Thursday, October 1, 2009
Lubog sa baha, lubog sa luha
Masaya ang pakiramdam pag nagtutulungan ang bawat pilipino. Kaya nga kahit dito sa cp pinilit ko magblog.
Marami ang mga tumulong sa mga nasawi at nadale ni ondoy karaniwan mayayaman at mga artista.
Nakakatawang isipin na kailangan pa pala ng bagyo para magtulungan o baka sakto lang si ondoy sa pagpapapogi ng mga pulitiko.
Nakakaawa ang mga nasalanta walang makain at dahil wala silang makain may magbibigay sa kanila ng pagkain. Ang nakakatawa nga lang pwede naman palang bigyan ang mga mahihirap ng pagkain bakit kailangan pa nilang ipatangay ang bahay at mamatay ang kamag.anakan para tulungan.
SSS at GSIS magbbgay ng loan samantalang nung di pa bumabagyo pahirapan ang pagkuha at papabalik balikin ka.
Si boy at kris tila sinasalanta pa rin ni ondoy dahil hanggang ngayon ganun pa din ang balita nila sa saliw ng pagbabait.baitan ng boses ni kalbo at ang plastik na pasasalamat ni puti.
Isang malaking opurtunidad para sa mga gahaman na pulitiko para magpapapogi go na.
Madaming artista ang natauhan ata na di porke't may tagahanga sila at mapera ligtas na sa delubyo ayun narealize ata na tao pa din sila salamat ondoy sa pagmulat mo sa kanila.
May mga artistang taga.abot lang ng plastic ng relief eh kala mo bayani kung mga magpa.interview. May mga nasalanta naman na di pa din natauhan at sa relief nang.gugulang. May mga taga.bigay lang ng relief kala mo kanila galing ung pinamimigay nila kung makasigaw.
Natawa ako sa mga nagcomment sa status sa facebook ng kapwa natin pinoy na nasa dubai na nagsabing dapat lang daw sa pinas yun dahil makasalanan masyado tao dito sa pinas.
Makasalanan ang pinoy ou, pero di dapat madamay ang mga batang namatay dapat yung mga magulang nalang nila na di nagsisikap para alisin sila sa tabing ilog, di dapat mamatay ang mga batang wala pang muwang dapat ang mga pari nalang na kumikita ng limpak para sa sinasabing pananampalataya.
Madaming bata ang namatay sana ang mga artista at pulitiko nalang na walang ginawa sa pinas kundi ang maging megalomaniac.
Sana natikman man lang nila ang baha, para maikumpara nila ang starbucks coffe kay ondoycoffe.
Saturday, August 8, 2009
Gaano katigas ang malambot
Opera mini ang gamit q ngayon malayo sa pamilya kaya walang pc, mganda daloy ng ideya kya naicpan kung tyagain ang pagtatype d2 sa keypad ng cp ko.
Ngulat ako kanina dahil sa pagsusurf ko sa net, nbasa ko na may comment back na pala yung komento ko 1year ago.
Moron ang tawag skin ng engliserong tao na isa sa nagkomento sa komento ko.
Tungkol kasi sa isang koreanong nagbigay ng solusyon sa lumalalang kahirapan ng bansa natin ang tinapunan ko ng komento.
Una nakita niya na madaming pulubi na namamalimos sa kalsada at madaming nagsisimba pero wala pa din daw nagbabago kahit linggo linggo magsimba.
Sinabi niyang nagpunta daw siya sa bilibid at nakausap ang 2 preso na di nagmamahal sa bansa natin.
Madame siyang kabulukang nakita sa bansa natin kasabay ng pagyayabang kung ano ang bansa nila ngayon.
Sino ba ang mga korean? Mga oportunista din naman silang sumisiksik dito sa bansa natin para magnegosyo.
Ang mga kababayan naman natin kinampihan pa at talaga naman daw bulok ang bansa natin tinanong pa ako kung nakapunta na ako sa bilibid prison at kung nakagawa na daw ako ng charity works.
Ewan ko kung bakit nila kinampihan ang koreanong ito, baka malaki mata at gustong maging singkit, baka nakailang ulit ng gumamit ng papaya soap at di pa pumuputi o balak mag artista kasi dito sa bayan natin uso ang koreanovela na ang nagboses ay mga pinoy kaya naging maganda.
Sa tanong na kung nakapunta na daw ako sa bilibid prison ang sagot ko ay ou ng dalawin ko ang mentor ko ng ako ay nasa lansangan pa. Apat sa mga naging parte ng buhay ko ay nakulong sa bilibid kaya masasabi kong may alam ako sa kalagayan nila.
Sa charity works naman hinde pa ako nakakagawa ng anumang charity works pero hindi ko pa din pinipicture-an ang mga batang may hawak ng kalahating tasty at tetra pack na juice habang ang iba ay may hawak ng banner na naglalaman ng organization nila. Kung tutulong tayo di naman kaylangan ng tarpaulin. ang kaylangan sapat na tulong hindi ang pabalat bungang kapiranggot na tinapay at hingi ng sangkatutak na donasyon na para raw sa mahirap.
Ang bayan natin ay nag.iisa hindi tayo pwedeng diktahan ng korea o ano mang bansa. Di sapat ang mga longhair nilang buhok para impluwensyahan tayo. Di sapat ang singkit nilang mata para sa tatlong tala at isang araw. Di sapat ang mapuputi nilang balat sa pinuhunan ng mga ninuno natin.
Itatwa natin ang singkit mentality o tangos mentality. Mag focus tayo sa loob ng ating puso.
Ang mga pinoy kahit san makarating kayang tumayo di tulad ng mga tarantadong ibang lahi na ginagawa ang bansa natin na isang negosyo.
Saturday, May 30, 2009
anong petsa na?
dati ang balak ko sa pag-gawa ko ng account dito ay para gawing diary kaso hindi naman ako ganun kayaman para magka laptop na wifi ready at di rin ako feelling sossy na tatambay sa kapehan at oorder ng isang kape at tatagal ng tatlong oras sa pagupo dun para sa internet.
kaya ang nangyayari pag nakauwi ako dito sa bahay namin sa Q.C saka ako nagbabalak magsulat ngunit ang problema lang ay wala akong maisulat kahit andami namang nangyari sa mga nagdaang buwan ko.
ibabahagi ko nalang sa inyo ang naging buhay ko sa ojt unang-una mahirap maghanap ng trabaho kahit ojt pa lang naranasan ko ang tatawagan nalang, pangalawa tama ang marami, may mahahanap kang trabaho pero hindi related sa course mo kaw na bahalang mag-ugnay sa kurso mo pag niyayabangan ka ng kaklase mo na nakakuha ng related sa course niyo.
napunta ako sa isang telecom company ang gandang pakinggan telephone company nakasama ko ang apat kong kaklase sa sales department at ewan ko kung ilan yung nasa access department na mga kaklase ko.
unang linggo balitaan sa txt ng mga ibang kaklase na sa ibat-ibang kompanya nakahanap ng trabaho, san ka ojt? d2 lang me sa ortigas, kaw wer? dito sa taytay.
lam u ba c ano taga xerox lang daw. naawa nga me eh. oh? taga xeox? ganda pa naman kompanya niya.
ilan lang yan sa mga txt na nabasa ko nung unang linggo namin. nagtatanong ako sa sarili ko ano ang matutunan kong about sa kumpyuter kong nasa sales department ako? mag-eencode? wala namang dapat iencode dahil sa may gumagawa na nun. gusto kong bigyan ng katwiran ang sarili ko na may matutunan ako sa ojt na yun.
tumagal ang mga panahon lumipas ang mga oras natapos na ang ojt natapos na ang 240 oras na dapat kong bunuin masaya ako na malungkot.
masaya kasi tapos na ang ojt bukod sa pagod ng katawan pahinga na muna sandali ang bulsa nakakapagod kasi mamasahe.
malungkot kasi narealize ko na may natutunan pala ako kasi akala ko wala, kaya ako nalungkot kasi akala ko wala akong matutunan. dun ko talaga nalaman na kahit saan bagay dito sa mundo kahit anong trabaho at kahit anong aksyon mo may matutunan ka talaga.
ibat-ibang personalidad ang napagtanto ko sa ojt na yun ibat ibang pananaw ang natutunan ibat-ibang ideya ang pumasok sa isipan.
masaya mabuhay sa mundo pagkat parang ang lahat ay sorpresa, hindi ako natuto sa kumpyuter pero natutunan ko ang ugali ng dahilan kung bakit may kumpyuter, hindi ako natututong magnetwork pero natutunan ko ang pagkakaugnay ng bawat tao dito sa mundo, wala akong nadiskubreng kakaibang software pero nalaman ko na ang pinakamahalagang parte na nagpapatakbo sa tao ay puso.
hindi ako natuto ng teknikal pero napalago ko ang emosyonal na pagkatao ko. hindi ako naging bihasa sa kumpyuter pero nalaman ko na mahirap pa pala sa programming ang kumita ng pera.
marami akong dapat pasalamatan sa paglagi ko sa kumpanya na yun ng 5 linggo at mga kaibigang nakahalo sa tawanan at nagturo sa halaga ng buhay.
Wednesday, February 4, 2009
pilot seksyon
ansarap sana magsulat kaso walang maisulat. sa totoo lang mga kapatid gusto ko talagang magsulat wala lang pumapasok na gustong masiulat.
ito ako ngayon kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga pc dito sa internet center ng skul. medyo malamig dito kahit maingay ang ibang nagfrifriendster.
kaya ganyan ang titulo ng post ko ay dahil sa yan talaga ang gusto kong punain.
una kaya ko gustong punain ang pilot seksyon dahil hindi naman lahat sa kanila ay gustong maging piloto.
ngunit seryoso hindi naman lahat ng nasa pilot section ay MATALINO as in MATALINO ang iba ay nadaan sa suhol at pwedeng tawaging BOBO.
karaniwan sa pilot section kinukuha ang valedictorian at iba pang award sa eskwelahan samantalang hindi naman lahat ng may honor ay honor na matatawag pwedeng sabihing MADAMI ang LAMAN ng BULSA pero BLANKO ang UTAK.
sa pilot seksyon kinukuha ang mga magiging pinuno sa pahayagan ng paaralan ngunit subalit datapwat hindi naman sila ang nagsusulat ng mga kulom nila dun. at kung magsulat man sila seksyon lang nila ang bida kahit hindi naman bagay sa mga mukha nila.
ang pilot seksyon mula sa pampublikong paaralan hanggang sa pang pribado ay walang pinag-iba mula sa pagkapanalo sa beauty pagent hanggang sa mga pictures ng kalokohan nila ay nakapaskil sa dyaryo dapat sila nalang ang estudyante.
paano mo huhubugin ang isang kabataan sa paaralan kung mismong ang paaralan ang nagpapatupad ng palakasan? paano? saan ka huhugot ng lakas ng loob kung nasa lower section ka? samantalang may award ka sa barangay niyo wala ka nga lang naibentang tiket ng sumali ka sa iskul niyo.
sabi ng madami bida lang daw lagi ang nasa pilot section sabagay tama sila bida sila sa paningin nila pero ang karaniwan ay sukang-suka sa sistema ng palakasan na umiiral sa bawat eskwelahan.
pag pilot seksyon ba hindi nangongopya? samantalang ang nasa lower nangongopya? ang pilot seksyon ba walang alam sa bisyo at pre marital sex? samantalang ang lower section ay adik at pokpok?
bigyan naman sana natin ng pag-asa ang mga taong nasa baba at hindi lang lagi ang mga piloto. dahil hindi lahat ng piloto matalino kaya nga may bumabagsak na eroplano.
sana hindi na mga pictures ng katangahan niyo ang makikita ko sa dyaryo at hindi ang mga onesided niyong buhok at mapupulang labi ang makikita kung mga author ng walang kakwenta kwentang pahayag ukol sa seksyon niyo.
hindi namin gustong malaman ang istorya ng buhay niyo. ang gusto namin makita ang binabayaran namin kahit papel lang.
para sa mga taong nasa lower seksyon.yung mga wala sa pilot seksyon.