Tuesday, May 29, 2007

sadness(alone and wonder)

SAD (Seasonal Affective Disorder)

Whether you thought it was called SAD syndrome, Seasonal Adjustment Disorder, Seasonal Affected Disorder or just plain SAD Disorder then you've come to the right place. The terms Winter Depression or Winter Blues are also sometimes used, especially when describing milder types of SAD.

What is SAD?

Animals react to the changing seasons with changes in mood, metabolism and behaviour and human beings are just the same. Most people find they eat and sleep slightly more in winter and dislike the dark mornings and short days. For some, however, symptoms are severe enough to disrupt their lives and to cause considerable distress. These people are suffering from SAD.

____>>>> malungkot ako pag umuulan- - tang ina nung tag-init andaming masaya kasi andiyan yung swimming,camping,beach volleyball at kung aniks aniks pa na walang habas na paggastos- - ako ayun nasa bahay lang at kung minsan nagaabang ng magyaya sakin ng inuman- -


____>>>>malamig na naman ang simoy ng hangin papasok na kasi ang tag-ulan - - pero ganun pa din naman walang pinagbago panahon lang ang nagbago- -


____>>>>medyo nagsisi ako pag dumarating ang tag-ulan kasi naiisip ko yung mga kagaguhan ko at katangahan noong tag-araw pa sa aking buhay ngayon kasabay ng ulan sa halik ng tubig sa lupa sa pagbaha sana sumama ang mga problemang dala ko noong tag-araw- - -

___>>>bumabalik yung nakaraan yung ang araw ay nakapanig sa silangan ng aking buhay- - ngayon dama ko na ang lambing ng panahon hindi ko na alintana ang kasakiman ng nagdaang mga araw gusto ko nang magbago ng daan wala naman kasing tamang daan at lalong walang dating daan- - ako nalang ang gagawa ng sarili kong daan- -

___>>>sa pagsabay ng ulan sa ating mga kalungkutan may ligayang daan para sa hinaharap na bukas- - kahit ikamatay ko man ang kalungkutang aking pagdadaanan ngayong tag-ulan alam ko na may tag-araw pa para sa ating lahat- -

____>>>hindi man natin nakita ang liwanag sa nagdaang tag-araw ngayong tag-ulan patuloy parin tayong umaasa na may pag-asa- - (ibaon sa limot ang nagdaang pait itago sa puso ang natitirang tamis) TODAY IS GONE BUT TOMMOROW WILL BE OKAY- -

Monday, May 28, 2007

behind the straight line(blue and white)

kagigising ko lang sakto walang gumagamit ng p.c ayos!!! ano nga ba isusulat ko ummmm sige na nga kahit ano nalang- - -

kahapon parang walang nangyari pumasok sa skul nag-exam at nag-uwian tapos ang isang myerkules nabawasan na naman ng isang araw ang ilang taon pang nalalabi bago makatapos- - -

bakit ba ganun hindi ko din maintindihan kung ano ba talaga ang reason why we here mag-aaral ka ng 14 yrs sa iba 20 years pagkatapos mong grumadweyt pagkatapos ng gabing inantay mo ng 4 o sampung taon pagkatapos ng iyakan pagkatapos mong maperahan ng mga prof. mo na mukang pera na mga tarantado pagkatapos mong madapa sa stage kahit 100 beses niyo na prinaktis pagkatapos kayong pag-bayarin ng graduation fee na pagkamahal mahal kasi ang katwiran gagradweyt na din naman . . . akala mo dun na yun tapos na yun hindi pa kasi bukas ng umaga pagkakain mo ng almusal punta ka ng makati,ortigas,alabang basta mga business area para mag-aplay ng trabaho- - - - toinkz

ano ba nag batayan sa pagpili ng trabaho kailangan ba na madami kang kakilala madaming pera madaming dalang chichiria syempre lahat yan kailangan--

madaming kakilala- - >bobo na tarantado na nag bayad sa halos lahat ng subject para pumasa ayun tanggap kagad sa trabaho kasi kakilala niya yung manager,yung supervisor yung janitor. .

madaming pera- - >negosyante ang dating ng mokong na toh syempre katulad din siya nung maraming kilala na nagbayad para makapasa ngayon pera na naman ang gagamitin niya para matanggap siya mamumuhunan muna sabi nga nila. . .

madaming chichiria- -> ito yung may sari-sari store samin ayun pinagkakalat sa lugar namin na ang sikreto daw sa pag-aaplay sa trabaho ay magdala ng maraming chichiria para may mangata sa sobrang habang pagpila- - ayun hanggang ngayon wala pa din siyang trabaho- -

dati at sa kasalukuyan pinagtatanggol ko talaga ang iskwelahan na aking napasukan pero habang tumatagal at unti-unti akong namumulat sa sistema naiisip ko tama ang sinasabi ng mga kakilala ko o ng mga nakasakay ko sa jeep masyado talagang bulok ang sistema ng aming unibersidad. . .

sila lang ang masaya sila lang ang dapat na masunod wala kaming boses na mga estudyante iilan lang ang naging instructor ko na talagang masasabi mong concern sa mga tulad kong estudyante kung di mo gusto ng sistema wag ka dito mag-enrol yan ang laging katwiran ng mga namamahala sa iskwelahan na yun "WAG KA DITO MAG-ENROL" di talaga ako dito mag-eenrol kung madami kaming pera na kaya akong pag-aralin sa paaralang nabubulok palang ang sistema kasi dito malala na ang pag-kabulok kahit ilang henerasyon pa ang lumipas at andiyan pa din ang mga buwaya sa iskwelahan na yan ganyan pa din ang sistema walang pagbababgo. . . .

hindi ang pangalan ng iskwelahan ko ang bulok katulad ng mga naririnig ko sa mga kapwa ko estudyante na sa ibang iskwelahan nag-aaral"BULOK NAMAN ANG +_@$%" ou maaring bulok na ang facillity mabaho ang c.r panget ang mga building pero hindi dun makikita ang pagkabulok ng isang iskwelahan- -

pwedeng maipagmalaki at makilala ang iskwelahan namin kung ang mga namumuno ay hindi bulok at hindi mga ganid na sila-sila nagsisiraan lahat namin kami dun bulok . . .

Saturday, May 26, 2007

we the sovereign filipino people(avoid the chaos)

minsan naisip ko bakit ibat iba ang kulay natin may puti may itim at may brown- -
ang sagot pala dun- - hindi ko pa din alam harhar- -
pero kailangan nating maintindihan kung bakit andito tayo sa mundong ibabaw- -
ako hindi ko pa maintindihan- -
kabalintunaan ang buhay pag malungkot ka may masaya pag masaya ka siguradong may malungkot- -

masasabi ko lang magmahalan tayo - -

So many faces, so many races
Different voices, different choices
Some are mad, while others laugh
Some live alone with no better half
Others grieve while others curse
And others mourn behind a big black hearse
Some are pure and some half-bred
Some are sober and some are wasted
Some are rich because of fate and
Some are poor with no food on their plate
Some stand out while others blend
Some are fat and stout while some are thin
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most
Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin' round, make it twirl
In this kaleidoscope world
Some are great and some are few
Others lie while some tell the truth
Some say poems and some do sing
Others sing through their guitar strings
Some know it all while some act dumb
Let the bassline strum to the bang of the drum
Some can swim while some will sink
And some will find their minds and think
Others walk while others run
You can't talk peace and have a gun
Some are hurt and start to cry
Don't ask me how don't ask me why
Some are friends and some are foes
Some have some while some have most
Every color and every hue
Is represented by me and you
Take a slide in the slope
Take a look in the kaleidoscope
Spinnin' round, make it twirl
In this kaleidoscope world

Thursday, May 24, 2007

a hand painted heaven T.T

paano pag wala kana? san ka pupulutin? ano ang mararating mo doon sa ibayo na ang tawag ng iba ay kalangitan- -

bakit nga ba dapat nating bumuo ng magandang samahan dito sa lupa pagkatapos aagawin ng sinasabing buhay na walang hanggan- -

tandang tanda ko pa- - kahit malabo na ang kanyang mga mata pinipilit niyang maipasok sa napakaliit na butas ng karayom ang sinulid na kailangan bang lawayan para maipsasok ng mabilisan- -

di ako pwedeng magkamali siya yun- - ou siya nga yun- - siya ang naging malaking inspirasyon kung saan madilim ang daan at ang daming kalaban- -

to my lola - - > mahal na mahal po kita- - > salamat po at napalaki niyo si mama na mabuting tao- - >

muzta po jan sa langit? magaganda poh ba ang mga angel - -lola pasensya kana kung hindi kita napupuntahan sa puntod mo yaan mo pag nakatapos ako(30 months from now) papa crimate kita masyado kasing mahal ang magpasunog pero pag nanunog naman ako ng tao hindi ako babayaran ipakukulong pa- - > lola basta po maraming maraming salamat- - > maaaring ngayon ko lang masasabi sa iyo to- - at sa blog pa pero taos sa puso ko- - >SOBRANG MAHAL PO KITA- - >

Tuesday, May 22, 2007

beautiful disaster(i dont know what it is)

simulan ko nung isang araw- - -

isang araw- - toinkz- -

may 12- - kasalukuyang nakatalukbong ng kumot at nagiiyak-iyakan- - bumabalik balik kasi ang nakaraan sakto anniversary ng kamatayan niya- - T.T

may 19- - naiba ang tema ng kwento ng mag montsary ang friends ko(korei,korenai) ayun tamang sweetness parehas may puso sa mata- - (gift ni korenai sim na sun) sakto kasi nablock yung globe ni korei kaso walang ibang matawagan kasi naka globe si bestfriend korenai- -

ayun yung araw na yun solve ako sa alak galante si bestfriend korei eh- - andun din si bestfriend di.an tsaka si bestfriend celio(a.k.a BOGA) si bestfriend ariel at marvin nakigulo din sarap ng montsary- -

may 20- - sinuli ko yung bote ng redhorse na may deposito see kumita pa ako- - :)

may 21 ata- - 21 ba korei ahh ou 21 nga ayun habang busy busyhan kami ni korei sa panghuhula ng numero sa sun eh tumawag si korenai- - maya maya sabi sakin ni korei " pare wala na break na kami" syempre ako di nagsalita na shock din ako eh- -

akalain mo ba namang nung isang araw lang masaya tapos ngayon lungkot at hinagpis na - - tsk. .tsk. . tsk. .

ayun dinaan sa inum same place sa bahay ni celio ang napakabait naming tropa- -
brad pabili kana quarter to 5 alis din kami tinig ng wala paring kupas na si bestfriend di.an(may blog din yan) kasama niya yung frend niya na si wendell- -

ayun tagay tagay- - umalis muna sila bestfriend di.an kasi susunduin ang kanyang iniirog- - :)
medyo hilo hilo na kami ng magpaalam na liligo si korei ayun tamang tagay pa din kami ng may narinig nalang akong- - - - hulaan niyo kung ano narinig namin- - - -

ayun narinig namin may umuungol hindi ungol na ungol na alam mo na- - hahaha ungol na parang may binabadya - - hindi ako nagkamali pumatak na ang mga luha,mejo tumulo na ang sipon pero gwapo pa din naman- -

- - tol bukas lilipat na kami sabi ni celio kami syempre nalungkot malayo na siya minsanan nalang kung magkikita kami- - pati magpapasukan na kanya kanya na naman kaming busy busyhan ever- -

nakakamiz lang kasi ilan na bang kalokohan ang nangyari sa bahay niyang yun ilang inuman na ang pinagsaluhan namin doon ilang suka na ang tinanggap ng inidoro nila ilang upos na ng yosi ang pinatay ko sa gilid ng semento nila ilang fix you na ng coldplay ang paulit-ulit naming kinanta ilang problema na ba ang inayos namin sa bahay na yun ilang kwentuhan ang paulit-ulit bumabalik sa tuwing andun kami ilang barkada namin,bagong kakilala clanmates klasmates hindi kakilala ang tumuloy sa bahay ni celio at nakilala namin- -

ilang buhay ang nagkaroon ng pag-asa??? at ilang pagkakaibigan ang hindi ko papayagang masira dahil sa bahay na yun- -

hindi man ako perpektong barkada bad influence nga ako eh- - pero kahit gaano ako katigas kaya kong magpakalambot para sa kaibigan- -

doon namin binuo ang mga pangarap ng mga simpleng kabataan- - -

hindi pa tapos simula na naman ng panibagong bahay pero same ang pagkakaibigan--

Thursday, May 17, 2007

new improved version of me

ringgggggggg. . ... . . . .. . hello sino toh? pare si buboy toh- - buboy??? bobuy pare cubao- - ah oh pare ano na? tang ina tagal mo di nagparamdam ah- - hindi kais pare bz lang tara punta ka dito samin b-day ko nalimutan mo???(kahit limut ko na) ah hindi pare ah kaw pa malimutan ko- - cge anong oras ba??- - ngayon na maligo kana w8 ka namin dito ah- - cge cge cge- -

oi pare happy b-day unang pagsasalita ko nung dumating ako sa bahay ng tropa ko- - ayun late pa din- -

pare di ka pa din nagbabago sa oras mo ah- -pinoy na pinoy ah- -

pinaalala tuloy sakin yung mga tyms na may lakad kami ako nalang lagi ang hinihintay- - laging late unprofessional ika nga ng mga may mga work huwah chuchal- - -

bumanat ng tanong yung isa kong barkada pare diba ex mo si **** ayun may asawa na- - sabay tawa ako- - hahaha di ba napigilan ang sabi ko- -

banat pa ng isang tanong eh si ******* diba ex mo din yun sabi ko oo bakit nagasaaw na din ba? hindi pare tuyot na tuyot na mas lalong naging gago tinuruan mo kasi eh- - sad face lang naisagot ko- -

pare bakit iba na yata ang tropahan nasan na sila noel mukang wala ata- - pare tagal mo kasing hindi bumisita ayun tabla tabla na kami- -

ganun ba eh paano mo nga pala nalaman yung number namin sa bahay- - ayun tiinanung ko kay bernie- - ganun ba- - painum ka na- -

isang umpukan na kami- - pare si ano nga pala si ano si ano- -atbp. daming hindi ko kilala dito ah- - mukang iba na talaga ng linya ang tropa ah- - yaan mo pare mga ok din yan- -

isang tagay pare mukang wala atang dalang pouch o hand bag? ah- - hahahaha tawanan ang mga luma kong tropa- - (kasi pag may kasama akong gf lagi ako ang may hawak ng bag) ayun emo ako- - hindi ko malimutan si sabel eh- - hahahahahaha tawanan ulit sabay banat ni bernie ulol!!! alam ko naman ang habol mo dun eh- - siguro kung hindi namatay yun may asawa kana- - tawanan ulit- -

binalik ulit nila yung mga banat ko sa tsiks pag-inuman sabi ko pare pass na muna ko sa mga ganyan- - ito oh pare si joan ok toh- - ulol wag mo kong tulad sayo- - sabay ngising aso- - tawanan- -

mejo nagkakahiluhan na- - napapadami na inom- - nabanggit nila na kaya nagkalabuan dahil sa babae- - sabi ko pare wag na nating pag-usapan yan- -inum nalang tayo at uuwi ako ng maaga kasi alam mo na baka di ako pag-aralin ng 2nd yr. ah ou nga pala nag-aral ka nga pala ng college pare pag nakatapos ah- - ambunan mo ang tropa ou naman kayo pah- -

lahat na naman ng bisyo ko dati natikman ko- - pare mukhang pumayat ka ah- - kung kelan di ka na **** eh saka ka ata pumayat- - hindi ayos lang ako- - namayat sa pagmumulto ni sabel - - hahaha sabay tawa- -

medyo naging emotional ako ng ipaalala nila yung mga masasayang samahan namin- - pare alam mo nung nawala ka dito nawalan din ng buhay- - sige pare minsan daan ako dito pasyal pasyal ako- -

pare si ********* hinahanap ka dito nung isang buwan kung nagparamdam ka na daw ang sama mo daw- - tinatanung kung san ka tumatambay papagulpi ka ata- - pare hindi ko lang kasi alam kung akin talaga yun eh- - pag nakita mo sabihin mo itx nia ako 0926-6461218 ayan number ko pakisabi txt niya ko makikipagkita ako- -

tara pare sindi tayo sa loob- - pare pass muna ako- - anong pass? tama ba yung naririnig ko nagpapass si karlo? hahaha tara na minsan lang toh dati nanununtok ka pa pag di ka natiran- -

bangag- - - kelan nga pala uwi ni grace ewan dun la akong pakialam dun ayaw mo ba ng chocolate ayako- - - sawa na ko sa chocolate niya hahahaha- - - cge pare tara labas na tayo- - -

pare balik ka dito ah- - -enjoy namn diba??? cge pare pag may tym- - - salamt ha- - - wag mu na kami tawaging long lost friends ha? ou sige- - -

Monday, May 14, 2007

flavor of the month(whoever wins we lose)

ako ang maglulunod kay paquiao sa gatas
at ice cream maglalason sa kanya ng
alaxan at magaahit ng putang inang
bigote niya- d.an

yan ang makabuluhang txt sakin ni d.an- napaguusapan kasi namin yung tungkol sa mga tumakbo sa eleksyon- -

hahaha- - - nauhaw sa power- - nilabanan ang dapat kaibigan- - - ayan habang sinusulat ko toh kalahati ang lamang ng crush kong si darlene kay pacman- -

gustong tumulong sa mga kababayan gagastos ng limpak limpak para sa kampanya bakit hindi nalang itulong sa mahihirap- - dahil kulang ang pera??? kung ano yung bukal sa loob mong itulong yun yung ibigay mo- - -

natatawa nga ako pag naiisip ko ilang eleksyon naba ang dumaan? may iskwater pa din- - ilang pulitiko na ang nangako na mag-aahon sa ating bayan pero lalong nabaon sa utang- -

sana sabihin niyo na ang true agenda ang magkamal ng limpak limpak na salapi at mapaglaruan ang kapangyarihang sa pulitika niyo lang mararansan- -

bakit nagpapatayan sila? bakit nagsisiraan eh parerehas gustong tumulong sa bayan eh bat parang lahat ay masama kaya ang mga botante kung saan nalang merong bayad dun sila kasi hindi din naman natutupad ang mga pangako atleast sa araw na yun nakatikim sila ng manok na prito at pagkatapos ng eleksyon balik ulit sila sa pagdidildil ng asin at pag-amoy sa usok na mabaho ng naglalakihang pabrika- -

ito ang pahayag ni idol mirriam defensor santiago

ANG SARAP MAGING SENADOR!

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

Wednesday, May 9, 2007

wanted: decent teachers

ang guro ang tagapaghubog ng isipan ng isang mag-aaral-siya ang isa sa mga taong may malaking papel sa magiging buhay ng isang estudyante-

sa nakita ko at naranasan ko sa mga ibang teacher nung hi-school pa ako masyadong brutal kong sasabihin kong sila ang isa sa pagkakaroon ng maruming pag-iisip at pagkakaroon ng insecurities sa sarili-

ngayon nararanasan na naman ng madaming kabataang nakapaligid sa akin- may isang teacher na lalake ang walang habas kung manlait sa isang estudyante samantalang kilala siyang manyak at adik sa eskwelahan-

iilan lang ang nakita kong talagang matinong teacher syempre adviser ko noong 4th yr. ang unang example- isa siya sa sinasaluduhan kong teacher sa high school at hindi ko siya makakalimutan pag titser ang pinaguusapan-

pero mas marami ang kampon ni satanas at kamag-anak ni pareng lucifer na teacher andiyan ang manyak na titser,lasenggero,sugalero,adik mahilig din magpower trip ang mga gagong yun-

ginagamit ang pagiging teacher para mang abuso at magpahirap ng isang estudyante- hindi sila patas parating may pinapanigan-

iisaisahin ko ang teacher na walang awang sumisira sa utak ng mga estudyanteng tinuturuan nila-alam niyo toh kung isa kayo sa nakaranas ng ganito lalo na sa pinasukan ko noong hi-school-

si butete- malaki ang tiyan na payat isang history teacher- tinatago ang asawa at pinangangalandakang binata siya- isa sa pinakakinaiinisan kong lalakeng titser sa pinasukan ko-
mahilig siyang mag power trip- magpahiya sa mga estudyanteng alam niyang may utak at manyakin ang mga estudyanteng babae-(wag kayong didikit diyan manyak yan si sir)

si darna- ang babaeng walang ginawa kung hindi ibunton ang sisi sa mga estudyante niya- may pokpok na anak pero hindi mapagsabihan pero kung makapagsalita sa estudyante niya akala mo perpekto siya-

si dancer- ang titser na napakahilig sa dancer na estudyante- pag magaling kang magsayaw sabihin mo kay mam para kapit ka sa matatag-kahit napakabobo mo nasa honor ka kasi magaling kang magsayaw-hahaha bobo din kasi siya mahilig magsayaw-haha dancing queen ang potah-pero pag may kukuhani kang requirements sa kanya tang ina pahirapan ampotah-

sa lahat ng nakakakilala sakin kilala niyo ang mga nabanggit ko-- diba tama ako- -

Monday, May 7, 2007

julia campbell (1967-2007)

At the age of 38, I decided to step out of the rat race of New York, join the Peace Corps and board a plane for Manila. This blog is dedicated to my adventures in the Philippines for the next two years. Wish me luck.-julia campbell

isang journalist sa ibang bansa nagpunta sa ating bansa para tumulong- pinatay-

nung isang linggo sumuko na ang pumatay kay julia matagal ko na toh dapat isusulat mula ng mapanood ko na natagpuan na ang bangkay ni julia sa ifugao-

isang bulok na naman ang humalo sa mga kamatis na pilit na iniingatang wag mabulok-
pinoy ka kapatid-dala mo ang bandila natin sa kagaguhang ginawa mo- anong kaburubukan sa utak mo ang umandar para ipahiya ang kapwa mo pilipino?!

pare matutuwa sana ako kung ang pinatay mo ay yung mga putang inang phedophiliang kano- yung mga may pakana sa white slavery sa human trafficking na mga foreigner yun ang patayin mo! malamang itago pa kita sa bahay namin at sabihin sa nanay ko na pakainin ka at kupkupin-

wala na si julia isang bayani para sa akin marami siyang natulungan kahit siya ay taga ibang bansa-lalo na sa probinsya ng bicol-

inihahalintulad ko si julia sa paglubog ng araw parehas silang nagnining sa maghapon ang pagkakaiba lang ang araw sisikat muli bukas samantalang si julia- tuluyan na tayong iniwan-

salamat sa pagdating sa aming bayan-maluwalhating paglalakbay-Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

in my heart the reality is you

txtmate=friend+girlfriend? hayz una ko siyang nakilala sa txt medyo baduy kasi sa txt pero astig ang katotohanang pede ka din pala mainluv sa txt harhar-db nga irish? nung una simpleng txt lang nasl mo? yung mga ganung tanong umabot ng 3 months eh syempre mejo maganda na ang dating hindi na txtmate ang tawag friend na- eh ang malupit na tanong pwede bang manligaw? hahaha umandar na naman ang pagiging makalalokohan ko


syempre nasabi ko na kaya yun papanindigan ko nalang nung una wala lang tamang pa sweet,pasa ng pampakilig na qoutes pero ng matagal medyo iba na toh ahh- parang full na ang inbox ng memory ng puso ko ah-

nagkaroon ng tawagan dhes kumain knb? naligo knb? wag ka papagutom huh?- may friendster kb dhes? basahin mo naman blog ko oh- yan yung halos paulit-ulit ko na atang na send sa kanya na msg.

lagi pa akong nagtatanong bakit ang ganda mo hahaha- kumbaga umikot ang buhay ko ngayong bakasyon sa txt na dati naman hinahanap ko pa ang mga letters 48 yrs. bago ko masend ang ou kumain na ako- andiyan din ang pagbabad ko sa mga matataong lugar baka makakita ng kakaiba dati rati dito lang ako sa bahay tingnan if may nag msg. sa friendster oh may nag add-

nakakatawa lang sa txt nagkakaaminan kayo ng mga sikreto niyo kahit hindi pa kayo nagkikita tinginan lang kayo ng picture sa friendster at ginagawang tanungan ang kaklase mo na ex ko hahaha-

ano ba yan/ ano kaya sabi sayo ni m+#% na itsura ko? nu kaya description nun sakin hehehe diba nakita mo na nga ako sa friendster eh yun yung mga araw na umayon ang panahon sakin kaya medyo maayos ako-

paano kayo kung dumating na yung araw na pagmimit natin? ano kayang masay mo sakin hahaha- siguro oi gwapo- sabay lapit ako naman nakatingin sayo ayos ah sinabihan ako ng gwapo palapit na din ako ng malampasan mo ako yun pala ang gwapo yung nasa likod ko hahaha- yun kaya na ang mangyari?

ano man ang mangyari eto pa din ako txtmate mo dati naging friend at ngayon ang dhes mo-- hayz sarap isipin sa UNLITXT20 na dating 15 na tumaas ng 100% dahil sa kaswapangan ng globe eh nagkaroon ako ng masayang kwento kahit hindi ko masyadong na i detalye eh habang sinusulat ko toh bumabalik yung mga tyms na sinasabihan mo ko ng harhar- - ng weh- -

yan siguro yung mga mamimiz ko if hindi tayo magkatuluyan- - -

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sunday, May 6, 2007

need to change it? den do it (as if)

malapit na eleksyon- marami ng namimili at may napipisil na kandidato- wala akong masyadong alam hindi ako katalinuhang nilalang- pero alam ko na gumagastos ang mga tumatakbo sa pulitika-actually limpak limpak ang pinakakawalan nilang pera- bakit nga ba??? eh di ba gusto nilang makatulong??? bakit gumagastos sila sa mga posters,streamers sa mga tv ads??? tang ina andami naman pala nilang pera bakit hindi nalang gawing bigas yung mga posters na dinidikit niyo kung saan-saan gawing ulam yung streamers na ginastusan ng mahal---

tama may pork barrel-- yun yung habol nila para maka sideline ng kupit wag mo sabihing hindi. .
ayos talaga dito sa pinas ano? kung sikat ka lalo kang sisikat kasi magiging senador ka>>>hahaha
kung mayaman ka lalo kang yayaman kasi mananalo ka sa halalan syempre handa mo na ang lahi mong magnanakaw---

para sa aking sariling opinyon>> lahat ng tumatakbo sa pulitika ay ganid,buwaya uhaw sa kapangyarihang mangdikta,mang-abuso ng kapwa>>>>

tapos sasabihin mong tutulong ka?? gagawin ang lahat para umahon ang masa??? isang malaking kagaguhan ang mga pinagsasabi ng mga pulitiko>> mapa oposisyon man kayo o administrasyon>>

ngayon maraming lumalaban sa gobyerno>>kesyo pahirap daw sa masa ang administrasyon>> eh nung kayo ba ang nasa administrasyon may nagawa ba kayong makabuluhan??? diba katulad rin ngayon maraming sumisigaw ng magnanakaw kayo>>>

masyado na daw pahirap ang gobyerno mga corrupt daw ang namumuno>> eh natatandaan ko nung last election may against sa corruption na party-list ah? eh wala namang nagawa eh>> may corruption pa din-may nakawan--toinkz

andaming anti-government na party-list pero sila rin magnanakaw mas malaki nga lang yung napupunta sa mas mataas-

natawa ako sa friendster- hahaha sa friendster nagkalat ang mga feeling may alam na kapwa ko kabataan pahirap daw ang gobyerno ibaba daw ang tuition fee pero tamad namang mag-aral itaas daw ang sweldo wala namang hanap-buhay ang magulang>>tsk3 party list iboto daw ano kayang magagawa nito ano kaya ang mga ipapasang batas nito??? hindi sa wala akong tiwala ang sakin lang bago natin punain yung nakikita nating mali bakit hindi muna natin alamin ang tama at bat ito naging mali>>>

Saturday, May 5, 2007

soul searching(the fog,the moon and the dawn)

balik na naman ako dito sa lugar ko- pagkatapos magnilay-nilay ito na naman ako. namiz ko ang pagsusulat dito grabeh- wala akong ginawa dun sa province kundi mag-isip,kumain,magtxt at kung minsan tumawa ng tumawa-

the fog- alas 4 first trip papuntang "linang" yun yung tawag sa malayo sa bayan na mga lugar- yun yung malayo sa kabihasnan-

pumunta ko dun- sakto paalis na ang 1st trip ng maabutan ko ayun sakay kagad ako pamasahe sampu bayad- ang layo din pala galing bayan- ayan na ang bahay ng pupuntahan ko-

napatingin ako sa parang usok na bumabalot sa naglalakihang puno- ayos hamog binabalot ang kapaligiran- nung araw ding yun ako unang nakakita ng hamog-kaya ginawa ko tumulala sa makapal na hamog-

sana kasama siya sa hamog kung saan pwede ko ulit siyang titigan maramdaman at kantahan-

the moon- bilog ang buwan nagttxt ako sa labas malamig ang simoy ng hangin ang tagal kung di naramdaman ito dun samin- sinamantala ko ang ganda ng buwan at halina ng lamig ng hangin-

sana lagi nalang ganto feeling ko nasa tabi ko siya nakatingin kami sa liwanag ng buwan habang ang mga bituin ay ng-aawitan-

the dawn- inabot na pala ako ng madaling araw sa labas di ako nakatulog- txt lang ng txt maya maya iyak ng unti- isip-isip nawala na pala ang buwan na kanina kasama ko lang- tinuturing ko siya na isang buwan subalit ang buwan mamayang gabi sisikat at magpapakita sa akin- siya kahit kelan hindi ko na makikita ng kasing ningning nung dati- inabot na niya ang paglubog ng kanyang umaga