hays. . . ito na naman ako magsusulat basta tyumetyempo ako ng ganitong pakiramdam yung tipong malungkot ka na masaya mahirap iexplain.
dati ang balak ko sa pag-gawa ko ng account dito ay para gawing diary kaso hindi naman ako ganun kayaman para magka laptop na wifi ready at di rin ako feelling sossy na tatambay sa kapehan at oorder ng isang kape at tatagal ng tatlong oras sa pagupo dun para sa internet.
kaya ang nangyayari pag nakauwi ako dito sa bahay namin sa Q.C saka ako nagbabalak magsulat ngunit ang problema lang ay wala akong maisulat kahit andami namang nangyari sa mga nagdaang buwan ko.
ibabahagi ko nalang sa inyo ang naging buhay ko sa ojt unang-una mahirap maghanap ng trabaho kahit ojt pa lang naranasan ko ang tatawagan nalang, pangalawa tama ang marami, may mahahanap kang trabaho pero hindi related sa course mo kaw na bahalang mag-ugnay sa kurso mo pag niyayabangan ka ng kaklase mo na nakakuha ng related sa course niyo.
napunta ako sa isang telecom company ang gandang pakinggan telephone company nakasama ko ang apat kong kaklase sa sales department at ewan ko kung ilan yung nasa access department na mga kaklase ko.
unang linggo balitaan sa txt ng mga ibang kaklase na sa ibat-ibang kompanya nakahanap ng trabaho, san ka ojt? d2 lang me sa ortigas, kaw wer? dito sa taytay.
lam u ba c ano taga xerox lang daw. naawa nga me eh. oh? taga xeox? ganda pa naman kompanya niya.
ilan lang yan sa mga txt na nabasa ko nung unang linggo namin. nagtatanong ako sa sarili ko ano ang matutunan kong about sa kumpyuter kong nasa sales department ako? mag-eencode? wala namang dapat iencode dahil sa may gumagawa na nun. gusto kong bigyan ng katwiran ang sarili ko na may matutunan ako sa ojt na yun.
tumagal ang mga panahon lumipas ang mga oras natapos na ang ojt natapos na ang 240 oras na dapat kong bunuin masaya ako na malungkot.
masaya kasi tapos na ang ojt bukod sa pagod ng katawan pahinga na muna sandali ang bulsa nakakapagod kasi mamasahe.
malungkot kasi narealize ko na may natutunan pala ako kasi akala ko wala, kaya ako nalungkot kasi akala ko wala akong matutunan. dun ko talaga nalaman na kahit saan bagay dito sa mundo kahit anong trabaho at kahit anong aksyon mo may matutunan ka talaga.
ibat-ibang personalidad ang napagtanto ko sa ojt na yun ibat ibang pananaw ang natutunan ibat-ibang ideya ang pumasok sa isipan.
masaya mabuhay sa mundo pagkat parang ang lahat ay sorpresa, hindi ako natuto sa kumpyuter pero natutunan ko ang ugali ng dahilan kung bakit may kumpyuter, hindi ako natututong magnetwork pero natutunan ko ang pagkakaugnay ng bawat tao dito sa mundo, wala akong nadiskubreng kakaibang software pero nalaman ko na ang pinakamahalagang parte na nagpapatakbo sa tao ay puso.
hindi ako natuto ng teknikal pero napalago ko ang emosyonal na pagkatao ko. hindi ako naging bihasa sa kumpyuter pero nalaman ko na mahirap pa pala sa programming ang kumita ng pera.
marami akong dapat pasalamatan sa paglagi ko sa kumpanya na yun ng 5 linggo at mga kaibigang nakahalo sa tawanan at nagturo sa halaga ng buhay.
No comments:
Post a Comment