Tuesday, June 24, 2008

ang bukana(maikling kwento)

Ang Bukana

jankarloferrer

Maaga akong namulat sa ibat-ibang likha ng kahirapan,bata pa lamang ako pasan ko na ang dapat di pasan ng isang musmos na tulad ko. pag-aararo ng lupang sakahan ang trabaho ng tatay ko at ang nanay ko naman ang bahala sa bahay. Lumaki ako na hawak ang pag-asang aahon sa putikan at mahuhugasan ang bawat marka ng kahirapan.

Ako ang panganay sa apat na magkakapatid ang sumunod sa akin ay dose anyos na, ang pangatlo naman ay walo at ang pinakabunso tatlong taong gulang. masaya ang aming pamilya kahit gipit sa pera ito nalang siguro ang makakapagtagpi sa mga dusa namin ang pagiging masaya.

Pagka-gradweyt ko ng hi-school nagdesisyon si tatay na mag-aral ako sa maynila nakautang siya ng pera sa may-ari ng lupang sakahan na pagtratrabahuhan niya ng limang taon,. “mahalaga ang pag-aaral anak wag mo kaming alalahanin ayos lang kami dito hindi namin pababayaan ang mga kapatid mo” ang wika ni tatay.

Habang binabagtas ng bus na sinasakyan ko ang patungong maynila walang patid ang luha ko sa pagpatak, walang pahinga ang utak ko sa maaaring mangyari sakin sa maynila walang paglagyan ang pag-aalala ko sa mga naiwan ko sa aming probinsya. . . .

Tangan ang isang pahina ng notebook na may nakasulat kung saang lugar ako titira, isang bag na puno ng damit na hindi ko alam kung damit na matatawag kung ipapares ko sa aking mga nakikita ngayon,bibliya na binigay sa amin ng may magpuntang amerikano sa iskul namin at isang maleta na puno ng pangarap at pag-asa na lagi kong dala mula pagkabata.

hindi ako nagkamali mahirap nga sa maynila ngunit andito ang sinasabi ng madami kong kabaryo na pag-asa, hindi ako nagpatangay sa lungkot hindi ako nagpadala sa aking pagkamahiyain bagkus ay sumabay ako sumakay ako sa anod kung saan gusto ko ng marating noon pa man ang tagumpay.

Habang tumatagal ako dito sa maynila natutunan ko sumayaw sa kanilang ritmo at kalaunan ay nakasanayan ko na din, madali akong nakilala ng mga propesor ko sa lahat ng subject. Iba dito sa maynila hindi tulad sa probinsya na naguunahan pa kaming magrecite dito kailangan pang balasahin ng propesor namin ang classcard para mapilitan kung sino man ang matatawag.

3rd yr na ako sa paaralang pinapasukan ko ibat-ibang award na ang natanggap ko sayang nga lang at hindi makita ng mga magulang ko ang abot tenga kong ngiti sa tuwing makakakuha ako ng award nagtyatyaga na lang ako magkwento sa yellow paper at bibilang ng buwan bago mabasa ng pinadalhan ko.

Pagtapos ng 3rd yr ng may dumating saking sulat mula sa aking kapatid isang balitang hindi ko mamutawi sa aking mga bibig hindi ko kayang titigan ang mga letrang nakasulat sa papel. . . . patay na ang tatay. . .pinatay siya ni don justing. . . .

habang pinagmamasdan ko sa salamin ang aking mukha na natatabunan ng mga luhang natuyo na rin dito may nakita ako may nakita akong isang pagkatao sa salamin nagkasungay namula ang mata nag-iba ang mukha gusto ko ng kumawala sa galit ko gusto ko ng pakawalan ang nararamdaman ko gusto kong magwala gusto kong umiyak hanggang wala ng mailuha hindi ko matanggap ang kanyang pagkawala. . .

Naghahanap ako ng kutsilyo wala akong makita gunting ang nahagip ng aking mata pwede na siguro to makapanakot sa labas at makapangholdap para makauwi ako ng probinsya at makapaghiganti sa pumatay sa aking ama. . .

May liwanag na nakakasilaw at sa likod nito may boses na bumubulong sa aking mga tenga “salamat sa pagtitiwala at ipinagkaloob mo sa akin ang iyong buhay” at bigla akong kinain ng liwanag at natunaw.

Isang kalembang ang narinig ko natauhan ako mula sa aking mahabang imahinasyon andito pala ako dahil ribbon cutting ng isa sa mga pag-aari kong building dito sa makati. kasama ang aking pamilya ang nanay ko na may katandaan na ang tatay ko na masayang masaya ang mga kapatid kong may mga pamilya na at ang asawat anak na iniingatan ko at ang sentro ng lahat ng ito ang liwanag na dapat pagkatiwalaan ng buhay na kanya ding pinahiram sa atin at magtuturo sa dapat kalagyan ng bawat isa dito sa mundo

No comments: