Tuesday, June 24, 2008

ang bukana(maikling kwento)

Ang Bukana

jankarloferrer

Maaga akong namulat sa ibat-ibang likha ng kahirapan,bata pa lamang ako pasan ko na ang dapat di pasan ng isang musmos na tulad ko. pag-aararo ng lupang sakahan ang trabaho ng tatay ko at ang nanay ko naman ang bahala sa bahay. Lumaki ako na hawak ang pag-asang aahon sa putikan at mahuhugasan ang bawat marka ng kahirapan.

Ako ang panganay sa apat na magkakapatid ang sumunod sa akin ay dose anyos na, ang pangatlo naman ay walo at ang pinakabunso tatlong taong gulang. masaya ang aming pamilya kahit gipit sa pera ito nalang siguro ang makakapagtagpi sa mga dusa namin ang pagiging masaya.

Pagka-gradweyt ko ng hi-school nagdesisyon si tatay na mag-aral ako sa maynila nakautang siya ng pera sa may-ari ng lupang sakahan na pagtratrabahuhan niya ng limang taon,. “mahalaga ang pag-aaral anak wag mo kaming alalahanin ayos lang kami dito hindi namin pababayaan ang mga kapatid mo” ang wika ni tatay.

Habang binabagtas ng bus na sinasakyan ko ang patungong maynila walang patid ang luha ko sa pagpatak, walang pahinga ang utak ko sa maaaring mangyari sakin sa maynila walang paglagyan ang pag-aalala ko sa mga naiwan ko sa aming probinsya. . . .

Tangan ang isang pahina ng notebook na may nakasulat kung saang lugar ako titira, isang bag na puno ng damit na hindi ko alam kung damit na matatawag kung ipapares ko sa aking mga nakikita ngayon,bibliya na binigay sa amin ng may magpuntang amerikano sa iskul namin at isang maleta na puno ng pangarap at pag-asa na lagi kong dala mula pagkabata.

hindi ako nagkamali mahirap nga sa maynila ngunit andito ang sinasabi ng madami kong kabaryo na pag-asa, hindi ako nagpatangay sa lungkot hindi ako nagpadala sa aking pagkamahiyain bagkus ay sumabay ako sumakay ako sa anod kung saan gusto ko ng marating noon pa man ang tagumpay.

Habang tumatagal ako dito sa maynila natutunan ko sumayaw sa kanilang ritmo at kalaunan ay nakasanayan ko na din, madali akong nakilala ng mga propesor ko sa lahat ng subject. Iba dito sa maynila hindi tulad sa probinsya na naguunahan pa kaming magrecite dito kailangan pang balasahin ng propesor namin ang classcard para mapilitan kung sino man ang matatawag.

3rd yr na ako sa paaralang pinapasukan ko ibat-ibang award na ang natanggap ko sayang nga lang at hindi makita ng mga magulang ko ang abot tenga kong ngiti sa tuwing makakakuha ako ng award nagtyatyaga na lang ako magkwento sa yellow paper at bibilang ng buwan bago mabasa ng pinadalhan ko.

Pagtapos ng 3rd yr ng may dumating saking sulat mula sa aking kapatid isang balitang hindi ko mamutawi sa aking mga bibig hindi ko kayang titigan ang mga letrang nakasulat sa papel. . . . patay na ang tatay. . .pinatay siya ni don justing. . . .

habang pinagmamasdan ko sa salamin ang aking mukha na natatabunan ng mga luhang natuyo na rin dito may nakita ako may nakita akong isang pagkatao sa salamin nagkasungay namula ang mata nag-iba ang mukha gusto ko ng kumawala sa galit ko gusto ko ng pakawalan ang nararamdaman ko gusto kong magwala gusto kong umiyak hanggang wala ng mailuha hindi ko matanggap ang kanyang pagkawala. . .

Naghahanap ako ng kutsilyo wala akong makita gunting ang nahagip ng aking mata pwede na siguro to makapanakot sa labas at makapangholdap para makauwi ako ng probinsya at makapaghiganti sa pumatay sa aking ama. . .

May liwanag na nakakasilaw at sa likod nito may boses na bumubulong sa aking mga tenga “salamat sa pagtitiwala at ipinagkaloob mo sa akin ang iyong buhay” at bigla akong kinain ng liwanag at natunaw.

Isang kalembang ang narinig ko natauhan ako mula sa aking mahabang imahinasyon andito pala ako dahil ribbon cutting ng isa sa mga pag-aari kong building dito sa makati. kasama ang aking pamilya ang nanay ko na may katandaan na ang tatay ko na masayang masaya ang mga kapatid kong may mga pamilya na at ang asawat anak na iniingatan ko at ang sentro ng lahat ng ito ang liwanag na dapat pagkatiwalaan ng buhay na kanya ding pinahiram sa atin at magtuturo sa dapat kalagyan ng bawat isa dito sa mundo

Sunday, June 15, 2008

tagay mo na tol

bago simulan ang may akda ay may isang hiling maari bang inyong bisitahin ang blog ng aking mahal na kapatid karen ferrer wala kasi dumadalaw eh. . magaling na blogger yan wala ako sa kalingkingan


masyadong nakakamiss ang barkada minsan sinabi ko na tol pasensya na kailangan ko humilay sa tropa tol may pangarap ako kailangan ko lumipat ng eskwelahan.

para namang sinabi mong wala kaming pangarap matagal naming pinagtaluhan hanggang sa desisyon ko pa din ang nangibabaw. masarap pag uwian deretcho sa bahay ng tropa ambagan pambili ng ulam magsasaing habang nag-aantay ng sinaing bonding pagkatapos kumain tagay pagkatagay lasing makulit suka iyak tawa kanta hayz sarap ng buhay parang walang bukas na darating parang ang mundo ay di umiikot.

isang araw ayoko ng tumagay ayoko ng tumawa sa mga biruan ayoko ng humits tinangihan ko na din ang ang akbay nila, ayoko ko na mamiss ko sila at lalong ayoko na mamiss nila ako dyahe kakalungkot yun.

nangibabaw parin ang pagiging kaibigan ko sa kanila ito na naman ako nakahawak ang kanang kamay sa tagay at ang kaliwang kamay sa tubig lagok pait sundot ng tubig tawanan hanggang sa unti-unti ng nawawala ang mga kainuman ko ako at ang kaharap ko nalang ang natira at sa isang iglap pati siya ay nawala na.

lumipas ang mga oras parang ayoko ng gumalaw takot akong dumilat nawawala ako nawawala ang paningin ko nawawala ang mga kamay ko nawawla ang mga paa ko alam ko isa na lamang ako sa libo-libong katawan na nakatambak dito.

isang sampal ni kristine ang nagpabuhay ulit sa akin isang salitang hindi ko malimutan tol tagay mo na ano kaba bakit ka tulala, pagtingin ko sa basong hawak ko andun pa din ang laman nito hindi ko pa pala naiinom ang laman ng baso ang alak na nagbuo sa amin at nagwasak din samin alak na naging dahilan para lumigaya at alak na naging dahilan ng pagluha.

masarap magkaron ng tropa masarap magkaron ng katawanan kakulitan kaiyakan kainuman pero mahirap mawalan nito kung ano ang sarap magkaron higit pa dun ang pagluha kesa sa pagtawa isang parte ng buhay mo na bigla nalang nawala dahil sa mga pangarap mo.

Friday, June 13, 2008

ang dilim ba ay nangangain?

may isang blogger ang nagsabi sakin na masyado daw mababaw ang aking mga gawa masyado daw halata ang mga gustong ipahiwatig wala daw lalim ang aking mga ideya.

habang binabasa ko ang email niya nagtaka ako,nagulat nalito bakit kaya siya nag email ng ganun sakin ano kaya ang gusto niyang paratingin para ba ako turuan ng mas malalim na ideya o punain at ipamukhang mababaw ako.

sa lahat ng email sa akin ang email niya ang pumukaw sa aking gunita habang binabasa ko ang email na puro positibo ang sinasabi biglang kumambyo sa negatibong puna ng isa ding blogger tulad ko.

kaya ako nagblog para sa sarili ko mailabas ang nararamdaman ko malalaim man ito o mababaw. ako ang gumagawa nito ako ang nagrehistro sa blogspot ako ang nangangalay magtype ako ang sumasakit ang mata sa pagtingin sa monitor ngunit subalit kayo ang nagbabasa.

natawa lang ako kasi sa email niya may link papunta sa blog niya nakakatawa na para bang pagkatapos niya magbitaw ng negatibong pahayg ukol sa blog ko gusto niyang tingnan ko ang blog niya at sabihing malalim huwaw.

pumunta ako sa blog niya hindi para ikumpara ang blog ko kasi alam ko hindi maganda ang mga post ko,pagtingin ko sa blog niya isa lang nasabi ng utak ko isa rin ang blogger na to sa madaming blogger na nagdudunong dunungan sa madamig bagay dito sa bansa natin.

paano ba maging malalim ang mga post? dapat bang halos hindi na maintindihan ng nagbabasa dahil parang may sariling pananaw ka na hindi malangoy ng madaming mambabasa? dapat bang lagi mong sisihin ang gobyerno at ituring ang sarili mo bilang aktibista? hangaan ang sinasabing mahal ang mahihirap na mga lider ng ilang party list na mayayaman naman talaga?

dapat ba na hindi mo ipaalam ang tunay mong pagkatao dahil sa anong bagay at malalaim mong eksplenasyon? siguro kaya hindi mo gustong ilagay ang iyong katauhan sa kadahilanang wala kang bayag para sa blog mo na inaakala mong malalim.

ang blog ko na sinasabing mababaw ay hindi sa takot sa ano mang ideyang mababaw na nakalagay dito. alam ng lahat ng bumabasa kung taga saan at anong pangalan ko hindi ko kailanman itatago ang pagkatao ko may puna man ako sa ibang tao may banat man sa tao sa gobyerno may kabastusan mang sinabi dito may katangahan mang nagawa ako pa din ito si karlo hindi ko tinatago ang katauhan ko sa mga taong maaring magalit sa kababawan ko.

kaya ako binigyan ng pangalan para gamitin ito kung ano man ang maging impresyon ng ibang tao hindi na mababago ang ginamit kung pangalan ilang taon na ang nagdaan. ang mababaw na blog ay mas kayang languyin ng mas maraming mambabasa mas kayang bagtasin hanggang sa dulo at mapipigilan nito ang paghihikab.

Wednesday, June 11, 2008

luntiang bertud

bago simulan ay binabati ko ng napakaligayang kaarawan ang aking idolo na si sir francis "brew" reyes. . . gitarista ng the dawn dj ng NU107 may live journal siya basahin niyo http://www.livejournal.com/users/watdat/

madami sa atin gusto magkaron ng kapangyarihan pero hindi tipikal na kapangyarihan yung tipong makakalipad makakakain ng bala mawawala sa talahiban parang the flash tumakbo magiging invisible para makalusot sa cr ni marian rivera. . .

ang gusto ng madami ngayon ay kapangyarihang maguutos sa tao na sumayaw ng walang tugtug maglakad ng paluhod magubos ng luha sa kanilang harapan at tawagin silang kagalang-galang.

isa lang ang sulosyon diyan magkaron ka ng pera ngunit paano ka magkakapera? tumaya ka sa lotto?paano kung wala kang sampung piso?magtinda ka ng bato?wala kang puhunan iho.

nagtataka ako kung san kumukuha ng pera ang mayayaman kung naghihirap na ang ating bayan?san kaya sila nagsangla ng kaluluwa at humihiga sila sa pera? samantalang maraming hindi alam kung san kukuha ng kakainin.

alam mo hindi naghihirap ang pilipinas tayo lang mahihirap ang naghihirap kaya nga tinawag na mahihirap eh. naghihirap ang pilipinas sa interpretasyon ng mayayaman,maaaring nabawasan ng ilang milyon ang kanilang vault ngunit bilyones pa din ang laman nito.

2003 kahit hindi pa nadadagdagan ng sampung piso ang kilo ng bigas hindi pa pumipila sa kulay dilaw na nfa rice hindi pa nagsusuntukan dahil pinagtaluhan kung bakla ba si piolo ay tinatawag ng mahihirap ang mga kalugar ko ilan sa kanila umunlad nakapagpatayo ng sari-sari store si aling tekla, nagkaron ng pasugalan si mang gorio, nagtulak ng bato si bimbo, naging bodyguard ni mayor si arsenio, benenta ni lina ang katawan sa bumbay at nanalo sa cara y cruz si tasyo.

pero yung makapagpatayo ng mansion? baka si jimmy kaso 2008 pa lang eh sabagay 2 taon nalang eleksyon na ulit pwede na siyang utusan ni mayor na patayin si vice mayor balita kasi tatakbong mayor ito. ilan sa mga kalugar ko nakipagsabayan nalang sa alon ng putang inang sistema.

nasa sarili mo ang pag-asa eh putang ina ako nga na nagsisikap mag-aral at pinagsisikapang pag-aralin ng magulang ko nilalamon ng sistemang umaagos sa bansang ito paano pa kaya ang mga kalugar ko na matatanda na, no read no write, ilang dekada ng nabubuhay sa ganito paano sila?paano nating sasabihing nasa tao ang pag-unlad?paano sasabihin ng mga putang inang ganid sa kapangyarihan na tamad ang mahihirap?

hindi sila tamad takot sila. . takot silang banggain kayo baka madurog sila sa kapangyarihan niyo. .hindi sila tamad . .hindi lang sila makagalaw kasi nakakadena sila sa leeg hawak niyo.

Tuesday, June 10, 2008

made in pera

sabi ng titser ko nung 2nd year ako pag gagawa ka daw ng kwento dapat may kaugnayan sa titulo mo. mula noon nangarap ako na sana makagawa ako ng istoryang kakagatin ng masa naisip ko pa nga nun na gumamit ng kakaibang pangalan para lalong maging misteryoso para hindi ako makikilala.

pero ngayon gumagawa nga ako ng mga istorya pero dumadaan sa napakalaking labanan ng utak ko at katotohanan,utak na basta nalang nagdidikta ng dapat kong isulat ngunit pagkatapos kong itipa at aking nabasa papasok ang katotohanan na hindi dapat isaletra ang naisip ng aking utak.

madaming nagtatanong san daw ako kumukuha ng ideya siguro nagtataka sila kung bakit pumapasok sa utak ng isang kabataang tulad ko ang mga ganung pananaw at palagay.

siguro naging mapagmasid ako kaya may pumapasok na ideya para isulat ngunit habang iniisip ko ang aking nakita para isulat bigla nalang sasabog ang isang parte ng katotohanan na puro panget ang aking nakikita puro puna ang aking opinyon puro mali ng iba puro sila.

halos 100 sa naisulat ko puro lang sa harap ng computer walang drafts walang editor walang bawian kung ano yung naisip ko yun na yun kung ano yung agos sige lang, akala ko pumupuna lang ako akala ko iniisip ko lang ang mali ng iba akala ko lang pala yun. kasi ng balikan ko ang mga post ko halos lahat pala istorya ng buhay ko halos lahat pala sistema na bumubuhay sa akin sa tulad ko na kabataan at sa halos lahat ng nilalamon ng sistema.

simple lang naman ang gusto ko ang makapagsulat maibsan ang pagkabagot dito sa bahay at makapagbigay boses sa mga barkada kong naiwan sa tambakan ng mga gago at tarantado sa basurahan ng dumi sa lipunan at sa tahanan ng pinagkaitan ng kalayaang mabuhay ng maalwan, yun yung mundo ko. . . dati dun umikot ang buhay ko ng limang taon dun ako muntik mabaon dahil sa bigat ng mga buwayang pinapasan ng katulad kong mahihirap.

ngayon wala na ako sa iskwater area wala na ako sa sinasabing lugar na walang patutunguhan pero naiwan dun ang puso ko naiwan dun ang mga pangarap ko naiwan ang mga kaibigang hindi ko alam kung binuhay pa sila ng mga buwaya o tuluyan ng kinain.

3rdyr college na ako malapit na akong makatapos ou makakatapos ako sa pag-aaral ngunit hindi dun matatapos ang carnaval ng aking buhay patuloy akong kakainin ng sistemang bumabalot sa ating bayan at patuloy makakakita ng mga bagay at tao na pinapatakbo ng pera.

Saturday, June 7, 2008

pbb teen edition

simpleng salita ang aking narinig. . .

hahangaan,huwaran isang kabataan na may pangarap sa buhay. . .

lilipad na ako sabayan niyo ako ang sarap dito. . .

ibat-ibang tao iisa ang sinasabi "yes! c ejay ang nanalo"

di ko lang talaga maintindihan kung bakit ang tv na daan sana para kapulutan ng aral ay napupunta sa iilang ganid sa kayamanan at kapangyarihan.

simulan natin sa 4th placer>beauty ang pangalan nun binansagan ng iba na over acting napanuod ko siya ou tama o.a nga. pagpasok chubby paglabas babby. ano kaya ang gustong palabasin ng palabas na ito sa kabataan dapat bang hangaan ang nagtitiliing babae at minsan nagiiyak iyakan?ano ang matutunan ng isang kabataan sa pagbabago ng rebeldeng tanga. bakit tanga kasi nakakaalwan na sa buhay nagiinarte at binansagan pa ang sarili na pasaway at rebelde ows talaga?? mamundok ka nga malaman kung rebelde ka nga.

3rd big placer> magandang mukha tapos ayun na yun dapat bang hangaan ang isang kabataan na ang istorya sa buhay ay hindi nalalayo sa karamihan? mahiyain tapos nagbago daw nakalabas daw sa shell niya tapos may premyo na yeheeyyy. . . mayaman nag-aaral sa magandang paaralan yeheeyyyy kabataan hangaan.

2nd big placer> seryoso,mayaman,mabait,gwapo,playsafe at halos lahat tinuring na kalaban yeheeeyyyy matalino ginamit ang talino para makuha ang simpatya ng bobong masang pilipino kabataan hangaan.narinig ko dati to ng ninominate niya ang isa nyang kasama sa carnaval ang rason niya kung bakit ninominate ay ganito "kasi kuya sobrang miss na niya yung mommy niya kaya siya po ang ninominate ko" palakpakan.

at ang bida big winner>pinangangalandakang mahirap siya na kailangan niya ng pera may pangarap siya. pangarap na magkapera ng madalian? hangaan mga kabataan.

alam niyo mga kapatid hindi naman ako perpekto at wala talagang perpektong tao katulad nga ng sinabi ko opinyon ko ang nakasulat dito kung may comment kayo mas masaya paliwanag ko lang kung bakit yan ang opinyon ko.

ilang milyon ba kasama ang premyo ang nagastos sa palabas na kanina natapos? ilang milyon ba ang dapat gastusin sa mga ganyang palabas? nakakatulong ba talaga ang ganyang palabas sa ibang wala sa loob ng bahay na yan?bakit hindi gastusin ang milyon na yan sa madaming mahihirap at hindi sa iisang tao lamang?

bakit kailangan pumili ng may mga itsura para pumasok sa loob ng bahay na yan? bakit kailangan na magpatxt ng 2:50 kada isang boto hindi ba pwedeng magbigay sila ng numero na piso lang ang bawas? kasi kumikita?

natira ako sa iskwater madaming mahihirap na kabataan madaming ang hiling lang ay makakain kahit isang beses sa isang araw madaming gustong mag-aral iisa lang ang lumalamon sa kanila walang iba kundi ang sistema.

sana ang gagastusin sa palabas na to ay gamitin na lamang sa mas makabuluhang pangangailangan at hindi sa iilang tao lamang ang makikinabang,gamitin sa tamang kalagyan at hindi sa bulsa lang ng ilang makapangyarihan,hindi sapat ang pangarap para umangat ka kailangan mo sabayan ng galaw at dahilan ang bawat galaw mo. hukayin mo ang tinatapakan mo ngayon dun mo makikita ang totoong buhay na walang halong drama dun mo makikita ang ni minsan di mo ginustong makita at dun mo mapapatunayan na may nagawa ka.

ang naging big winner ay sinasabing nagbibigay pag-asa sa mga mahihirap na nawawalan na ng pag-asa bakit nakakainspired ba ang makitang natutulog ang nagbibigay ng pag-asa sa malambot na kama kumakain ng sapat at masaya nakakapagbigay ba ng lakas na sa araw araw nakikita ng madaming mahihirap na kabataan na wala silang ginawa kundi sumunod sa mga utos ng boses na parang tulad sa labas na ginagalawan ng madaming kabataang mahihirap may boses na naguutos sa mahihirap na manahimik may sumasakal na boses na bawal magsalita may boses na sumisigaw at ikabibingi na lamang nila at alam niyo ba kung san nang-gagaling ang boses na toh?galing ito sa mga mayayamang mga ganid sa kapangyarihan at sa makamundong kagamitan,galing ito sa mayayamang iniimplwensyahan ang sandaigdigan upang patuloy na tapakan ang dati ng nakabaon.


Thursday, June 5, 2008

paalam liwanag ng araw

ang kwento na ito ay inaalay ko sa kapitbahay naming si hector sa kaibigan kong si jayron at sa lahat ng nakasama ko sa gruar phase1 cainta,rizal mabuhay ang mga callboy mabuhay ang mga working students at mabuhay ang itatago natin sa pangalang mr.yozo.
si mr yozo ay kaibigan ko sa lugar na madaming kumukutitap isa siya sa nagpalakas ng loob ko at siya ang dahilan kung bakit ako kumukuha ng kursong bachelor of science in business administration ngayon.

sa pagpanaw mo sa ating mundo kapatid naway maluwalhati ka ngayon sa pagbagtas sa kabilang buhay ang kwento ng kapiranggot sa iyong karanasan ay ibinahagi ko sa pamamagitan ng blog para sayo ang bawat letra ang bawat kataga at paghanga kung meron man.

tol maraming salamat talaga sa lahat ng ibinigay ibinato inihagis na tulong sa akin kahit anlaki ng tanda ng edad mo sa akin ay bumaba ka sa level ko at napilitan sumayaw sa ritmong pauso ko, salamat tol sa mga payo kung hindi siguro sayo hindi ako nag-aaral ngayon. kahit sana sa ganito lang ay mapasalamatan kita sa lahat ng nagawa mo sa buhay ko bukod sa mga yosing inutang ko sayo.


ang kwento ng isang mayamang negosyante. . .

10 taon pa lamang ako iho ng mamatay ang mga magulang ko. komo ngat bata hindi ko alam ang gagawin ko, nakitira ako sa mga tiyahin ko sa kabilang bayan,nung una ay napakabait nila sa akin ngunit habang tumatagal hindi na maganda ang kanilang trato sa akin.

12 anyos ako ng magpasya na akong umalis sa mapang abuso kong kamag-anak at nakitira ako sa kaibigan kong pastor ang ama. alam mo iho napakabait nila sa akin hanggang isang araw bigla nalang bumaliktad ang mundo natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak habang nagmamakaawa sa ama ng aking kaibigan habang ang mura kong katawan ay unti unti niyang hinihimas na parang gumagawa ng pandesal.

15 anyos ako sanay na sa buhay na garapalan unti unti ko ng nilunok ang buhay. . . ang pakahulugan ko nuon sa buhay ay isang malaking carnaval na pwede kang maging payaso o kaya naman minsan pwedeng maging higante na mananakot sa mga batang may baong kende.

nagpalipat lipat ako ng pinapasukang club nun ilang mabahong bading ang tumikim sa aking saging hanggang sa magmistulan akong pagkain na isang parte lang ang kanilang nais lapangin.

20 yrs old ng makulong ako. . . . .

karlo: bakit kayo nakulong? ano po ba ang kaso niyo??

negosyante: nakapatay ako iho napatay ko ang bading na hindi nakuntento sa pagsipsip sa lollipop at itoy kinagat nagdilim ang paningin ko nun at napilitan akong kagatin siya sa tenga.

pinagdusahan ko ang ginawa ko hanggang sa unti unti kong nakikita ang sarili ko iho hinding hindi ko malilimutan ng unang pasok ko sa kulungan umiiyak nakatiklop ang dalawang kamay at nakayuko.

hanggang sa umedad ako ng 28 sa edad ko na yun ay isa na akong mayores sa kulungan isa na akong kriminal nagkapatong patong ang kaso ko sa dami kung napatay sa bugbog na mga bagong pasok.

35 ako ng mabigyan ng parol napakasaya ko ng mga araw na yun sa wakas hindi na ako matutulog katabi ng mga mababahong preso hindi na ako mang-aagaw ng pagkain sa mga walang tatak na preso.

habang humahakbang ako palabas sa aking selda naluha ako hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko hindi ko kasi alam kung ano ba ang pwede kong maramdaman ano ba ang nais kung kalagyan ngayong nasa labas na ako.

ngunit mas mabangis ang buhay sa labas ng bakal na rehas hindi ako dito mayores.

balik uli ako sa trabaho ko bilang tagapagbigay aliw sa mga bading at matronang mapagsamantala.

hanggang isang gabi may booking ako ng matyempuhan ko ang isang matronang akala ko ay diseotso anyos pa lang napakaganda ng kanyang mga mata at ang kulay niya na natatakpan ng dilim ng gabi.

nagkakilala kami nagkapalagayan ng loob at naging magkasuyo. bumibilis ang oras, dumaraan ang mga araw at ang taon ay nagtatakbuhan tumatanda ako sa ganitong sistema at kalakalan.

napili ko na magbago hindi para sa sarili ko kundi para sa asawat magiging anak ko. ou iho buntis ang asawa ko at magkakaanak kami ng mga panahong yun na matagal kung pinangarap makamtam.

pumarehas ako hindi na ako nagpapasupsup ng aking lollipop bagkus ako ay nagtitinda nalang ng yosi at kende sa lansangan ng may mapulot akong isang bag na puno ng papel.

hinanap ko ang pangalang nasa papel at natagpuan ko ito isa siyang mayamang matanda tinanong niya ako kung bakit ko pa daw binalik sa kanya ang mga papel na yun tinapon na daw niya kasi yun kasi kalat lang sa atache case niya hindi naman daw importante yun.

sa madaling sabi umasa ako na mabibigyan ng pabuya ngunit hindi ito natupad.

ngunit isang araw nakita ako ng matandang pinagbalikan ko ng mga papel na kalat.

maganda yang trabaho mo pumaparehas ka kahit mahirap ka nagtyatyaga ka sa buhay tinanong niya ang aking pangalan at nagpaalam na siya.

bigla nalang ako nagising nakahiga sa malambot na kama at naninigas dahil sa lakas ng aircon may nabasa ako sa ref na sulat >"iniwan ko sayo ang yaman ko para sa iyong kapakanan at ng pamilya mo gamitin mo ito sa mabuti teyk care olweiz lovelots. muah."

"This is my entry to the Blog Challenge 04: Because YOU deserve a post"




university of rizal system

manong bayad sa u r s lang po yan. . . .

pag may nagsasabing bulok ang paaralan ko hindi ko mapigilang mapatingin sa namimintas dito hindi ko maitago ang pagkayamot hindi maiwasan may kumukurot sa isipan at naitatanong nalang bakit san kaba nag-aaral?

sa pagtatanong ko maaring dun na papasok ang sinasabing magandang eskwelahan. ako? sa U.S.T AKO! may pagmamalaking sagot niya. . .ah okay.

minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit nauso ang pagalingan kung bakit may pagandahan at isang diskriinasyon na wawasak sa pinaghirapan. madalas akong magtanong sa sarili ko ano naman kung sa URS ako? ano naman kung isang sakay lang ano naman kung hindi ako sumasakay sa metrostar sa santolan ano naman kung hindi kasali sa UAAP or NCAA man lang ang aking eskwelahan.

mahal ang magpaaral at kung sasayangin mo lang ito sa pagyayabang wag mo ng subukan o kayay tikman. wag kang maghanap ng eskwelahan na pupukaw lang sa atensyon ng iilan sa mga mapagpanggap ng nilalang na akala mo pag sa maynila ang kanilang paaralan sila na ay nakalalamang. tandaan mo ang pagaaral ay walang pinipiling pagdausan maaring sa pagbabasa mo ngayon ikay nakakapag-aral hindi dahil sa turo ng bigating propesor o sa aircon mong klasrum maaaring malalaman mo sa kabilang banda na tao ka tao ako at kelan man hindi mo mapapatunayan na panget ang eskwelahan hanggat ikay may natutunang mabuti dito.

hindi mo pwedeng tawaging eskwelahan ang isang institusyon na pera lang ang puhunan. hindi mo pwedeng ipangalandakan ang team niyo sa uaap kung ang iskul niyo ay isang koponan lamang alalahanin mo ang p.e ay isang subject lamang.

ang pag-aaral ay hindi nakikita sa eskwelahan bagkus sa natutunan ang paaralan ay hindi nakikita sa magagarang pasilidad bagkus sa mga umuukupa dito. at hindi lahat ng mahal may kwenta may mga mahal na sa presyo lang at wala sa utak o damdamin man.

p.s si mahal asan na siya ngayon pagkatapos niyang maligo gamit ang blue na tabo. asan na ang green na tabo na laging kaagaw ni blue asan sila ngayon susunod na post malalaman niyo kung asan sila.