maalwan na pamumuhay at tinalikuran ang lahat ng iyong natutunan ng ikay nag-aaral pa lang maaaring nagpulis ka hindi dahil gusto ng puso mo nagpulis ka kasi ito lang ang kaya mo. ito lang ang kaya niyong mga pulis ang gamitin ang responsibilidad bilang kapangyarihan ang batas bilang armas kasama ng pinahiram sa inyo ni juan dela cruz na baril.

Saturday, May 10, 2008

MY MOTHER'S LULLABY

isang balik tanaw sa munting sandali sa minsang pagkakamali sa putol na awitin ng aking buhay hindi maiwasan bumalik ang minsan ng dumaan hindi maikubli ang pagnanasang sana ay hindi ko pinagkaitan ang sarili ko ng hinahangad kong liwanag hindi ko sana pinagdamot ang mga natatago kung hinanakit upang pakawalan ito at hindi na bitbitin ng aking sarili.

naging tampulan ng kwento ibat ibang espekulasyon ibat ibang diskriminasyon buhay na hindi alam patungo hindi alam kung saan dadako hanggang isang araw ginising ako ng malakas na katok sa aking puso at barenang nginig sa ulo ko. . .

karlo. . karlo . . magbago ka hindi pa huli ang lahat. . .

hanggang sa nagising ako sa bangungot na hatid sa akin ng bisyo pero kahit alam ko na bisyo ang may hatid sa akin nun nanatili akong nakasakay sa kanya nanatiling nakayakap sa sarap na dulot niya. .

lumipas ang mga araw,linggo,buwan at taon walang pagbabago nanatiling nakasakay sa byaheng hindi tiyak ang daan hindi tiyak ang pupuntahan ngunit tiyak ang kahahantungan.

karlo matalino ka may talent may magagawa ka hindi ko alam kung saan niya nabasang libro na matalino ako hindi ko alam na may talent ako siya pa lang ang nagsabi sakin nun at lalong hindi ako naniwala na may magagawa ako.

pagkatapos kung pagkaitan ng liwanag at patuloy na nanatili sa dilim ito ako hinahanap ang liwanag pero bakit ko hinahanap ang liwanag madilim pa rin ba ang buhay ko? maaring kaya ko hinahanap ang liwanag dahil sa may nangangailangan nito bukod sa akin madaming tulad ko na gusto ng kumawala sa dilim ngunit ang sabi nga ng kapatid ko hindi mo maapreciate ang liwanag kung walang dilim.

maaring napreaciate ko na ang liwanag kasi dumaan na ako sa puntong madilim at paminsan-minsang sumusulyap dito,hindi maitatatwang pag nadaanan mo dapat mong balikan ito. balikan ito di dahil kailangan ng katawan mo balikan ito di dahil kailanagn mo ulit tikman ito balikan ito di dahil sa natutuyo mong lalamunan bagkus balikan ito dahil sa natamo mong aral.

minsan sa buhay nadadapa at nagkakamali tayo ngunit sa bawat pagkakamali natin gaano man ito kadami ganun din kadami ang pagbangon natin.

pagbangon tungo sa liwanag pagbangon tungo sa inaaasam na kaligayahan pagbangon para sa AKING INA NA WALANG SAWANG SUMUPORTA SA BIGAT O GAAN SA DALOY O AGOS AT SA BAWAT SUPORTANG IBINIGAY NIYA SAKIN NAKAGAWA SIYA NG PANGHABANG BUHAY NA LIWANAG NA HINDI LANG PARA SA AKIN PARA DIN SA MGA KABARKADA KONG NANIWALA SAKIN SA MGA KAIBIGAN KONG PATULOY NA HUMIHINGI NG ADVICE AT SAYO. .

SALAMAT SAYO AKING INA WALA KANG KATULAD. . .
SALAMAT SAYO AKING INA IKAW ANG AKING ILAW
SALAMAT SAYO AKING INA SA PAGIGING INA> >

Saturday, May 3, 2008

the speak of youth in a place of destruction for the heroes of tomorrow

mag-isip lumaban at patuloy na pakinggan ang sigaw ng pusot isipan. . .

minana ng kasalukuyan ang lumang tradisyon na magkakalabang pulitika dito sa ating bansa sila ang nag-aaway away tayo ang lubhang naapektuhan wag silang pakinggan bagkus dinggin natin ang mga tulad nating tao sa lipunan hindi sila ang dapat nating sundin pagkat silay mga buwayang nakasuot pang-tao






Thursday, May 1, 2008

where did you go now?

nung isang gabi napanuod ko sa imbestigador ang di inaasahang palabas di ko inaasahang malapit sa buhay ko ang mapapanuod ko.

muntik na akong magulat ay nagulat na pala ako sa aking nakita sa screen kung ano yun hindi ko sasabihin.

alam ng mga klasmates ko yun kung sino at ano ang naganap ng gabi ng sabado halos lahat ata ng nakapanuod nagulat.

ang masasabi ko lang wag natin punain ang buong pagkatao ng isang nasasakdal bagkus alamin natin kung bakit ano ang dahilan kung tinatamad kayong alamin wag niyo siyang husgahan ganun lang yun.

ang kahit anong sobra talagang masama kahit alam natin na nagmahal lang tayo pag nagmahal ka kasi ng sobra magiging selfish ka pag naging selfish ka makakagawa ka ng bagay na hindi maganda pag nakagawa ka ng di maganda mahuhuli ka pag nahuli ka instant celebrity ka pag naging celebrity ka sikat ka pag sikat kana wala ka ng mukhang ihaharap sa mga taong mababaw ang pananaw at makitid ang pagunawa sa kapwa nila tao na marupok nasusugatan nagkakamali tumatawa humahalakhak ulol kumakain ng mahal na nfa rice kumakain ng kamoteng kahoy na inaamag sa pader kung saan binaon ang militar na pinatay sa mindanao.


ang ending walang katapusan na paghihirap kumakaway na dalamhati naguunahang mga luha at gutom na tiyan kung sakaling mabubuhay ka.

kaya wag ka kumain masyado ng kamote kahit mahirap pumila sa nfa rica na bulok wag mo sosobrahan ang pagbili mo baka bukas biglang nagmura ang bigas kaso nakabili ka na ng nfa rice sa tiyuhin mo na nagtratrabaho sa nfa rice na kahit may pera ka pambili ng commercial rice pinili mo bumili kasi mandurugas ka kasi tiyuhin mo na nagtratrabaho sa nfa. mga ulol kayo

tumubo sana ang isang kaban na bigas sa tiyan niyo!

Monday, April 7, 2008

sankyu shiranai

SANKYU SHIRANAI
(Thank you unknown)

Paano ba pasasalamatan ang mga taong nagpataba ng puso nagpalakas ng loob at walang sawang sumuporta sayo sa gitna ng paghahangad mo na mabigyan ng espasyo sa larangan ng pagsusulat.

Hindi ka ganun kagaling sa napili mong larangan ngunit andiyan sila nanatiling nakasuporta sa lahat ng ipopost ko dito sa site kong toh andiyan sila tahimik na bumibisita iilan lang sila lahat pa hindi ko kilala . .

Masaya sa pakiramdam na makabasa ka ng e-mail galing sa hindi mo kilala na sasabihin ang galing san ka kumukuha ng ganung idea nakakataba ng puso nakakakilig nakakatuwa nakakalibang at higit sa lahat nakakapagpalaki ng masel. . .


May mag popost ng comment sa shoutbox mismo na sasabihing magaling,maganda,nakakatawa yung iba naman nakikipag link exchange lang minsan gagamitin na ding daan yung nilalangaw mong site para madalaw din yung site nila ang galling diba?

Ilan na din sa mga nag comment sa friendster na nag comment din ako pabalik at hindi ko maiwasang isama dun ang www.karloferrer.co.nr sa dulo at sa baba pilipinas bumangon ka. . .

Sankyu shiranai wala akong sawang magpapasalamat sa mga nag-email nagcomment negative man o positive nagyabang man sakin o pumuri salamat sa mga hindi ko kakilala sa pangalan sa mukha at sa laki ng noo basta alam ko magkikita din tayo sa dulo ng mundo doon magtatagpo ang ating mga kaluluwa at ang dakilang lumikha. . .

honorable

Bugtong bugtong hindi bagay hindi hayop humahaba ang leeg GIRAFFE ! hindi nga hayop eh masahol pa sa hayop ummmmmmmm isip ng malalim TAOOOOO!!!!!! TAMANG INA MO!

TOP TEN LIST puro kilalang mukha kilalang estudyante sila yung mga nerd sila yung mga loner sila yung mga may talent talaga na parang binili sa museum yung utak ni Einstein . . . . noon yun

Ngayon TOP TEN LIST magaling mag breakdance magaling magmasahe sa titser magaling mangopya magaling gumamit ng straw magaling mag-kodigo nanalo sa miss and mr. senior. . . sarap. . . .

Sa eskwelahan hinuhubog tinuturuan ginagabayan ang mga kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan. . noon yun pero ngayon sa eskwelahan tinuturuan maging sinungaling sa sarili corrupt sa kapwa at sa eskwelahan nagaganap ang diskriminasyon na dati ay wala naman. .

Narinig ko nagkwekwentuhan ang dalawang nilalang na nasa honor list sa pampublikong paaralan ng hi-school na malapit sa amin. .
Bakit kaya si pepita ang naging balediktoryan dapat si pepe eh kasi mas mabango si pepita kaya siya ang balediktoryan anong ibig mong sabihin? Si pepita babae ni sir? correct!

Ikalawang tagpo

Bakit kaya pang walo lang ako sa honor list nung kinumpyut ko naman yung grades ko dapat 1st honorable mention? kasi di ka marunong maghulog sa class fund tanga!

Ikaatlong tagpo

Bakit kaya si Milagros salutatoryan samantalang parating absent yan at walang alam sa klase? anong laging absent tanga kaba nagbibigay kaya siya ng excuse letter pinapadeliver pa nga sa delivery boy ng Greenwich eh

Ikaapat na tagpo

Bakit kaya ako balediktoryan siguro magaling si mommy at daddy kasi lagi sila nasa iskul ko kausap principal namin nag hahay five pa nga sila eh kaso bakit kaliwa yung pinang aapir ng principal namin diba dapat kanan ay meron nga palang 500 sa kanang kamay. . .

Wednesday, January 9, 2008

angel in disguise

Angel in Disguise
My ever loving friend
Mitchell Santiago

A sympathetic one who has the patience to listen to my woes or gladness for a few minutes and to cry, or laugh with me without asking why…


Fly fly fly. . .. .
Ui ang ganda nung kapatid ni joy. . . . may kapatid pa ba si joy? Ou
San nga ba nagsimula ang lahat? San nag-umpisa ang samahan saan nabuo ang pagkakaibigan. . .
Di ko na matandaan ang alam ko lang ayako na pakawalan ang isang kaibigang tulad niya,. . .

Isang tanghaling nagpupuyos sa galit ang haring araw nagpunta ang aking mga kaibigan
Tol punta tayo sa pulp. . . ala ako pera tol eh. . .dito muna kayo tambay . . .

Bigla ako nakadama ng kakaibang pwersa may kasama pala silang iba. . . .

Maputi naka black may smoke glass hahahaha napakagandang nilalang tahimik sa tabi . . .
Nagtataka nga ako kung talaga bang sasama ang nilalang na ito sa pulp. . .
Mukang hindi bagay makipagsiksikan sa sobrang daming kabataang nagnanais makapasok. .
Hindi bagay makipag-slaman sa gitna ng crowd habang nakapikit. . .
Hindi bagay sumigaw ng isa pa pag nagtanong ang banda ng “isa pa ba?!
hindi bagay pawisan baka kasi pag pinawisan magkaron ng pabango ang mga rockers dun. .
hindi siya yung tipong “kuya pasabay po sa amoranto lang”
hindi siya pwedeng makihalo sa mga slameros baka magmukha siyang prinsesa na napapalibutan ng mga kawal. . .

9 months later. . . .

Isang memorableng araw sakin January 12 nun nakita ko na naman siya nakita ko na naman ang isang nilalang na ubod ng ganda
Isang nilalang na pumukaw sa aking atensyon nung APRIL nilalang na bumuhay sa dugo ko sa mga ngiti niyang mala-anghel
sa tawa niyang tila ang pilipinas ay walang problema walang kurapsyon walang gyera walang patayan walang bulok na gulay. . .
sa katawan niyang tila ang pilipinas ay hindi 3rd world country walang gutom sa pilipinas ang lahat ng tao ay mayaman lahat ay kumakain ng sampung beses sa isang araw.
Sa kutis niyang akala ko kapatid niya si lucy torres na para bang nagpapaalala na air-con ang bahay nila at paglabas niya umuulan ng snow ang dinadaan niya hindi ata uso sa kanya ang sikat ng araw. . .

Tao po andiyan po ba si mitch??? MitChchchchch. . . . . may naghahanap sayo. . . .
Kumakalampag parang lumilindol ay hindi pala parang may after shock pagkasilip ko may tumatakbo sa hagdanan ayun yun yun. . .
Bakit??? (sa saliw ng tinig na parang tamad na tamad) ah kasi miz na kita(may hawak sa kamay na yellow paper)
Bakit nga??? (naka ngiti ngunit parang tanga lang haha) bukod sa namiz kita diba matalino ka? (nakangiti,nakakaamoy ng tagumpay)
Tara pasok ka ay wait pasok ko lang aso hihilahin ang tila taong aso nila kulay itim ito na parang laging gigil sa akin napagkakamalan ata akong buto. . .

Isa pang tagpo. . . .

Tao po andiyan po ba si mitch??? MitChchchchch. . . . . may naghahanap sayo. . . .
Kumakalampag parang lumilindol ay hindi pala parang may after shock pagkasilip ko may tumatakbo sa hagdanan ayun yun yun. . .
Bakit??? (sa saliw ng tinig na parang tamad na tamad) ah kasi miz na kita (nakahawak sa tiyan parang gutom)
Bakit nga??? (naka ngiti ngunit parang tanga lang haha) bukod sa namiz kita diba mabait ka? (nakangiti,nakakaamoy ng pagkain)
Tara pasok ka ay wait pasok ko lang aso hihilahin ang tila taong aso nila kulay itim ito na parang laging gigil sa akin napagkakamalan ata akong buto. . .

Isa pa gusto mo pa eh. .


Tao po andiyan po ba si mitch??? MitChchchchch. . . . . may naghahanap sayo. . . .
Kumakalampag parang lumilndol ay hindi pala parang may after shock pagkasilip ko may tumatakbo sa hagdanan ayun yun yun. . .
Bakit??? (sa saliw ng tinig na parang tamad na tamad) ah kasi miz na kita (kumakamot sa ulo mukang walang pamasahe)
Bakit nga??? (naka ngiti ngunit parang tanga lang haha) bukod sa namiz kita diba malaki baon mo? (nakangiti,mukang hindi na maglalakad pag-uwi)
Tara pasok ka ay wait pasok ko lang aso hihilahin ang tila taong aso nila kulay itim ito na parang laging gigil sa akin napagkakamalan ata akong buto. . .

Tama na nakakahiya na kay mitch. . . . . .

Mitch ikaw ang pumatid sa aking uhaw ikaw ang pumawi sa aking gutom ikaw ang naging dahilan para makapasa ako sa English ikaw ang ms. universe ng buhay ko ikaw ang prinsesa ng puso ko salamat sa tulong mo. . .

Kaibigan koh. . . hindi ko hangad ang anumang yaman sa mundo hindi ko hangad ang kapangyarihang bumubulag sa bawat Pilipino hindi ko hangad ang maging isang pulitiko na walang ginawa kundi ang paglustay sa kaban ng bayan hindi ko hangad na maging isang kilalang tao na walang pagpapahalaga sa buhay hindi ko hangad na makaimbento ng pampaputi na pantapat sa gluthathione at hindi ko hangad na maging isang piloto kasi may fear ako sa heights (wow sosyal) ang hangad ko lang naman ay maging kaibigan kita habang akoy nabubuhay at hanggang sa kabilang buhay . . . .