Wednesday, October 26, 2011

move-on hahaha!

paksyet! hanep sa titulo. first time ko to! haha.

masaya na masakit pag nagmahal ka ng TOTOO, okay na masaktan kesa hindi ka kailanman nagmahal ng tapat, pero sabi nila mas masakit pa daw pag ikaw tapat sa kanya may tawad pa. hahahaha.

paano nga ba mag move-on? siguro number one ay ang pagtanggap na ang buhay ay umiikot nagkakaron ng buwan at araw, mainit at kung minsan ay umuulan. sabi nila walang permanente dito sa mundo kundi pagbabago. bakit mo namang sasabihing nawala siya sayo eh hindi mo naman siya pagaari and nobody owns anybody here in this crazy world. (anu raw?)

masakit maiwan ng minamahal, tutumbling ka talaga sa kama kakaiyak promise. tapos malalaman mo na ipinagpalit ka na niya putcha dobleng sakit yun at pag nakita mo ang mukha ng ipinalit sayo magiging triple pag pogi at pag gwapo naman nung di pa uso ang tao 10times na sagad. ;)

aaminin ko nasaktan ako! yes. aminado. pinilit kung ipaliwanag sa sarili ko ang di ko maunawaan, at halos isang buwan nakipagtalo sakin ang sarili ko kung tama ba ang paliwanag ko na ang mundo ay di lang umiikot sa dalawang tao kaya matuto siyang tanggapin kung maiwan siya sa mundong gawa nila ng nagiisa.

natry ko ngang ideactivate ang fb ko.(deactivated pa din till now) trip lang para di ako matemp na tingnan ang page niya mamaya dun pa siya binobola nun, masaktan pa ako.

sabi nung katrabaho ko nasa denial stage palang daw ako, sabay explain sakin ng bahagdan pagkatapos ng paghihiwalay. hindi ko naintindihan pero naramdaman ko na tama ang sinasabi niya.

walang inis o galit o mas better na sabihin kong nawala na ang galit sa ginawa niya at badtrip sa mukha ng bolerong umaaligid sa kanya. masasabi kong ngayon ay natanggap ko na ng maluwag sa damdamin ko. nangyayari talaga ito sa buhay ng bawat umiibig at iniibig.

sobrang saya ko nang dumating siya sa buhay ko, natural lang na malungkot ako nang mawala siya. sobrang gwapo ko ng makilala niya natural lang na maapreciate ko yun haha. basta masarap ng walang hinanakit. ngayon habang sinusulat ko to! masasabi kong masaya ako sa nangyari kasi natuto akong magtumbling sa kama habang umiiyak na may hawak na cellphone habang kausap siya.

hindi tayo dapat mabuhay sa galit. kung mahal mo ang isang tao palayain mo.
hindi tayo dapat mabuhay sa takot. kung mahal mo ang tao susugal ka sa paghihintay sa kanya. gusto kong bigyan siya ng isa pang pagkakataon at yakaping muli, hagkan ng paulit-ulit at mahalin ng walang sawa katulad ng dati, mas matindi pa sa noon at isang malupit na pagharap sa panahon.



~ Forgiveness and letting go are steps on our road back to happiness. ~

No comments: