Wednesday, June 11, 2008

luntiang bertud

bago simulan ay binabati ko ng napakaligayang kaarawan ang aking idolo na si sir francis "brew" reyes. . . gitarista ng the dawn dj ng NU107 may live journal siya basahin niyo http://www.livejournal.com/users/watdat/

madami sa atin gusto magkaron ng kapangyarihan pero hindi tipikal na kapangyarihan yung tipong makakalipad makakakain ng bala mawawala sa talahiban parang the flash tumakbo magiging invisible para makalusot sa cr ni marian rivera. . .

ang gusto ng madami ngayon ay kapangyarihang maguutos sa tao na sumayaw ng walang tugtug maglakad ng paluhod magubos ng luha sa kanilang harapan at tawagin silang kagalang-galang.

isa lang ang sulosyon diyan magkaron ka ng pera ngunit paano ka magkakapera? tumaya ka sa lotto?paano kung wala kang sampung piso?magtinda ka ng bato?wala kang puhunan iho.

nagtataka ako kung san kumukuha ng pera ang mayayaman kung naghihirap na ang ating bayan?san kaya sila nagsangla ng kaluluwa at humihiga sila sa pera? samantalang maraming hindi alam kung san kukuha ng kakainin.

alam mo hindi naghihirap ang pilipinas tayo lang mahihirap ang naghihirap kaya nga tinawag na mahihirap eh. naghihirap ang pilipinas sa interpretasyon ng mayayaman,maaaring nabawasan ng ilang milyon ang kanilang vault ngunit bilyones pa din ang laman nito.

2003 kahit hindi pa nadadagdagan ng sampung piso ang kilo ng bigas hindi pa pumipila sa kulay dilaw na nfa rice hindi pa nagsusuntukan dahil pinagtaluhan kung bakla ba si piolo ay tinatawag ng mahihirap ang mga kalugar ko ilan sa kanila umunlad nakapagpatayo ng sari-sari store si aling tekla, nagkaron ng pasugalan si mang gorio, nagtulak ng bato si bimbo, naging bodyguard ni mayor si arsenio, benenta ni lina ang katawan sa bumbay at nanalo sa cara y cruz si tasyo.

pero yung makapagpatayo ng mansion? baka si jimmy kaso 2008 pa lang eh sabagay 2 taon nalang eleksyon na ulit pwede na siyang utusan ni mayor na patayin si vice mayor balita kasi tatakbong mayor ito. ilan sa mga kalugar ko nakipagsabayan nalang sa alon ng putang inang sistema.

nasa sarili mo ang pag-asa eh putang ina ako nga na nagsisikap mag-aral at pinagsisikapang pag-aralin ng magulang ko nilalamon ng sistemang umaagos sa bansang ito paano pa kaya ang mga kalugar ko na matatanda na, no read no write, ilang dekada ng nabubuhay sa ganito paano sila?paano nating sasabihing nasa tao ang pag-unlad?paano sasabihin ng mga putang inang ganid sa kapangyarihan na tamad ang mahihirap?

hindi sila tamad takot sila. . takot silang banggain kayo baka madurog sila sa kapangyarihan niyo. .hindi sila tamad . .hindi lang sila makagalaw kasi nakakadena sila sa leeg hawak niyo.

No comments: