Sunday, April 15, 2007

graduates(2006-2007) congrats-

para sa kapatid ko toh na new graduate(2006-2007) welcome to college lyf-

dati akala ko hindi na babalik ang dating saya,hindi na muli ngingiti ang tagumpay ngayon kumakaway siya. . 2nd year na ako malapit na enrolment sana tuloy tuloy na ang pagpapakabait ko. .

bumalik sakin yung mga panahon na nagloloko ako,hindi alintana ang sakripisyo ng magulang ko. .
ngayon kahit papaano may napatunayan ako sa sarili ko na pag ginusto mo talaga ang isang bagay kaya mo. .

hindi man ako naguwi nang karangalan bilang isang mahusay na mag-aaral alam kong proud ang magulang ko sakin. .para pa naman saan ang mga medalyang kulay bronze na printed ng mukha ng mga putang inang pulitiko akala mo sila ang valedictorian eh- mga 19 atang medal sa valedictorian sa dami ng medal eh kapos na ang oras isinabit na ng lahatan hehehe- sayang yung moment na sinasabitan ka ng medal sa entablado ng magulang mo kahit isa lang super saya mo kasi may oras para dun- ngayon tingnan mo ang mga medalya sa harapan mukha ng pulitiko sa likuran pangalan pa din nila donated by:$#@^^#@- hindi ko man lang nalaman kung para san ba ang medalya na yun kasi wala man lang title kung bakit binigay yun-

TIP: para po sa mga pulitiko na nagdodonate ng medal may kunti pa pong espasyo pakilagyan poh ng RE-ELECT para sure na hindi kayo malilimutan sa halalan-

ilang araw lang ako sa vacation di ako nakatiis dito sa patag mas may magagawa ka yung mga naiisip mo pwede mo kaagad ipublish sa pamamagitan ng web. .

hindi ako katalinuhang estudyante,hindi active sa sports,hindi mahusay sa larangan ng musika in short walang maipagmamalaki- ok na din yun kahit papaano kasi wala din akong insecurities sa katawan wala man akong pera pero hindi ako nakakaramdam ng kakulangan sa aking buhay maybe sometimes hahaha-

pag kasama ka sa honor sa graduation nakaupo kayo sa taas ng stage sampu kayo dun nakaharap saming simpleng estudyante na masayang masaya dahil sa makakatapos na- bakit nakasimangot kayo sayang naman yung ayos niyo nag pa make-up pa naman kayo,nagpakulot ng buhok at naligo ng pabango-

tinawag na kayo syempre una kasi section 1 kayo eh- palakpakan salamat kasi hindi pa antok ang mga tulad naming estudyante kami yung tipo ng estudyante sinasabihan ng section 1 na mga jologs mga bobo walang iniisip kung hindi ang mag-bulakbol kahit ganun papalakpakan pa din namin kayo sabi ng teacher natin nung practice eh kaylangan sumunod-

kami yung sinasabi niyong walang pakialam sa school natin kami yung pinagbibintangan niyong nagkakalat sa corridor kami yung mga bastos kami yung pinagtatawanan niyo kasi palpak sa graduation practice-pero may pakialam kami kaya nga pumalakpak kami para hindi mapahiya sa mga bisita(bwisitang pulitiko nangangampanya) kakahiya naman pag kasection niyo lang ang papalakpak plastic pa(kasi kaagaw niyo sa valedictorian slot)

graduation day- iba ang aura sa school may mga nakangiting aso,may papansin sa sapatos na bago,may lusaw na ang make up dahil sa init,may paypay ng paypay,may umiiyak kahit hindi pa nagsisimula kasi nawawala ang wallet niya,may nag-aaway kasi nakapitan ang bagong uniform,
may nag-aayos ng sintas, may tahimik na nakatayo- (ako yun pinagmamasdan ko lang lahat sila)

ayan na simula na ng martsa napalingon ako sa adviser namin pagkakita sakin sabay bati ayan graduate kana ferrer san ka mag-aaral sumagot ako thank you mam siguro sa la salle hahaha sabay tawa - pero gusto ko lang sa pampublikong paaralan para may kamukha ako-hahaha (mahirap lang poh kami. .. )

JAN KARLO FERRER!!!!! janjan jaran jarararan- lakad may halong hiya,natatae kasi ako nung oras na yun sabay tawa sa stage- gusto ko sana makapagsalita sa microphone para batiin yung mga bwisita naming pulitiko at sabihing matagal pa bago ako makaboto wag niyo kaming gaguhin-salamat sa pagpunta- sana nagjip na lang kayo sayang yung pera namin pang gasolina niyo-

sa kapatid ko advice lang kahit san ka mag-aral nasa nag-aaral yan-----

Wednesday, April 4, 2007

vacation

isang buwan din akong hindi makakaupdate ng blog ko uuwi kasi ako sa probinsya namin. . .
sana pagbalik ko dito sa kabihasnan wala ng kurakot na pulitiko(as if naman na mawala) bisyo na yan eh. . .

nood poh kayong LAGUSAN sa good friday 5 pm poh sa GMA 7 (KAPUSO) ang ganda ng istorya pinakanagustuhan ko poh yun last year so now inulit uli wag niyo na poh palampasin if napanood niyo na before isa pa hanggat pede nating mapanood nood lang sarap panoorin. .

andun lahat ang philosophy ng life ko. . . lahat kasi tayo makasalanan and were deserve for a second chance. . .

ingatz ako sa probinsya hehehe. . .

ingatz lagi. . .

no im nothing

nakakulong sa nakaran,bilanggo sa nakasanayan kung ano ang nangyari sakin nung kamusmusan bumabalik ngayon sa kasalukuyan. . .

maling desisyon,maling pananaw,maling pag-iisip at maling paglalaro. . .

maling desisyon kasi dapat hindi ako nakokonsensya ngayon kung hindi ako nagdesisyon na takasan siya. .

maling pananaw kasi nung una hindi ko pa alam kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal ang alam ko lang kung gaano kasakit ang tintawag na kasawian. .

maling pag-iisip dahil nga sa mus-mus at hindi pa alam kung paano ba magpahalaga ng damdamin ng iba. . . at hidni lang sakit ng ngipin ang iniintindi. .

akala ko pag nakabuo ako ng isang kick flip ayos na! yun pala mali ang maglaro ng damdamin ng iba kasi hindi mo kayang buuin ang tiwala na pinagkaloob niya. . .

what it takes to be happy

naglaro na naman ako ng tanga-tangahan akala ko kasi sa pag-iwas ang tanging solusyon sa lumalalang epedimic diease na tinatawag ng iba na love. . .

di ko na makita ang dating ngiti biglang naglaho at di na maaninag pa. . .

madaling magpanggap na msaya ngiti,tawa,halakhak pero deep inside sa likod ng tawa sa kabila ng ngiti nakatago ang napakatinding sakit. . .

sakit na hatid ng matinding kasawian laban sa aking sarili at kinabibilangang lipunan. . .

nakangiti ako ng sabihin niyang mahal niya ako natawa ako ng dugtungan niya na kasi kaibigan daw niya ako kaya mahal niya ako at napahalakhak ako ng sabihin niyang akala mo hihigit pa dun ano???

bakit ba kabaliktaran pag tunay na ksiyahan ang iyong nararamdaman at hindi pagkukunwari lang. . .

napuri yung mata ko ng klasmate ko ngumiti lang ako. .
tawa ako ng tawa nang mahulog s kanal yung kapatid ko habang nagbibiruan ang buong pamilya namin. .

halakhak ang naisagot ko nang sabihin ng mama ko na natanggap daw yung ginawa kong essay. .
sana ang ngiti,tawa at halakhak ay talagang larawan lang ng saya hindi nagagamit sa pagtatago ng kasawian para lang makaiwas sa kalungkutan. . .

hindi mo kayang takbuhan ang problema hindi mo maiiwasan ang kalungkutan hindi madadaan sa tawa ang kasawian. . .