Tuesday, July 15, 2008

ang yungib bow

bago ang lahat salamat nga pala sa mga nakapagbasa at patuloy na nagbabasa ng gawa ko. sa mga taga siena na kaklase ng dhes ko sa mga dumadaan at nagkokomento sa mga naging kaibigan at patuloy na kaibigan sa mga klasmates ko nung elementary,high school at kolehiyo. sa mga taong tahimik na nagbabasa at pinupuri at nilalait kung minsan ako sa kaibigan kong staff ng the pillars tol di na kita papangalanan nakakahiya sa iba baka sabihin astig ka. sa mga bumoto sa akin sa blogawards dapat nilagyan niyo kahit pangalan lang niyo para nalaman ko kung sino yung mga anonimo sa blogawards salamat at syempre salamat sa diyos dahil ipinanganak akong nakangiti sa buhay at nakatawa sa pasakit nito. salamat sa lahat tatanawin kong malaking utang na loob ang pagbabasa niyo ng mga kwento at kalokohan ko. makakatanggap kayo ng good karma maliban sa sakit ng mata sa pagtitig sa monitor salamat.


pang apat na pasa ko sa the pillar ang school publication namin ewan ko ba kung bakit tula ang mas gusto kong ipasa dun. . siguro mas safe ang tula at pwede sa iskul. . tsaka madaling basahin ang tula kesa sa mga kwento ko dito. . sabi nga nga ng kapatid ko gandahan mo ang title mo para basahin ang gawa mo. mahina talaga ako sa pag-isip ng titulo hindi ko din hilig na pagandahin ang pamagat ng bawat gawa ko na hindi naman naggaling sa puso ko. ayaw kong intindihin ang mga taong naghahanap lang ng gusto nilang mabasa at hindi nagbabasa ng bago sa kanila hindi din mahalaga sakin ang puna ng mga taong tinatamad mag-isip at sasabihing panget ang gawa ko dahil sa hindi maintindihan. ayokong isipin ng magbabasa sa mga gawa ko na maganda ang gawa ko dahil sa titulo nito gusto kong magustuhan nila ang gawa ko hindi dahil sa ganda nito kundi sa napulot nilang kaisipan para pag-isipan kung mali o tama ito. sa huli ako pa din ang masusunod kong tatawa ako sa mga pintas sa gawa ko o pipikit habang nilalait ang pinaghirapan ko. isa lang ang hindi ko pwedeng gawin ang laitin ang mga basurang gawa nila sapagkat pag ginawa ko ito mapiplitan akong maging basurero para hakutin ang madami kong mga gawa para itapon ito.

mahirap pag magagaling ang kaharap mo mahirap pag inaakala nila sa sarili nila na magaling sila dahil nagkakaron sila ng lakas ng loob para pintasan ang gawa ng iba, mahirap maging magaling sa imahinasyon mo sapagkat pag-gising mo may mga taong nakaabang sa gagawin mo upang ibalik sayo ang mga ginawa mo. isa lang ang punto ko hindi mo kailangan maintindihan kung ayaw mo o di maganda para sayo respeto lang ang kailangan ng tulad mong tao. alalahanin mo tuldok ka lang sa milyong taong may paningin at damdamin para basahin ito.

sa kabilang banda walang kinalaman ang tula ko diyan pagpasensyahan niyo na ang tula ko naisipan kong gumawa ng tula para medyo maikli tsaka maiba naman hehe. .


“yungib”

Diyankarlo


Padabog ang kabog ng ang aking dibdib

Habang papasok sa madilim na yungib

Nag-uunahan sa pagpatak ang pawis

Takot at pangamba ko ay di maalis



Sa yungib puro hayop ang nasa loob

Mabangis sila gaya ng aking kutob

May buwaya na nakaupo sa tuktok

Sistema ng buhay nila ay tatsulok



May mga kabayong hingal sa katatakbo

Meron mga unggoy na puro mang-gagantso

May mga agilang kung lumipad ay mataas

at ang ibang ibon naman ay di makaalpas



Sa paglipad ng agila nakalimutan niya ang kapwa

Sa takaw ng buwaya pati sarili niya nilamon niya

Sa pagkapit ng mga talangka walang makawala

Sa tanikala ng kahayupan sa yungib ng sala



No comments: