ansarap sana magsulat kaso walang maisulat. sa totoo lang mga kapatid gusto ko talagang magsulat wala lang pumapasok na gustong masiulat.
ito ako ngayon kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga pc dito sa internet center ng skul. medyo malamig dito kahit maingay ang ibang nagfrifriendster.
kaya ganyan ang titulo ng post ko ay dahil sa yan talaga ang gusto kong punain.
una kaya ko gustong punain ang pilot seksyon dahil hindi naman lahat sa kanila ay gustong maging piloto.
ngunit seryoso hindi naman lahat ng nasa pilot section ay MATALINO as in MATALINO ang iba ay nadaan sa suhol at pwedeng tawaging BOBO.
karaniwan sa pilot section kinukuha ang valedictorian at iba pang award sa eskwelahan samantalang hindi naman lahat ng may honor ay honor na matatawag pwedeng sabihing MADAMI ang LAMAN ng BULSA pero BLANKO ang UTAK.
sa pilot seksyon kinukuha ang mga magiging pinuno sa pahayagan ng paaralan ngunit subalit datapwat hindi naman sila ang nagsusulat ng mga kulom nila dun. at kung magsulat man sila seksyon lang nila ang bida kahit hindi naman bagay sa mga mukha nila.
ang pilot seksyon mula sa pampublikong paaralan hanggang sa pang pribado ay walang pinag-iba mula sa pagkapanalo sa beauty pagent hanggang sa mga pictures ng kalokohan nila ay nakapaskil sa dyaryo dapat sila nalang ang estudyante.
paano mo huhubugin ang isang kabataan sa paaralan kung mismong ang paaralan ang nagpapatupad ng palakasan? paano? saan ka huhugot ng lakas ng loob kung nasa lower section ka? samantalang may award ka sa barangay niyo wala ka nga lang naibentang tiket ng sumali ka sa iskul niyo.
sabi ng madami bida lang daw lagi ang nasa pilot section sabagay tama sila bida sila sa paningin nila pero ang karaniwan ay sukang-suka sa sistema ng palakasan na umiiral sa bawat eskwelahan.
pag pilot seksyon ba hindi nangongopya? samantalang ang nasa lower nangongopya? ang pilot seksyon ba walang alam sa bisyo at pre marital sex? samantalang ang lower section ay adik at pokpok?
bigyan naman sana natin ng pag-asa ang mga taong nasa baba at hindi lang lagi ang mga piloto. dahil hindi lahat ng piloto matalino kaya nga may bumabagsak na eroplano.
sana hindi na mga pictures ng katangahan niyo ang makikita ko sa dyaryo at hindi ang mga onesided niyong buhok at mapupulang labi ang makikita kung mga author ng walang kakwenta kwentang pahayag ukol sa seksyon niyo.
hindi namin gustong malaman ang istorya ng buhay niyo. ang gusto namin makita ang binabayaran namin kahit papel lang.
para sa mga taong nasa lower seksyon.yung mga wala sa pilot seksyon.