Monday, July 30, 2007

life isn't fair?

minsan sa buhay ko tinawanan ko ang mga bagay na hindi nakakatawa iniyakan ang mga bagay na hindi nakakaiyak hinanap ang taong andiyan lang pala sa tabi ko pinagtaguan ang mga mata na alam ko namang nakikita ako. . .

alam naman natin sa buhay maraming hindi mo akalaing mangyayari maraming akala mo yun ang mangyayari pero hindi pala. . marami sa atin sinasabing napaglaruan sila ng tadhana halos buong buhay nila sila ang kawawa pero hindi ba natin naiisip na hindi lang tayo ang nakikipaglaban sa buhay? marami sa atin nakikita lang ang mga pasanin samantalang hindi nila alam kung paano natin napapasan ito. . .

ang buhay ay kabalintunaan ng maaring gusto mong mangyari o ayaw mong maganap isa lang ang sigurado maaaring pabor o di pabor ang mangyayari. . .

matagal akong nagtago sa dilim matagal nakipagsabwatan sa aking sarili mahabang panahon ang inilaan ko para sa mga maling pananaw sa buhay. . .

ngayon habang sinusulat ko toh hindi ko lubos maisip na nadaanan ko na din pala ang hangganan ko bilang tao o hindi ko masasabing hangganan step siguro sa pagiging tao. .

sa murang edad natutu ako ng ibat-ibang klaseng bisyo natutu ako ng ibat ibang klaseng kamalian isa lang ang pinagsisihan ko sa lahat ng nagawa ko yun ay ang panahon na nagsimula kong gawin ang alam ko na mali at sundin ko ang sarili ko. . .

ginawa kong panangga ang kaunting kamalian ng pamilya ko ginawa kong sandalan ang bulok na sistema na umiiral sa mundo sinisi ko ang kahirapan kung bakit ako andito. . .

pagkatapos ng lahat ng iyon ako pa din ang talo ako pa din ang kawawa ako pa din ang nangangapa ako pa din ang umiiyak ako pa din ang tinamaan ng sinasabi kong bala na makakapagligtas sakin. .

ang buhay hindi mo masasabing boring kung hindi ka marunong tumawa hindi mo masasabing masaya if di ka marunong malungkot hindi mo masasabing malungkot pag tawa ka ng tawa hindi mo pwedeng sabihing fair kung ang tingin na marami unfair at hindi mo malalaman ang kahulugan kung patuloy kang magbubulagbulagan sa buhay na hindi mo naman dapat pagsawaan. .

natry mo nabang magpakamatay ou mag suicide kung hindi pa ako natry ko na poh ang sikat na sikat sa ibang bansa na suicide. .

yun yung panahon na feeling ko wala akong kwenta wala akong halaga wala akong patutunguhan wala din naman pupuntahan kung mabubuhay ako. .

ayun trinay ko lang naman tumalon sa mababa ngunit nakakalulang roof top sa bahay ng barkada ko. . pareparehas kasing high kaya di na alam kung anong nangyayari..

pero ako alam ko kung bakit gusto kong magpakamatay kung bakit gusto kong tumalon sa ganun kataas na alam ko naman na kahiyahiya itsura ko pag ako natuluyan. .

patalon na ako ng may bumulong sa aking likuran sige bata talon! talon lang matagal na kitang hinihintay. . kinabahan ako sino kaya yung naunang tumalon dito at trip pa yata ako kasi hinihintay daw ako ee. .

pag lingon ko sa aking likuran nakita ko ang isang lalake na sobrang gwapo at hindi ko maipinta ang kanyang suot kasi super kinang na kulay ginto. .

ano pang hinihintay mo talon na kanina pa kita hinihintay wala akong nagawa kundi tumitig lang sa kanyang mga mata na nanlilisik na. . .

bigla ko nalang narinig sige iwan mo na kami sige kalimutan mo na ang samahan natin sige tumakas ka!!!! halos pasigaw na mga salita ang sunod sunod kung narinig sa mga boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. . .

nagising nalang ako nasa kulungan na ako nakahiga may raid pala kagabi nahuli kami sa pot session habang 3p kong tumalon may nakapagtimbre na pala sa mga pulis na may nagaganap na pot session ayun sa kulungan ang bagsak ko hindi sa bangketa. .

3 buwan din ako sa kulungan dahilan para di ko maipagpatuloy ang aking pag-aaral nakalabas din ako kasama ang barkada at pansamantalang nagwatak watak muna. ako tinuloy ko ang pag-aaral ko at ang iba ko namang barkada ay nagsipagtrabaho. .

ngayon habang sinusulat ko toh 2nd year college na ako at katatapos ko lang magresearch sa history kaya naisipan kong iupdate ang blog ko dahil na din sa kagustuhan ng puso ko na masabi sayo na hindi ka nag-iisa sa pasan mo parehas lang tayong nalalabuan sa mundo. .

ang buhay parang usok yan habang bago palang ang usok halos wala kang makita pero habang tumatagal diba naaaninag mo kung ano ang nasa kabila ng usok na yun? ou ang kabila nun ay ang punong mangga nila aling tekla na pinapausukan na hitik na hitik sa bunga. .

ganun din sa buhay wag kang magsawang lumuha wag kang mag-alinlangan na baka mabulag ka bagkus ay maghintay ka sa makikita mo sa likod ng mga pasakit na dinanas mo may matamis na manggang naghihintay sa likod nito yun ang dapat malaman mo. .

god will see the truth but wait

Tuesday, July 17, 2007

now that we here so far away

medyo napapaisip ako ano ba ang isusulat ko ngayon nagkataon lang kasing walang nanonood sa pagsulat ko ngayon hehehe- - kaya medyo sasamantalahin ko na muna ang pagkakataong ito- -

habang tinatype ko toh background song "so far away" staind tagal kong hinanap yan woooh natagpuan din- -

natatandaan ko kasi tong kanta na toh nung 2nd year high school ako ilang taon na din ang lumipas ilang kaibigan na din ang kumupas ilang kasintahan na din ang tumakas ilang bote na din ng alak ang nainom ilang teacher na din ang nagdaan ngayon 2nd year na ako sa kolehiyo wow sarap isipin ilang taon na din pala akong nakasurvive- -

4 years na ang lumipas hindi ko na maalala ang lahat ng nangyari mga piling kanta nalang ng mga paborito naming banda ang nagpapaalala sa mga alaala ng lumipas na panahon- -

woooh grabeh habang pilit kong inaalala ang masasayang tagpo na yun napipilitin ang aking mga mata na maglabas ng sobrang tubig sa aking mga mata- - huhuhuhu

wala talagang permanente dito sa mundo andiyan siya at mawawala dapat handa lang talaga tayo- - 2nd year yata yung sukdulan ng buhay ko dun ko natutunan lahat dun ako tumingin sa itaas at sumigaw "totoo ka ba?" tanong ko yan sa langit kong totoo ba ang diyos bakit ganito bakit ganyan- -

isa lang pala ang sagot dun hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam kung totoo siya- -

dun ako nakakita ng malaking manok lumilipad na pusa dun ko nakayang sungkitin ang buwan nakalaban ang mga dragon ballz tinira ng reagan ni yugin hinabol si lupin inabutan si road runner at naging syota si rapunzel- - - kapag "high"

dun ko nakilala si isabel nagpapaalala na hindi lahat may kasagutan minsan kailangan mo munang malaman ano ba ang dahilan mo bakit gusto mong malaman- -

namatayan ng girlfriend,nawalan ng barkada inaway ng kapitbahay ginulpi sa kanto nawalan ng pitaka nadapa sa edsa nakita ang crush kinilig sa kaklase nagpabunot ng ngipin nagkabukol sa mukha hanggang sa naopera narinig ang mga awit ni bamboo namatay ang lola nagkatigyawat natalo sa sugal na imcomplete sa p-e nag sayaw ng maglalatik nung 2nd sem at ngayon 2nd year kahit payatot naka 1.1 sa prelim namin aquatics hehehe- -

ito lang para sayo na nagbabasa nito maaring mas matanda ka sakin mas bata mas isip bata alam naman natin ang tama o mali diba?pero ako grade 2 pa lang alam ko na na bawal ang droga,bawal ang pre marital sex,bawal ang magsugal,bawal magcutting at alam kung lahat ng yan ay mali pero nagawa pa din diba?

hindi masamang mangarap na kayakap mo si rapunzel basta wag kang magdrodroga hindi rin nakakahiyang paminsan minsan tamaan ka ng reagan ni yugin kung si taguro nga lumampas na yung porsyento talo kay yugin eh- - ang sakin lang kung kaya mong paniwalaan ang sarili mong kakayahan im sure kayang kaya mo gawin mo wag kang magpatangay sa mga taong hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. . .

abutin natin ang mga pangarap natin, ako dati wala talaga akong pangarap masayaran lang ng redhorse yung lalamunan ko ok na kahit hindi pumasa basta kasama ang barkada- -

ikaw ano ba ang pangarap mo??? kung ano man yun tuparin mo pero kung ang pangarap mo tumama sa lotto magkakatotoo lang yan pag nag aral ka at nagkaroon ng magandang trabaho pag napromote ka at nagkaroon ng pamilya para ka na ring tumama sa lotto sa kasiyahan- -

ang kasiyahan hindi mo makakamtan yan sa mga materyal na bagay- seryoso dati gusto ko mag karoon ng cellphone kahit ano basta cellphone nung nagkaroon ako ang saya saya ko pero mga ilang buwan lang gusto ko na yung may camera tsk. . .

gusto kong tuparin ang mga pangarap na nabuo naming magbabarkada- - -

pangarap kong tuparin ang mga pangarap ko tanggapin ako sa iyong puso "god" akala mo si pitchay ano????? iboto naman yung kanya eh- - -

dream believe survive yan ang kailangan nating pananaw sa buhay hindi lang pang gwapo at maganda yan hindi naman tayo sasali sa starstruck eh- -

matagal na tayong nakikipaglaban sa buhay ngayon nakakabasa na tayo at nakakaintindi ng dapat nating intindihin- - -

go for goal not for gold
-dreamer

love is blind
-celio
whaaaat??!!!!!!!!!!!!
-retry
kahit panget basta mapgmahal
-ariel
bakit mabait ang laging kulelat?
-marvin

ang panget mo pero mahal kita
- (isabel)
i love you isabel
-karlo

Monday, July 2, 2007

sound effects and overdramatic

nice song yan yung sabi ng tenga ko nice lyrics yan yung sabi ng utak ko ang galing na banda sabi ng mata ko ang sakit sabi ng puso ko. . .

sa tuwing naririnig ko ang trip kong kanta katulad ng ides of march ng silverstein at devotion and desire ng bayside yan yung nararamdaman ko. . .

nagdadalawang isip ako na ipagpatuloy ang nasimulan ko pero nagkakaroon ako ng lakas ng loob para lumaban hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang gagawin ko. . .

ipagpapatuloy ba o susuko nalang ng hindi alam ang kahihinatnan masakit kasing isipin na matatalo ako ng hindi man lang lumaban masakit din naman isipin na masasaktan ako kasi ipinaglaban ko siya. . .

gagawin ko nalang kung ano yung dinidikta ng puso ko kahit mali kahit masasaktan lang ako kahit hindi alam kung may patutunguhan ba ito. . .

ito yung pinakapaborito kung line sa devotion and desire ng bayside

Trying to create something that's not there.
A spark I saw as a bomb is just a means to an end.
And I was just so happy to be out of my shell again,
don't think that I really cared for who or what.
So for now I'll just have to keep it shut.

If you're not ready, you're not ready.
Please stop acting like you are.

How could I know
that everything you say are lies about devotion and desire?
And I know the spark inside your eyes
was just the match I used to set myself on fire.



at ito naman yung sa ides of march ng silverstein

Tie me up with sheets, and hang me from your tree
I'll stay out here all night, it doesn't even matter
As long as I can see, into your room and feel
Like I'm inside your life, I'll follow you forever

Don't cut me down just yet, I'll make things right again
Don't close your blinds on me, on me...