sabi ng titser ko nung 2nd year ako pag gagawa ka daw ng kwento dapat may kaugnayan sa titulo mo. mula noon nangarap ako na sana makagawa ako ng istoryang kakagatin ng masa naisip ko pa nga nun na gumamit ng kakaibang pangalan para lalong maging misteryoso para hindi ako makikilala.
pero ngayon gumagawa nga ako ng mga istorya pero dumadaan sa napakalaking labanan ng utak ko at katotohanan,utak na basta nalang nagdidikta ng dapat kong isulat ngunit pagkatapos kong itipa at aking nabasa papasok ang katotohanan na hindi dapat isaletra ang naisip ng aking utak.
madaming nagtatanong san daw ako kumukuha ng ideya siguro nagtataka sila kung bakit pumapasok sa utak ng isang kabataang tulad ko ang mga ganung pananaw at palagay.
siguro naging mapagmasid ako kaya may pumapasok na ideya para isulat ngunit habang iniisip ko ang aking nakita para isulat bigla nalang sasabog ang isang parte ng katotohanan na puro panget ang aking nakikita puro puna ang aking opinyon puro mali ng iba puro sila.
halos 100 sa naisulat ko puro lang sa harap ng computer walang drafts walang editor walang bawian kung ano yung naisip ko yun na yun kung ano yung agos sige lang, akala ko pumupuna lang ako akala ko iniisip ko lang ang mali ng iba akala ko lang pala yun. kasi ng balikan ko ang mga post ko halos lahat pala istorya ng buhay ko halos lahat pala sistema na bumubuhay sa akin sa tulad ko na kabataan at sa halos lahat ng nilalamon ng sistema.
simple lang naman ang gusto ko ang makapagsulat maibsan ang pagkabagot dito sa bahay at makapagbigay boses sa mga barkada kong naiwan sa tambakan ng mga gago at tarantado sa basurahan ng dumi sa lipunan at sa tahanan ng pinagkaitan ng kalayaang mabuhay ng maalwan, yun yung mundo ko. . . dati dun umikot ang buhay ko ng limang taon dun ako muntik mabaon dahil sa bigat ng mga buwayang pinapasan ng katulad kong mahihirap.
ngayon wala na ako sa iskwater area wala na ako sa sinasabing lugar na walang patutunguhan pero naiwan dun ang puso ko naiwan dun ang mga pangarap ko naiwan ang mga kaibigang hindi ko alam kung binuhay pa sila ng mga buwaya o tuluyan ng kinain.
3rdyr college na ako malapit na akong makatapos ou makakatapos ako sa pag-aaral ngunit hindi dun matatapos ang carnaval ng aking buhay patuloy akong kakainin ng sistemang bumabalot sa ating bayan at patuloy makakakita ng mga bagay at tao na pinapatakbo ng pera.
No comments:
Post a Comment