Sunday, January 17, 2010

Si D.D GandangHari at Pagninilay-nilay

Lumipas na ang halos mag-aapat na taon sa unibersidad kung saan hindi ko akalaing dun ako mag-aaral. May mga nakilalang ibat-ibang nilalang sa apat na sulok na eskwelahan sa isang malawak na bulwagan sa isang basketball ring na bibigay na isang ondoy pa at ang mga propesor,semi-propesor at felling propesor na nadaanan.


Sa isang iglap isa na akong graduate kunting tyaga na lang ilang 150 pesos na lang araw-araw makakaraos na. mas naging malawak ang pag-unawa ko ngayon kesa noon mas naging malapad ang noo ko sa pag-intindi ng mga rason ng bawat makausap ko at nilinang ko ang kakayahan ko sa pagsasagawa ng salitang tyaga.


Aaminin ko hindi ganun katindi ang nalalaman ko kesa sa ibang graduate na makikilala mo pero ito ako isang dating walang direksyon ngayon nagfefeeling na magkakaron ng direksyon ang tinatahak kong landasin.

Ou nga naman dapat lang na magkaroon ako ng tinatawag nilang “guts” may diploma ako eh.


Ang problema lang sino ako kung walang papel na tinatawag nilang diploma at sino ka kung huhusgahan mo ang mga walang patunay na may napatunayan sila.


Sa totoo lang di naman diploma ang magdidikta kung may napatunayan o may alam ka, hindi ang degree mo ang magsasabi sa landasin mo hindi ang kurso mo ang maglalagay sa kung saan mo gustong mapunta wala sa eskwelahan ang posisyon na nais mong marating sa huli pagkatapos ng pag-apak mo sa entablado pagkatapos mo makipagkamay sa kandidatong mag-aabot ng diploma mo pagkatapos ng pagpapakuha mo ng litrato hindi pa ito ang katapusan ng paghihirap mo hindi pa ito ang happy ending na gusto ng madaming tao ito pa lang simula ng landasin mo kung tutuusin ang pagaaral ay parang kumuha ka lang ng kunting tubig at kapirasong tinapay para pag nauhaw ka may patak ng tubig sa iyong dila at pag nagutom ka may mailalaman ka sa iyong lalamunan.


Natapos ang pagninilay-nilay pumasok si D.D gandanghari sa aking isipan. Bagay sa kanya ang bansag sa kanya bukod sa banana’s in pajama’s na tinampukan niya. Hindi ko alam kong bakit lagi siyang parang nasa reading comprehension class, parang laging nagrereport na estudyante may kaba sa dibdib may laway sa nguso at pinapawisan ng malagkit. Ewan ko kung trip niya lang magpakita sa amin ng ganun o mas trip niya lang na kumita ng walang effort . May effort pala magbasa ng libro at tagalugin ito sa amin.

Ewan ko kung san siya bubunot ng ibibigay niyang grado kung ang nursery rhyme na paborito ko ay di niya saulado. My wish for xmas is a . . . . . ah ok.


Ewan ko kung bakit ganun ang ugali niya, nakakahiya naman siguro na tawagin kang “teacher” kung hindi ka naman nagteteach bagkus ikaw lang ay nagreread. :|)


Request to kasi ng pinakasexy kong klasmate. Diba mai?

No comments: