ilang taon, ilang kahapon ang lumipas mula noon
ilang luha ang sabay binitiwan kasunod ay pagbangon
pumikit ako sandali upang kunin ang kahon
doon kasi nakatago ang alaala ko ng nagdaan panahon.
"marangya ang buhay nila samantalang ako ay wala kahit na barya" yun ang simula ng aking tulang ibinigay sa kanya natuwa ako ng sinagot niya ng kahit na wala ako ni isang kusing walang sawa niya akong mamahalin.
yung huling bahagi ng kanyang sulat ay natapunan ng tinta ng minsang madulas ang aking panulat upang burahin ang salitang mamahalin sapagkat lumuluha ako nun kasi siya ay sumama na sa iba.
nagising na lang ako ng walang bahid ng kahit anong galit ang nais ko lang ay makabangon sa aking pagkadapa. nakilala ko ulit ang taong pag-aalayan ng damdamin.
isang mahiwagang babae na gising sa gabi at sa araw ay walang ibang ginawa kundi ang nakahiga, call center ang trabaho niya at ang opisina ay sa overpass sa may roxas blvd.isang pagkakamali o puso lang talaga ang nagdikta.
lumipas ang mga panahon paulit-ulit ang naganap nawalan ng mga minamahal napalitan nawalan ulit at ito kasalukuyang binabagtas ang laot ng pag-ibig. hindi na siya mawawala alam ko yun at alam na alam niya din yun.
isang malawak na pag-unawa at kirot man ang danasin sa mga naalalang pagkakataon mananatiling nakakahon ang mga alaala ng kahapon.
No comments:
Post a Comment